37

133 6 4
                                    






[Daphne]


"I'm starting to fall, Daphne, and I need to know if you are there to catch me." Bigla kong nakalimutan kung paano huminga. I feel like the world stopped, tila tumigil ang buong paligid at tanging ang maamong mukha niya lang ngayon ang nakikita at napapansin ko.



His usual serious face is different from what I am seeing now. His eyes are looking at me with passion and admiration. Hindi ko alam kung tama bang isipin na puno ng paghanga ang paraan ng pagtitig niya sa akin.


He is not smiling or frowning too. Hindi ko masabi kung anong ekspresyon ba ang pinapakita niya ngayon. Ang alam ko lang ay nakakalunod ang mga titig niya.


"Your silence is bothering me, please say something." Nangungusap niyang sabi sa akin. Gusto kong magsalita pero ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Ayokong manatiling nakatitig lang sa kanya dahil baka mabasa niya ang laman ng isip ko ngayon. Baka mahulaan niya yung kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon.


"W-what do you want me to say?" That's the most stupid question I can ever think of. Obvious naman kasi eh! Pero nahihiya ako. Some people are looking at and even watching us. Ramdam ko ang mga matatalim na titig sa akin ni Cressida, ang seryosong tingin ni Sir Alecdora, at ang nagtatakang mukha ni Ace.


He let out a loud and deep sigh. Tumigil siya sa pagsasayaw at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Gulat man sa pangyayari, hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa kanya. "Damn, baby. You're giving me a hard time."


Mas lalo akong hindi nakapagsalita dahil sa sinabi niya. His soothing calm voice is killing me, I can't think or breathe properly because of his words for me. Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig sa akin?


"Ano..." I don't know what to say. I'm lost for words.


I saw him bit his lower lip habang nakatingin sa sahig at nang nag-angat siya ng tingin, nagtama ang mga mata naming dalawa. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko. "Gusto kita."


Gusto niya ako? Sa paanong paraan? I don't want to overthink his words. I don't want to expect. Ayokong magkamali ng iniisip.


Before I can even answer him, isang malakas na sigaw ang umagaw sa atensyon naming dalawa.


Fuck!







[Ace]

Days before the celebration



"May nakuha kaming lead tungkol kay Tobias." Panimula ni Ram. Naririto sila ulit sa base ng Pridewood at mabuti na lang ay tinulungan kami ni Akira upang hindi sila mahuli. She created an illusion so that the people from the Council won't see the magic users from Northridge District.



Lahat kami ay naghihintay lang sa sasabihin ni Ram, tahimik at seryoso. Hanggang ngayon ay wala pa ring nagbago, hindi na naibalik sa dati ang ingay at sigla ng mga kasamahan ko. Hindi na masiyadong nag-aasaran sina Violet at Kit. Mas lalong naging madilim ang aura ng base dahil sa mga nangyari.


"May nakakita sa kanya sa Central. Hindi namin natukoy kung ano ang pakay niya roon pero mukhang may binabalak siya." Dugtong ni Ram sa sinabi niya.


"Siya? Walang kasama si Toby?" Tanong ko.


Si Gabriela ang sumagot. "He is alone. Nasundan namin siya pero wala siyang kinausap o kinatagpo man lang."


Pridewood: Daphne's RevengeWhere stories live. Discover now