39

122 9 3
                                    







[Alexandria]




"Matagal ko nang sinabi na stupido ang nobyo mo pero hindi ka nakinig." Sambit sa akin ni Baltazar habang suot suot ang nakakalokong ngisi sabay tungga ng alak na inilagay ko sa kanya.


Napabuntong hininga na lang ako sa itinuran niya. Masakit ang ulo ko dahil sa ginawang pagtakas ni Tobias sa hindi malamang dahilan tapos ngayon ay mababalitaan kong umatake siya mag-isa.


Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi kong sumunod ka lang sa akin, Tobias? Inilalagay mo lang ang sarili mo sa kapahamakan.


"Hindi natin alam ang dahilan kung bakit pumunta si Tobias doon. Hintayin na lamang natin siyang bumalik. Kung makapagsalita ka akala mo ay may napala tayo sa ginawa mong pagsugod sa Meadowpelt. Wala ka rin namang nakuha, ah?" Ngisi ko sa kanya. Hindi lang ikaw ang may kakayahang mang-insulto, Baltazar. Huwag mo akong subukan.

Masama niya akong sinulyapan habang nilalaklak ang alak na nasa lamesa.

"Huwag mo akong simulan, Alexandria. Baka nakakalimutan mong kung hindi dahil kay Columbus ay matagal ka nang wala sa mundong ito?" Nagtiim bagang ako.

Noong araw na sumugod ang kampo ng kalaban sa kweba kung saan nakatago si Daphne, totoong muntik na akong mapaslang ng mga lalaking magic users na kasama niya. Hindi ko aakalaing may taong kaya akong matalo.

Inakala nila na napatay na nila ako ngunit dahil sa tulong ni Columbus ay nagawa kong matakasan ang kamatayan. Malaki ang utang na loob ko sa kanya ngunit malaki rin ang takot ko sa demonyong iyon.

Ibang iba siya sa amin ni Baltazar. Tunay na kakaiba ang mahikang mayroon siya lalo na't mismong dugo ni Hades ang dumadaloy sa kanya.


"May balita na po tungkol kay Tobias!" Biglang pasok ng isa sa mga bantay. Mabilis akong napatayo at lumapit sa kanya.


"Ano? Nakabalik na ba siya?" Agarang tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot. "Magsalita ka kung ayaw mong hugutin ko 'yang dila mo!"


"Alexandria..." Tila nanginig ang kalamnan ko nang marinig ko ang boses niya. Ang kanang kamay ni Hades, ang anak niyang si Columbus.

Nagbigay galang ako sa kanya. Maging si Baltazar ay napaayos ng upo nang tuluyan itong makapasok sa kwarto.

"Ano pong dahilan at naparito kayo?" Magalang na tanong ni Baltazar. Akala mo naging maamong tupa ngayon.

Hindi niya pinansin ang tanong ni Baltazar at ibinaling sa akin ang tingin niya. Napatayo ako ng tuwid dahil sa matalim na pagtitig niya sa akin.

"Ang iyong nobyo..." Panimula niya. Napalunok ako nang maramdaman ang kakaibang tono sa pananalita niya. Pormal at may halong sinseridad. "....ay pumanaw na."


Onti onting nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nabingi 'ata ako sa sinabi ni Columbus na kung maaari lang ay gusto ko sanang ipaulit dahil parang namali yata ako ng dinig.


"Paanong—"

"Sumugod siya sa Central, sa mismong kaarawan ng court head at pinagtangkaan niya itong patayin ngunit nahuli siya." Muling sabi ni Columbus sa akin.

Pridewood: Daphne's RevengeWhere stories live. Discover now