Kabanata 2 - Mafia Boss

95.2K 2.6K 416
                                    

ADD ME ON FB: Riz Andrea

GWENETH

"And you know what? That's the lamest ambush I have ever experienced." kanina pa niya inaasar na akala mo close friends kami. Nasa sasakyan niya kami sa likod at ang driver niya sobrang tahimik, hindi ko alam kung patay na ba.

Inaamin ko nag sisi ako sa ginawa ko, malaking gulo talaga itong pinasok ko. Nagmagaling pa ako eh, oh ano? ninerbyos ako pero slight lang. Takot ako pero hindi dapat ipakita... alam ko bakas sa mukha ko sino niloloko ko? Siniksik ko ang sarili ko sa door side ko para makalayo sa kanya. Pinagkdikit ko 'yung dalawang kamay ko at nagdasal sa may kapal na hindi pa pala ako handa sa parusa niya.

"Oy!"

"Aw!" hinimas ko yung tuhod ko. Ang sakit! Sipain ba naman ako sa tuhod, walang galang sa babae saksakin ko- teka speaking of saksakin nasaan yung kutsilyo ni papa?

Nanlaki yung mga mata ko at kinapkap ko yung katawan ko. "Hala." bulong ko. "Naiwan ko ata." napabusangot naman ako. Baka mamaya kunin lang ng kung sino yun.

"Oy!" aba kupal 'to sinipa na naman ako.

"Ano ba!" bulyaw ko sa kanya. Tumingin siya sa space namin sa gitna at bumalik sa mukha ko. Medyo nainis siya. 

"Why are you so far?" At tinaasan ako ng kilay.

"Ayaw ko lumapit sa inyo, nakakatakot kayo!" napasinghap ako, hala nasabi ko pala ng malakas. Lalong tumaas yung kilay niya.

"The last time I checked you're the one who threatened and kidnapped me..." Tumigil siya at may smirk na namunga sa labi nito. "... In the lamest way."

"Ser pakawalan niyo na ho ako." Nagmakaawa ako sa kanya dahil gusto ko ng umalis. Torture ang narinig ko kanina lumaki ng 5 mm yung tenga ko, seryoso.

"Your name is Gweneth right?" Hindi ako sumagot at binigyan siya ng nagmamakaawang mukha. Napadekwatro siya at napahawak sa baba, pinatong niya 'yung braso niya sa taas ng sandalan ng upuan, medyo lumayo pa nga yung ulo ko kasi katabi na ng ulo ko yung kamay niya. Ang haba ng braso.

"You actually don't know me right? So rude of me, I didn't even introduce myself." Medyo kinikilabutan na ako sa tono ng boses niya na parang may hindi ako magandang maririnig sa lalabas sa bibig niya.

"I'm Flint Ventura Harris, Kick Pepe."

Katahimikan.

Hindi ako nagsalita dahil pinakinggan ko ng mabuti ang sinabi niya. Imbis na matakot ako hindi ko napigilan ang lumabas sa bibig ko. Bigla akong napahalakhak ng malakas tapos pinapalo palo ko pa hita ko at nakahawak sa tyan, nararamdaman ko naluluha ako.

Pangalan niya kasi eh, Kick Pepe... Anong klaseng pangalan ba iyan. Hahaha wait baka artista siya at may screen name komdeyante siguro ito.

Ambaho ng pangalan niya, ansarap hugasan ng pH care.

Unting unti nang humupa yung tawa ko dahil ang awkward naman na ako lang ang tumatawa at seryoso yung mukha niya. Wait.... Seryoso ba siya sa pangalan niya?

"Ahm.. Bakit may screen name ka?" nagtilt yung ulo ko at tinanong siya kasi nacucurious ako.

"Boss of Dark Ring, one of the most powerful mafia family by the way." At pinakita niya yung wrist niya. May tattoo siya, na seven na itim na bilog, hugis singsing.

Nalaglag ang panga ko, yung tawa ko kanina bigla kong nalunok dahil sa sinabi niya at sa nakita ko. Isa siyang Mafia, posibleng pumapatay nga siya. Pangalawa, yung tattoo niya....

"May ganyan ang papa ko." Bulong ko. Tumaas mga mata ko para tignan ang mukha niya. Napalunok ako at hinila ko ang mukha niya, nagulat siya sa ginawa ko.

Kidnapping The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon