[04]

48 4 0
                                    

"No worries, ganiyan din ako sa condo. Kahit nga sa room ang dami kong kalat na papel." Pag papaliwanag naman niya making me feel at ease. Nag babasa na siya ng kung ano mang libro yun na kailangan daw niya gawan ng essay. We were just quiet the whole time we were together. Naging maingay lang nung simulan niya ako daldalin. "So tell me why are you taking architecture. Kung simula pa lang pala di ka na marunong mag drawing." I laughed at his question, paano gusto niya talaga malaman.

"Kasi nung bata kami ni Isaac, yung kakambal ko. Lagi kami nun sinasama ni mama sa paglalaba niya sa mga mayayaman na bahay. Tapos si Isaac, sabi niya mag engineer daw siya. So sabi ko ako mag architecture, yung mag design ng bahay." Tumango naman siya sa akin. "Ikaw? Bakit basketball kinaadikan mo?" Nag kibit balikat lang siya at bumalik ang tingin sa libro. "I just like playing basketball no reason at all." Ang cold naman ng sagot niya.

Hindi nag tagal at nag vibrate yung phone ko, sign na kailangan ko na umuwi dahil panigurado hahanapin na naman ako ng nanay ko. "It's nice studying with you Mai. But I gotta go na, hahanapin na naman kasi ako ni mama ehh." Tinanguan niya ako kaya umalis na ako.

Nag lakad ako palabas ng UP ikot dahil wala na masyadong jeep ng ganitong oras. Mag aabang na lang ako ng bus sa may labasan yung malapit sa ATENEO. Habang nag lalakad ako kinabahan ako dahil may sumusunod sa akin na sasakyan. Tumingin ako pa kunwari sa likod ko at nakita ko ang black mitsubishi. Hayup na to ang creepy na ahh kanina pa to, or baka naman nag hihingalo lang ang sasakyan niya kaya ganun. But I'm not scared at all kaya tuluyan akong huminto at hinarap yung kotse. Lumapit pa nga ako at kinatok yung bintana ng sasakyan.

Pag baba niya ng bintana ay nag spray agad ako ng pepper spray sa mata niya mismo. "Bakit mo ako sinusundan? Sino ka ba?" Galit kong tanong sa kaniya at hindi pa rin tinatantanan ang pag spray ng pepper spray sa mata niya. "Aray, si CJ to miss ganda tama na nakakasakit ka na ahh."

"Holy Shit!" Hininto ko ang pag spray nun sa mata niya at kinuha agad ang panyo ko para punasan ang mga mata niya. "Grabe miss ganda, bibigyan ka na nga lang ng sakay mananakit ka pa." Tinulak ko mukha niya nung dumilat siya. "Did I say 'CJ I need a ride, can you give me one?' May sinabi ba akong ganyan kutong lupa? Hindi ba wala naman?" Tumawa siya sa akin at pinagpatuloy ang pag pupunas niya sa sariling mata. "You just did miss ganda, at etong kutong lupa na ito ay ihahatid ka ng maayos pauwi."

"CJ, I'm not some kind of pick-up girl sa kanto ahh. If you want a fling like what every basketball player wants yung mga classmate ko willing yun mga yun." He just looked at me intently and shrugged his shoulder. "Fling agad? Grabe ka na sa overthink miss ganda ahh." Huh? His funny pala?

"Fine, kung wala lang ako atraso sa'yo hindi ako papayag ehh." Tumawa siya at bumaba naman ng sasakyan at hinila ako ng marahan papunta sa may shot gun seat. Ang pinag tataka ko pa ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. "Ang sweet ko ano? Baka ma-fall ka niyan sa akin." Ang kapal talaga ng Mukha niya. "Don't flatter yourself. Kahit sa may SM Megamall mo na lang ako ibaba."

"Bakit doon? What's your exact address?" Ahh gusto niya talaga exact address ahh. "Okay, sabi mo ehh! Block 15 Lot 23 Sampaloc St, Marikina City." Napapreno si kutong lupa nung narinig niya address ko. "What the? Marikina? Ang layo sa UP DILIMAN na QC, Katipunan lang ahh." Sabi niya pa na Hindi ko alam kung nag rereklamo ba o sadyang nagulat lang talaga siya. "Sana sa UST ka na lang nag aral architecture para since freshman kilala na kita." Dagdag niya pang pahayag na medyo kinainis ko.

"Hindi kasi lahat ng tao na nag apply sa UST, kumuha ng USTET ay previllaged katulad niyo. If I know may way kayo para makapasok kahit tatanga tanga kayo." I blurted out my anger at him na tinawanan niya lang. Where I thought he'll get mad at my comment. "Same pala tayo ehh, may galit sa UST." I look at him curiously, hindi ba dapat nagalit siya sa mga sinabi ko? Bakit parang inintindi at dinamayan niya pa ako.

"Gusto mo daan natin yan sa shots? Malapit lang BGC sa inyo." Umiling agad ako dahil alam ko hinahanap na ako nila mama. "No thanks, I don't drink." Nasamid pa siya nung lumiliko kami. "Ang Good Influence mo naman pala miss ganda." Tumango ako nung huminto siya. "Dapat lang ayaw ko maging kutong lupa yang nakaabang kong kapatid." Sabay turo kay Isaac na naka upo sa may kanto at nag guguitara.

Bumaba si CJ at pinagbuksan ako ng pintuan. Yung kapatid ko ayun tuwang tuwa sa nakikita niya, panigurado mang aasar na naman to sa akin. "Isaac po, kakambal ni ate Althea." Pagpapakilala niya sa sarili niya. "CJ Cansino, nice to meet you."

"Anak nandiyan na ba ang ate mo?" Rinig kong Tanong ni mama habang nag bubukas siya ng gate. "Ayan mama ohh, may kasamang poging manliligaw." Binigyan ko ng masamang tingin si Isaac at CJ dahil nag high five pa sila.

Si kutong lupa? Manliligaw? Jusko Ang kapal ng mukha niyan ehh.

"School mate ko lang yan si Crispin mama,wag ka nag papaniwala Kay Isaac." Tumawa naman si mama habang si CJ nag tataka. Shit! Mamaya sabihin nitong mokong na to stinalk ko siya... Which is too naman pero masyado atang halata gaging yan.

"CJ, iho salamat sa pag hatid sa anak ko ahh. Gusto mo rito ka na sa amin mag gabihan." Pag aalok ni mama na dapat hindi niya na ginawa. Pwede naman kasi bayaran ko na lang si mokong pang gas niya.

"Wow tita salamat sa offer, saktong sakto gutom na gutom na ako." Pag payag naman niya na ikinatuwa nila. Wow! Kahit pamilya ko nakukuha nitong mokong na to ahh.

Hashtag "It's Complicated"Where stories live. Discover now