[03]

57 4 0
                                    

*Thea's P.O.V.*

It's currently semester break, actually patapos na yung break na yun. Dahil another UPCAT season for students dreaming of studying here at UP Diliman. I'm not so sure if may results na dahil nag dadaldalan na naman mga blockmates ko about sa mga poging freshman students. Pero ako sinusubsob ang sarili sa libro not wanting to talk about guys.

Ngayon pa ba ako hahanap ng libangan kung kelan pahirap na ng pahirap mga units ko. Jusko, ilang araw na akong walang tulog matapos lang plates at mga reporting ko.

"Uy nerdy, narinig mo ba may nag transfer daw dito sa UP na hindi nag take ng UPCAT. Pwede ba yun?" Tumango na lang ako sa kaklase ko kahit na hindi ko siya tinitignan. "Two reasons lang yan, first he or she pulled some strings from the inside. Second? Which is I'm not so sure but most of the time yung first reason yun."

"Ang judgemental mo naman, pero may point. I don't see any other way to get in UP aside from UPCAT ehh." Tumawa ako at inirapan siya. "If I'm judgemental ikaw rin. Why don't you just asked that person yourself."

"Bakit hindi ikaw mag tanong? Nasa likuran mo naman ako." Boses ng lalaki yung narinig ko kaya humarap agad ako at nakita ko yung pamilyar niyang mukha. I swear I saw him before. But I can't remember where the fuck I've seen him. "Why would I ask you? I'm not some reporter who's interested in your life so fuck off." Sabi ko at tinignan yung blockmates ko na umiiling and mouthing the word stop. "Sino ba tong maangas na gagong to? At pinagtatanggol niyo pa?" Naiirita kong tanong sakanila but the guy just smirked at me. "Jeez princess, if you wanna know my name. Face me and ask me."

Ang kapal naman talaga ng mukha oo oh, sino ba siya sa tingin niya? Artista? Kahit artista walang karapatan mag attitude ng ganyan ehh. "CJ... I'm CJ Cansino." I frozed up when he told me his name, siya yung kinukwento ni Julie na crush niya. Bakit nandito naman tong tao na to? At bakit ang attitude niya?

Niligpit ko na lang ang gamit ko at umalis hinayaan ko na siya at yung iba kong blockmates doon. Bumabaha na rin kasi ng maraming tao, naalala ko kinuwento ni Julie na sikat yung crush niya. Shete na yan, napahiya pa ata ako.


"Unfair naman miss, you already know my name. But I still don't know yours." Sigaw nung lalake na ma attitude. Hinarangan niya pa ako sa paglalakad na pinag titinginan na kami ng ilang estudyante rito sa campus. "Walang fair sa mundo. Mr. Cansino, so please wag mo hinaharangan daanan ko." He even smiled at me after I said that. "Huy CJ, inaantay ka ni Ricci sa court." Hinihingal naman sabi ni JD Cagulangan, kaklase ko sa isang subject. "Ohh hi Thea." Bati naman niya sa akin kaya kinawayan ko na lang. Hindi naman na kami masyado nag kikita dahil lagi absent prof namin sa klase na yun. "So your name is Thea pala. Pinahirapan mo pa akong kilalanin ka."

Inirapan ko siya at umalis pero sinundan niya pa rin ako. "Ano course mo miss ganda?" He asked na tinawanan ni JD. Kaya tinignan ko siya ng masama, tapos siniko niya naman yung CJ. "Pre mamaya na yan, dali na tara na." Pag pipilit ni JD umalis sa harap ko yung kutong lupa na yun. "Hindi ako aalis hanggat hindi sinasabi ni miss ganda yung course niya." Makulit niyang pag sasabi na ikinainis namin ni JD. "Alam ko course niya mamaya ko na lang sabihin, tara na kasi." Bulong na sabi ni JD kay CJ na halata naman narinig ko.

"Nope, I wanna hear it from her." Pag mamaktol niya na parang bata na inagawan ng candy. "Fuck it, just tell him na nga. Hindi yan sasama sa akin hanggat hindi mo sinasabi course mo,Thea." Napakamot ulo tuloy si JD halatang nahihiya siya sa akin, which I find cute. "Fine, para hindi ka na ma-stress. I'm an architecture student." Napangiti naman yung kutong lupa na yun at tumango sa akin sabay tumakbo palayo sa amin ni JD. "Sorry about that, may saltik lang talaga sa utak yun." Pag hingi niya ng tawad sa akin kaya tinanguan ko siya. "No worries, Mai, mukha nga baliw na yang teammate mo. Sige na at baka mapagalitan ka pa ng coach niyo."

He gave me a slight smile and run away from me. Kaya ako naglakad na lang papunta sa design class ko kahit 20 minutes early ako. Habang nag lalakad ako ay sinearch ko yung pangalan ni CJ dahil na-curious ako sa paano siya nakapasok sa unibersidad na ito. I found out na may different way pala talaga para makapasok dito sa UP bukod sa UPCAT, well I don't care na. Stressful lang maging kaibigan yun hindi katulad nila Ricci, JD at Brent cool lang. pa-chill chill lang kahit may midterms na parating tapos puro bola lang inaatupag.

Habang nag klase dinaldal lang ako ng mga katabi ko about sa kutong lupang yun, paano gusto nila malaman ano feeling makausap ang isang CJ Cansino. Ayy nako, kung pwede ko lang sabihin nakakainis nasabi ko na. But of course I have respect over his image, kawawa naman yung tao natanggal sa UST ng walang kahit anong rason. "You girls at the back, wanna share your topic back there?" Sigaw at may pag hagis na chalk si professor. "Wala po Ms. Katty, sorry po mananahimik na po kami." Pag sasalita ko at tinignan ng masama mga kaklase ko.

Tignan mo hanggang sa klase trouble nadadala nung kutong lupa na yun ehh. Mga adik din naman kasi tong mga kaklase ko, sobrang gusto yung basketball player na yun. Natapos yung design class ko at pumunta na ako sa may library ulit para tapusin yung isa ko pang plates. Puro plates na kasi sa kwarto ko at hindi ko na alam saan pa ilalagay yung iba. Change of scenery na rin baka sakali mag ka idea ako sa plates na ito.

Wala akong ginawa kung hindi mag drawing lang ng mag drawing dahil wala na napasok sa utak ko ang dami ko na rin natapon na papel. "Excuse me, can I study with you?" Napatingala naman ako sa naka short-short at hoodie ng UP na lalaki. "Uyy Mai, sure. Aral ka lang diyan. Sorry sa kalat ahh." He smiled.

Hashtag "It's Complicated"Where stories live. Discover now