Chapter 57: Truth unmasked

1.8K 47 0
                                    

After two days mula nang maisend ni Daniel ang video kay Narissa ay maagang gumising si Daniel at naglinis ito ng buong bahay ni Katherine. Alam nyang sa mga oras na iyon ay alam na nang magulang nya na wala sya sa isa sa mga rest house nila kayat minabuti nyang patayin nalang ang kanyang cellphone. Tutal naipadala na daw ni Narissa ang video kay Katherine.

Nag mop si Daniel at sa may back door ng bahay ni Katherine ay may naapakan si Daniel at biglang may nagbukas at bumaba ang kinatatayuan ni Daniel. Nagulat siya at ilang segundo lang ay tumigil ang pagbaba ng kinatatayuan nya at nakita nya nalang na may isang pinto sa harapan nya. Napalunok sya at pinihit ang knob nito, sumilip sya at pumasok.

Daniel's POV

Isang secret laboratory sa ilalim ng bahay ni Katherine? Pati bahay nya ay maraming sekreto, naglakad ako papasok at kusang umilaw ang madilim na kwarto. nakita ko doon ang isang x-ray ang nakasaad na date ay ang date kung kailan ako na-hit and run.
Siguro dito nya ako dinala noon. Maraming mga chemicals and aparatus na maayos ang pagkakalagay. Grabe may secret lab pala si Kath genuis siguro talaga sya. Nag ikot pa ako at tinignan ko ang isang drawer na medyo naka bukas ng konti.
Documents ni Narissa ang naroon at isang DNA test.
Bakit narito ang personal docs ni Narissa at bakit may DNA test result dito? Binasa ko ang result at nakasaad na positive. Ibig sabihin match ang dalawang DNA samples. DNA samples ni Narissa Yu at isang Xerdine Almond. Nag halungkat ako at nakita ko ang dalawang I.D ung isa ay si Katherine Madrigal Fajardo at ang isa ay Xerdine Almond pero kamukha ni Narissa?! May nakita akong hospital record na nakasaad na ang kakambal ni Narissa Yu ay namatay after itong ipanganak..teka ano ang ginagawa ng mga dokumentong ito sa bahay ni Katherine? ano ang koneksyon ni Xerdine Almond kay Narissa at Katherine?
Naguguluhan ako. Ibinalik ko ang mga dokumento sa dati nitong ayos nang bigla akong napatingin sa isang monitor, makikita mo dito ang bawat sulok ng bahay ni Katherine maliban sa banyo pati ang labas ng bahay ay makikita rin. Tadtad pala ng cctv ang loob ng bahay ni Kath pero hindi halata. Teka sino yung... si Narissa? Si Narissa nasa labas ng gate? Teka ang alam ko ay di nya alam ang bahay ni Kath ah. Teka me susi sya? Bakit may maleta syang dala? Hmm papasok na sya ng bahay. Hala mukhang gulat na gulat sya dahil paikot ikot ang tingin nya sa bahay.. nasa sala na sya..teka mukhang dito ata sya papunta. Ah dito nga! Hmm makapag tago nga. Kelangan ko malaman bakit nandito si Narissa. Kelan pa sya nagpagupit ng buhok?

Xerdine's POV

I filed for indefinite vacation leave sa ISA, i have to make sure na patay na ang isang assasin na kasama ko sa helicopter, hindi kasi natagpuan ang bangkay nito kaya kailangan ko itong hanapin. Kung sakaling buhay ito ay nasa panganib ang buhay ni Narissa. Kaya ipinasya kong bumalik ng Pilipinas. Pero nasorpresa ako dahil maraming nagbago sa bahay ko, may mga halaman at bulaklak sa lawn, katulad iyon ng nasa video ni Daniel.
Tssk tyak si Daniel ang may kagagawan nito pakialamerong tao talaga plano pa atang i-invade ang bahay ko. Naglagay pa ng aquarium at loro. Mantakin mong gamit nya kasama ng mga gamit ko? Trespassing na sya ah! Lagot saakin ung taong un. Dumeretso ako ng lab para i-check ito baka nadiscover na ito ni Daniel. Yung lalaking yun iniwan na bukas ang back door pasaway bago umalis pero mabuti na un na wala sya ngayon at least di nya makikita ang tunay kong mukha. Nasira kasi ang ginagamit kong mask buti nalang may isa pa dito.

Daniel's POV..

May kausap si Narissa? Teka tama ba rinig ko? Tinawag nyang Xerdine Almond ang sarili nya kausap nya si Axus? Pero bakit boses ni Kath naririnig ko? Ang gulo! May kinuha sya sa loob ng drawer at humarap sa salamin.anong ginagawa nya? Ano ba ang nilalagay nya sa mukha nya? Teka ano iyong isinuot nya sa mukha nya? I was stunned. After some minutes she left, without noticing that Im here. Pag alis nya ay mukha na ni Katherine Fajardo ang nakita ko. Naiwan akong gulong gulo sa mga nakita ko. Si Narissa at Katherine ay hindi pwedeng maging iisa dahil nakasama ko silang pareho sa iisang lugar sa parehong oras.

My Agent girlfriend (MY MYSTERIOUS GIRLFRIEND)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon