CHAPTER 33

25K 507 75
                                    

Newt

Everyone is here waiting again for that naughty woman.

Pumasok si Ikon a.k.a Jayver sa mesang pinagtitipunan naming lahat.

"Nasan na ang magaling mong bestfriend?" asar kong tanong sa kaniya habang paupo ito sa harapan ko.

" Ayun , kaakatapos lang ata sa hospital scene niya at papunta na iyon dito.Namiss mo agad ang asawa mo huh HUNTER!" mahilig talaga mang-asar ang upal na toh, malayo sa kalmadong karakter niya sa movie.

Sasaraduhin na niya sana ang pintuan ng may sumipa rito.

Well buti nalang mahina lang , kundi sira talaga yun sa kaniya.

"Oh , andito na pala ang ex mo." tukoy niya kay Kheiza.

Pinandilatan naman agad siya ni Avarie este Kheiza.

Off cam na pala toh.

"Pwede ba Ikon , gusto mo bang masapak?" pagbabanta pa nito sa kapwa aktor.

"Wag naman , nandito ang parents at anak mo noh." pang-aasar ni Ikon at turo sa gumanap na mga magulang ni Kheiza sa palabas.

Napatingin tuloy kami sa tinutukoy ni Ikon at nagbow naman ng konti si Kheiza at umupo na sa kaniyang nakaassign na upuan.

Nang pumasok na ang head ay nagsiayos na kami ng upo at mukhang kompleto na kaming lahat ng cast.

"CONGRATULATIONS EVERYONE!"

All of us applauded maliban sa kaniya siyempre.

"Nagseselos ata hahaha" bulong ni Devon , I mean Jael sa gilid ko.

Sasagot pa sana ko nang maantala iyon at magpatuloy ulit ang head na magsalita sa harap namin.

"Hanggang ngayon trending parin ang video niyo ni Kheiza, Newt. And thanks to that , nakabalik dito si Kheiza ulit sa industriyang ito."

"Wala naman talaga akong balak bumalik." bulong niya pa na rinig naman naming lahat.

"Ang layo nga talaga ugali mo kay Avarie." puna ko sa kaniya para tumahimik pero mas lalo ko lang atang pinalala.

Spot LiesWhere stories live. Discover now