STAHD 17

1.2K 21 0
                                    


“Hace bitawan mo ako!"

Kinakalad niya ako papasok sa bahay. Nanlaki din ang mga mata ng makita ako ng mga tauhan niyang nagbabantay na kasama si Hace at galing kami sa labas.Gayung nandito ang ako kanina at dinalhan pa sila ng meryenda.

“Hace nasasaktan ako,ano ba?”

Parang wala s’yang naririnig at patuloy lang sa paghila sa’kin sa kung saan.Sumisigaw din si ‘nay Lara na hawak ng isa pa niyang tauhan.Matapos ang kaninang tagpo ,mabilis niyang hinaklit ang braso ko para makatayo at pinilit na makasakay sa sasakyan.Wala akong nagawa at sumakay na lang,pati si ‘nay Lara ay dinaanan pa ng isang tauhan niya.

Do’n na sila dumaan sa nilabasan ko kanina at kami na lang ni Hace at ng isa pa niyang tauhan ang sakay ng kotse .

Bumaba kami sa kung saan at nalaman kung basement ito.Tago ang lugar at ngayon lang ako nakarating dito.Hindi ko alam na may ganito palang lugar dito,sa tagal ng pamamalagi ko dito hindi manlang ako nagawi sa lugar na ‘to.

Ngayon lang.
Marahas na sinipa niya ang pinto at agad naman na bumukas ‘yon sa lakas ng sipa niya.Hinila niya ako papasok at biglang binitawan.Napahawak ako sa braso kong hila-hila niya kanina.Ang sakit,at siguradong magpapasa na naman ito.

Nakatingin ito sa’kin na walang bakas ng emosyon sa mukha.Matigas ang anyo,at parang kakain ng tao sa titig nito ngayon.

“Do you really think,you can escape from me?At nagawa mo pang kutsabahin si manang Lara para tulungan kang tumakas? Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa kanya sa pagtulong sa’yo?”

Napamulagat ako sa sinabi niya.

“ Huwag Hace,please.Nagmamakaawa ako,ako na lang.Ako ang humingi ng tulong sa kanya,wala s’yang kinalaman dito. Ako na lang,’wag mo na s’yang idamay dito!”

Napalunod na ako at umiyak,tumingala ako sa kanya .Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ‘yon o ano.May kung anong emosyon ang dumaan sa kanyang mata,pero agad din ‘yong nawala.

“Good.Hindi ko alam kung ano’ng ginawa mo at napasunod mo s’ya sa’yo.But I will make sure,you will suffer the consequence of trying to escape from me! You stay here,until I say so. Hindi ka lalabas,at wala kang kakausapin sa kahit na sinong tao sa bahay ko ,naiintindihan mo?”

“O-oo,naiintindihan ko.”

Nakatungong sagot ko,napahikbi na rin.Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig.

“H-Hace”

“What!?”

Napatalon ang katawan ko sa lakas ng bulyaw niya.Napatingin ako sa kanya,napahilamos naman siya ng mukha.Lalakasan ko na ang loob ko,kung hindi man s’ya papayag basta nasubukan ko.

Napalunok ako,nakatingin na din siya sa’kin ngayon at nakakunot ang noo.

”P-p’w’ede ko bang makita ang mga makapatid ko? Kahit sandali lang,gusto ko lang malaman kung ayos lang sila.Nakikiusap ako!”

Napaiyak na akong nakiusap sa kanya.Tumitig ito sa’kin,pagkatapos ay biglang tumalikod.

“Hace please,kahit sa malayo lang.Hindi na ako tatakas,gusto ko lang talaga silang makita.Please!”

Napahagulhol na ako,ngayon lang nalayo sa’kin ang mga kapatid ko ng ganito katagal. Hindi ko na alam kung ano’ng nangyayari sa kanila ngayon.Kung kumakain ba sila ng maayos,kung natutulog ba sila ng maayos.Kung nakapasok na ba sila sa school,hindi ko pa sila nabibilhan ng mga gamit. Sana nasa maayos lang sila.

“You just try to escape from me. How could I trust your words?”

Humarap na pala ito sa’kin,wala pa rin emosyon sa mukha.

SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC ) Where stories live. Discover now