Kabanata 13

64.4K 1.7K 84
                                    

GWENETH

Nanaginip ako, tinanong daw ako ni Christian Grey kung gusto ko ba ay kinky o vanilla. Sabi ko kinky, naabutan ko na lang ang sarili ko na naglalaway.

"Hmm.." napatap yung index finger ko sa baba ko at iniisa isa ang laman ng wardrobe ko, puro dress wala pa akong makitang jeans. Mamaya papabili ako kay Flint, for now kailangan ko ng desenteng damit dahil magsisimba ako.

Nagustuhan ko 'yung white na damit, may sleeves siya. Kinuha ko at tinapat sa sarili ko, humarap ako sa salamin na katabi ng closet. 

Tinanggal ko ang towel ko, kakaligo ko lang kasi. Sinuot ko naman itong damit na binigay sa akin at hinayaan ko lang na kusang matuyo yung buhok ko. Nakalimutan ko rin pala na magplantsa, kumukulot kasi itong buhok ko.

Lumabas ako ng kwarto suot ang doll shoes na kulay black. Nga pala tinanggal na nila yung autolock sa kwarto ko. Nagmadali akong bumaba at nanigas ako ng maabutan ko na niloload nila yung mga baril nila. Lahat sila parang naghahanda, may mga baril sa kamay sa lahat ng sulok ng lugar may baril. Pero natandaan ko kasama na sa lifestyle nila ang pagdadala ng baril. Umubo ako 'yung pang Oscars hahaha. Lahat ng kanilang mata pati mata nila sa likod kung meron man ay napunta sa akin.

"Ano ready na ba kayo? Simba na tayo?" tanong ko sabay sabay silang napakunot.

"Tama ba yung narinig ko?" may narinig akong bumulong si Lloyd.

"Ano ba narinig mo ungol ng pinanood mo kahapon?"

"Tang*na mo hindi ako nagwewet dreams sa psycho na yun." wet dreams? Naalala ko yung napanaginipan ko.

"Ay ako ako! Nagwet dreams ako kay Christian Grey!" tumatalon talon pa ako sa spot ko at nakataas ang kamay. Nakatingin ako kila Lloyd. Lahat ng mga mata napadpad sa akin at binigyan ako ng 'are- you- serious' look. Nalaglag ang mga panga nila.

Napahilamos ng mukha si Flint at kunot ang noo na nakatingin sa akin. Ano na naman nasabi ko? Binaba ko yung kamay ko at nahihiyang tumingin sa paa ko. Umiling si Flint, sinundan ko ng tingin yung kamay niya. Nilagay niya yung baril niya sa isang lalagyanan na leather. Tapos sa katawan niya may mga baril din. (pistol body holster)

Pinagmasdan ko siya parang nakalimutan kong huminga. Naging pogi siya lalo habang suot niya iyon, tapos naka-turquoise na long sleeves, black pants and brown bullet shoes. Yung buhok niya ang messy pero lalong nagpapogi sa kanya yung ganung ayos.

"Stay here hindi ka magsisimba, clash day ngayon hindi ka pwedeng lumabas doon ka sa baba." kinasa niya yung baril niya. Nabaling sa kabila yung ulo ko.

"Pero sunday ngayon, kailangan kong magsimba." katwiran ko. Tumaas ang kilay niya at naging linya ang mga labi niya. Madilim ang kaniyang mga mata na parang hindi niya pinahihintulutan na magsimba ako.

"No." sabay suksok sa isang lalagyan sa leather na nakasuot sa katawan niya. (pistol body holster, hindi kasi alam ni Gwen ang tawag dun okay?)

Hindi pwede lumabas? Ayaw niya? Dahil baka kung mapano ako o dahil dagdag pa ako sa alagain? Napabusangot ako. 

"Bakit hindi pwede? Kahit anong sabihin niyo aalis ako." humakbang ako sa pinakahuling bahagdan ng hagdanan.

Pero may naisip akong idea, parang may bulb na lumitaw sa tuktok ng ulo ko pero kulay red ang ilaw tapos sa paligid may mga nagsasayaw na pole dancer. Ay kaloka saan napupunta ang naisip ko? Hmmm

"Sumama na lang kayo sa akin tutal ayaw niyo akong palabasin?" masaya kong suhestyon sa kanilang lahat, tama lang na marinig ng kalahatan ang boses ko. Napuno ng bulungan ang bahay hindi umalis ang mata namin ni Flint sa isa't isa.

Kidnapping The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon