[01]

73 6 0
                                    

*Althea's Past Year 2017-2020*

I grew up hating complicated things such as puzzles, escape room, video games, even school. Typically kasi, susukuan ko na agad yan. Yung wala na akong ganang tapusin, kasi tinamad na ako or nawalan na ako ng gana. Pero ibahin niyo yung about sa school. I still have to endure that pain just to survive this unfair life, another complicated thing sa mamayanan ng pilipinas. Kailangan kong grumaduate, para sa pamilya ko ako na lang kasi inaasahan ng nanay ko para umangat kami sa kahirapan. Bukod sa kakambal ko na walang ambag sa buhay kung hindi sakit ng ulo.

"Thea, anak bumangon ka na diyan. Hindi ba mag enroll ka sa UST?" Napatayo ako nung naalala na need ko mag USTET. "Ligo lang po ako." Sabi ko at madaliang kinuha yung towel para makapag shower. Natapos ako at byumahe ako agad papuntang España, doon kasi kami magkikita ng mga kaklase ko na nagplano mag USTET.

Ako lang ata kumuha ng UPCAT na nag apply sa UP Diliman sa batch namin paano lahat sila punterya ang UST, Ateneo, DLSU at Adamson rich kid kasi. Ehh ako nakapag aral lang naman sa private school na yun dahil sa scholarship. "Theaaaa, grabe kinakabahan ako simula kagabi. Di ako nakatulog nung tinamaan ako ng antok madaling araw na." Pang gugulat ni Julie sa akin, siya yung best friend ko na kahit rich kid ehh humble. "Sabihin mo pinagpuyatan mo na naman si Ji Chang Wook. Adik sa K-Drama."

Tumawa siya at inirapan ako, tapos hinila ako sa may gate. "Hala ka, gaga nakapila na ako ehh bakit mo pa ako hinila palayo? Pipila na naman ako sa dulo niyan." Inis ko naman sabi sa kaniya na inilingan ako. "Okay lang kita mo si kuya nag cut din ng pila." I sighed at her, knowing na she's pulling some strings here.


Natapos ang UST Entrance Test at ang masasabi ko lang ay napakahirap. "Jusko ka inday Thea, bakit ba kasi quota course pinili natin? Dapat ata ginalingan ko sa UPCAT nung isang araw." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Nag UPCAT KA?"

Tumango tango siya at tumawa. "Hello best friend kita siyempre kung nasaan ka nandun dapat ako." I hugged her tightly, ang sweet ng ginawa niya. "Pero sa ka-conyohan mong yan, feel ko hindi ka tatagal." Pang aasar ko na nagtawanan kami pero bigla naman tumigil iyon nung natamaan ako ng bola. Tumingin ako ng masama sa taong nag mamay-ari ng bola. "Wow, kailan pa naging court ang harap ng hospital kuya?" Masungit kong tanong sa lalaking naka UST Jersey na may number 27. "Sorry po ate, hindi ko naman po sinasadya nabitawan ko lang po yung bola. Sorry po ulit." Sabi nung lalaki at umalis na.

"Gaga ka bakit mo sinungitan pogi pa naman." Tinignan ko na ng masama si Julie. "You don't even know his name, mag aral ka muna pwede ba?"

That's how my USTET day went, but the anticipation of waiting for the results are making me on edge. As in hindi ako mapakali, parang gusto ko na pasukin yung admin office ng UST para malaman yung score at outcome ng test namin ni Julie. Halata naman na UST ang dream school ko, at napakaraming Architecture na graduate sa school na yun.

I ended up sleeping and waiting for months, next thing I know Julie is calling me. "Gaga, ano pinag gagawa mo? Ano balita sa email sa'yo ng UST at ng UP?" Tanong niya sa akin na ikinatuwa ko. I immediately checked my email while still on call with my best friend.

{Your application status has been updated, please log in to your account to check it.}

Wow, naman UST may pa suspense na nagaganap? "Ano na Thea?" Naiinip na tanong ni Julie sa akin. "Mag intay ka loading yung website, mabagal net." Huminga ako ng malalim nung nag load ang website.

Okay I got this; I can read this letter.... Walang tigil kong sinasabi sa utak ko.

{Dear Ms. Flores,

We regret to inform you that we cannot offer you admission to University of Santo Tomas. We received many students applying to Architecture program, only some of which we were able to accept this year. We reviewed your application very carefully and you aced the USTET very well. But, there is a competition for entry into our undergraduate program and your application was not among those that we were able to accept.

We encourage you to apply to other Universities and we wish you every success with your studies.

Yours Truly,

UST}

Pag babasa ko ng malakas na rinig ni mama at ni Julie. Alam ko na pumasa si Julie sa UST at alam ko na naawa siya sa akin dahil sa pag hihikbi niya na naririnig ko. "It's fine may UP pa naman akong email na babasahin. Malay niyo accepted ako dun 'di ba?" Pag papagaan ko ng loob sa kanilang dalawa, but obviously it's complicated that I can get accepted to that university. Sa UST pa nga lang di na ako tanggap sa UP pa kaya?

I opened the UP admissions email, as soon as I told them that. Hoping this email has greater outcome than the UST EMAIL.... Umaasa na lang ako sa UP!

"Anong balita sa UP?" Pag sasalita ni mama sa may pintuan nag aabang ng balita. I couldn't stop staring at the email on my laptop. "Huy, Thea ano balita?" Tanong na rin ni Julie sa akin. "I got in, UP ARKI!" Masaya kong pag sasalita sa kanila. Sumigaw din naman si Julie sa tuwa. "That's a good news, parehas pa rin tayong magiging architect. Thank god!"

Yeah thank god I passed UPCAT, minimal tuition fee and more resources. And I am happy that I will call myself iska ng bayan. "I'm so proud of you Tee, but I gotta go and prepare for a family party. Bye!" Binaba niya yung tawag kaya tumingin ako kay mama na nakangiti. "Pag architect na ako ma, papagawan kita ng mansion." Tumawa naman siya sa commento ko at niyakap ako.

"Anong kaganapan na naman to ate?" Nandidiring tumingin sa amin si Isaac, nakakabata kong kapatid by minutes. Yung walang ambag kong kakambal, na enrolled sa UST dahil sa scholarship na nakuha niya. Kaya nilapitan ko siya at binigyan ng mahigpit na yakap at pinaulanan ng halik sa pisngi. "Pumasa si ate mo sa UP, at dahil diyan mag hahanda ako." Sabi naman ni mama nung natapos kong asarin kapatid ko. "Ay sus, yun lang pala akala ko naman may jowa na siya." Binatukan ko naman siya sa sinabi niya. "Hala mama ohh si ate, nananakit."

---

I've been with UP Diliman for three years, and sometimes naiinggit ako sa mga story ni Julie about UST pero ayus lang rin na rito ako napunta sa UP. Onti lang gastos nakakaipon din ako sa scholarship allowance na binibigay sa akin tulong na rin sa bahay.

Onting kembot na lang graduate na ako, malapit ko na talaga tawagin sarili kong Architect.... Architect Flores. Shet ang ganda talaga pakinggan, 2 years na lang talaga malapit na. Hoping na lang na walang humarang sa mga pangarap kong yun.

Hashtag "It's Complicated"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon