Chapter 10

142 2 0
                                    

'Hi Alex, kamusta?' someone texted me, walang name yung number na nag text sakin. So I was confuse and I don't reply to any unknown numbers. Binalewala ko na lang yun at humiga na lang ulit, I was about to close my eyes and sleep. Nag beep ulit yung phone ko.

'Alex, kausapin mo naman ako' it was the same number displayed on my screen, sino ba kase to? Bakit kilala ako? Or maybe na wrong sent lang. hinayaan ko na lang ulit, I put my phone on silent and went to sleep. Baka mamaya may balak pa akong tawagan niyan.

~     ~     ~     ~

I woke up late in the afternoon since wala naman akong pupuntahan or gagawin ngayon. Kinuha ko agad yung phone ko sa night table, the first thing I do in the morning. I was about to unlock my phone at nakita ko yung notifs ko. Ang daming text from that same number kagabi bago ako matulog.

I put a lot of thought on it kung kaninong number at bakit kilala ako, and finally napagtanto ko din. Only a few people calls me Alex; Ashley, Jade and Ace. Omg it's Ace?! Paano? Bigla akong napa upo sa bed ko.

I stared at my phone thinking of what I should do with the message. Should I call Ashley and Jade to let them know about this? Mag rereply kaya ako? O hayaan ko na lang?

Ang daming tumatakbo sa isipan ko, siguro I'll go with the first option. Gagawin kong three way call para tatlo kaming magkausap.

Sinimulan kong tawagan si Ashley, nag ring yung phone niya at sinagot niya agad "hello? Bakit?" Bungad niya agad, "wait give me one sec" sabi ko at agad kong tinawagan si Jade habang naka hold si Ashley. After a couple of rings sumagot na rin si Jade "oh baks bakit? Miss mo na agad ako?" Sabi niya at napangiti lang ako "wait lang" sabi ko lang and I put the threeway call.

Biglang nagsalita si Ashley "ano meron?" Sabi niya, biglang narinig ko yung  boses ni Jade "omg! Ashley ikaw ba yan?!" Narinig ko naman yung sigaw ni Ashley "omg Jade! Kamusta na!" Sabi niya. I rolled my eyes, they are actually catching up with one another right now.

"Uhh guyss, I'm right here!" Sabi ko sa kanilang dalawa "ay sorry sorry, bakit baks anyare?" Tanong ni Jade "kaya nga bat ka napatawag?" Sagot naman ni Ashley.

"Ano kase, may unknown number na nag text sakin kagabi, eh di ko pinansin kase baka you know, wrong number lang." both line was quiet just listening to me. I continued telling them "and then I woke up kanina sa text saying 'Alex, kausapin mo naman ako'. And then I realized that the only person that calls me that is you, Jade and Ace. So naisip ko na maybe it's Ace. What do I do?" Sabi ko while waiting for their answers.

"Alam mo, just ignore it, that's the only thing you can do. Bakit mo pa bibigyan nang atensyon yan? Tanga ka pa rin ba?" Sabat ni Ashley "oo nga baks, tama tong si Ashley, hayaan mo na lang, he doesn't deserve any of your time." Sabi naman ni Jade.

"Block his numbers na babe, wag ka nang tanga. Hayaan mo na siya" dagdag ni Ashley. "You know what, tama kayo... block ko na number niya para di siya manggulo pa." "Yeah, wag kang stupid ulit jusko naman" sabi ni Jade. "Oo na eto na nga di ko na papansinin, di ako marupok fyi. Buti na lang anjan kayo! Sige na byebye labyou both" at pinatay ko yung tawag bago pa sila makapag salita.

I went back to the message Ace sent me, all this years nasa kanya pa rin yung number ko? He had the audacity. I blocked his number para di na siya makatawag sakin, block na din naman siya sa lahat ng social media ko eh.

Di ko alam kung ano yung rason niya kung bakit niya naisipang mangamusta sakin pagkatapos ng ginawa niya sakin. Bumalik lahat ng ala-ala sakin, but I am strong and I'm not going to let it ruin me again. Huminga ako ng malalim at pilit kalimutan yung nakaraan. Di na importante yun, ang importante ay ngayon.

To Love Again Where stories live. Discover now