41

130 8 2
                                    





[Daphne]




"Isang tawag mo lang sa pangalan ko, Daph, dadating agad ako." Pagmamayabang ni Ace.

Napairap na lang ako sa hangin dahil sa sinabi niya. Nasa may labasan na kami ng Whitlock, tulad ng plano, kasama ko si Mason at Miss Akira pero hindi namin kasama ni Mason si Miss Akira ngayon dahil nauna na siya.

Ang nireport ni President Var sa Council ay uuwi muna ako saglit para bisitahin ang bahay namin maging ang Meadowpelt at sinundo ako kuno ni Mason.

Tanging si Rill, Ace, Aries, at President Var lamang ang nandito para ihatid kami. Ang ilan kasi ay abala na upang maghanda na rin dahil lahat kami ay ngayon kikilos para sa napag-planuhan.

Of course, it's obvious that a lot of us are taking missions, baka harangin pa nga kami ng Council pag nagkataon pero dahil sa magic ni Miss Akira, she made it look like some of us are still here, wandering around Whitlock or just training.

Hindi ko alam kung gaano pa kalawak ang scope ng magic ni Miss Akira pero ayoko na kwestyunin iyon dahil halata naman. Sobrang lakas niya. Walang duda.



"As if you can do that, Ace. Walang mangyayari sa akin dahil kasama ko sina Mason. Stop being so protective." Sagot ko sa kanya.

Nagkunwari pa siyang napahawak sa dibdib niya na akala mo nasasaktan. Dagdag pa rito ang kunwaring nasasaktang ekspresyon ng mukha niya. Napailing na lang ako. Baliw talaga.

"Basta mag-ingat kayo! Hihintayin namin makabalik kayo dito agad." Paalala niya.

Tumango lang ako sa kanya tsaka nilingon si Aries na tahimik lamang nanonood sa amin. Tinaasan ko siya ng kilay baka kasi may gusto siyang sabihin rin sa akin pero naghintay ako ng ilang segundo ay hindi pa rin siya nagsasalita.


It seems like he's being attacked with mood swings again. Wrong timing talaga kahit kailan.


Nagpaalam na kami kina Rill at President Var. Nasa isang karwahe lang kami ni Mason papuntang Meadowpelt at isang maliit na bag lang rin ang dala ko dahil nga may mga gamit naman ako sa bahay namin. Bago ko tuluyang isara ang bintana ng karwahe ay muli kong nilingon si Aries. Bahagya pa akong natigilan nang makitang may sinabi siya ngunit walang lumabas na salita sa bibig niya. Ngumiti lamang ako sa kanya bago tuluyang isinara ang bintana.


Don't die on me too, Captain. All I pray for is their safety. Mapanganib ang misyong nakaatas sa aming lahat. Lalo na kina Rill na papasok pa sa Council. Hindi ko lubusang maisip na gagawin talaga nila iyon. Sana ay mag-ingat sila.


Kung pwede lang na ako na ang gumawa ng lahat ng ito ay gagawin ko, wala lang mapahamak sa kanila ulit. I can't do that thing anymore, lalamunin na ako ng konsensya ko kung may masaktan pa ulit sa amin.



Alam kong delikado ang ginagawa namin pero hindi ko rin maipagkakaila na ito lamang ang posibleng gawin para maiganti at mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Kuya Dylan. I want to face Abaddon and be the one who will kill that demon. I want to make Hades pay with his life. Lahat ng mga natitira nilang kasamahan, I want them all dead.



"Mukhang malalim ang iniisip mo." Nakuha ni Mason ang atensyon ko nang nagsalita siya kalagitnaan ng byahe.


Bumuntong hininga ako. "Hindi ko maiwasang mag-alala, Mason. Wala na si Ate Celine at Toby, paniguradong dadanak na naman ang dugo. Gaano karaming tao pa ba ang madadamay sa gulong ito?"


Pridewood: Daphne's RevengeWhere stories live. Discover now