STAHD 22

1.3K 20 0
                                    


NERISSA

Masaya akong makita ulit ang mga taong matagal kong hindi nakita. I know Avyanna through Alexander.Nang minsan kami no’ng dumalaw sa bahay ampunan at pinilit lang ako na sumama ni Alexander at napilit ko din na sumama si Hace no’n.

Kung p’wede lang na ibalik ang lahat ng nakalipas,kaso ang buhay ay walang rewind. Kaya dapat na maging wais tayo sa mga magiging desisiyon natin.Lahat ng nangyayari ay may dahilan at naka tadhana na.Iyon ang paniniwala ko,katulad nang palaging paalala ni mama.

Nagsimula ang seremonya ng kasal at nakikinig lang kami.Habang si Avyanna at Alexander ay nakaharap sa isang judge na nagkakasal sa kanila.Nakangiti akong pinagmamasdan sila,kahit na ramdam ko ang matang nakatanghod sa kaliwa ko.

Kita ko ang nakakunot niyang nuo sa gilid ng aking mga mata.Siguro ay nagtataka siya kung bakit pati si Avyanna ay kilala ko.Hindi ko nalang siya pinansin at ipinagpatuloy ko nalang ang pakikinig sa sinasabi ng judge.

Matapos ang kasal ay kakain lang daw kami sa restaurant.Gusto ko sanang sumabay sa sasakyan nila Alexander para makausap ko si Avyanna.Matagal kaming hindi nagkita at siguradong marami kaming mapag-uusapan.

Hindi katulad nitong katabi ko na napapanisan na ako ng laway at panay ang buntong hininga lang habang nagmamaneho.

Humalukipkip nalang ako at pinag-cross ang mga braso sa dibdib ko. Ramdam ko ang tingin niya kapag hindin ako nakatingin,nakakapaso.Kaya nilibang ko na lang ang sariling tumingin sa mga nadaraanan naming establimento.

Nang makarating sa restaurant ay nakita ko pa ang bagong mag-asawa na naghihintay sa’min sa pinto.Kumaway si Avyanna ng makababa ako,mabilis akong lumapit at iniwan si Hace .Agad na kumapit si Avyannna sa braso ko at iginiya akong pumasok.Nagpaiwan si Alexander at hinintay ang kapatid.

Panay ang k’wento ni Avyanna habang papunta kami sa mesang nakalaan sa’min. Sa rooftop,mayro’ng mga waiter din na nakahelera sa dinaanan namin at yumuyuko kapag nasa harap na nila kami.Nakakatuwa at ramdam ko din ang kasiyahan ni Avyanna.Lalo na ng makita ang ayos ng rooftop.

K’wento niya ay dapat daw dito nalang sila ikakasal,ang kaso hindi daw makakarating ang pari na inembitahan nila.Nang tinanong ko kung bakit ay nagkibit balikat lang s’ya at ngumiti .

Hinila niya ako at nilibot namin ang ayos ng venue nila.Maganda nag pagkaka-ayos,mula sa mesa ,sa upuan lahat ay may dekorasyon ng iba’t ibang kulay ng rosas.Natawa ako ng makita ang picture nilang dalawa,at may caption ng ‘Marrying my bestfriend’.

Tapos ang nasa picture ay puno ng icing ang mga mukha nila,parehong nagtatawanan.Napatingin ako kay Avyanna ng lumapit ito sa gilid ko.Nakabusangot ito at masama ang tinging nilingon ang nasa likod namin.

“Sino ang gumawa nito,ang dami nating picture ito pa talaga ang napili?”

Natawa naman si Alexander at nilapitan ang asawa,ginulo nito ang buhok bago niyakap.

"Ang cute mo kaya d'yan!"

Napatingin ako kay Hace na nakatingin din pala sa’kin,nawala ang ngiti ko at tumikhim.Tumalikod na ako at umupo kung saan nakaupo na pala si Draco.Nakangisi ito at tiningnan ang nasa likod ko.Inirapan ko lang siya at naupo sa katapat niyang upuan.

Sumunod na din ang bagong mag-asawa at na kasunod ni Hace at umupo sa katabi kong upuan.Napausog pa ako at pinanliitan lang ako nito ng mata.Napaayos ako ng upo at tumingin sa kaharap namin.Nagtaas ng kamay si Alexander sa waiter at ipinahanda na ang mga pagkain.

Gusto ko silang kausapin tulad ng dati kapag magkakasama kami.Pero ng makita ang tingin sa’kin ni Hace ay napapakagat labi na lang ako at yumuyuko.

Na kwento din nilang hindi makakarating ang ibang kaibigan nila. Lalo na at biglaan ang kasal, kaya hindi na ito nakadalo. Ang ibang upuan at mesang naroon ay bakante.
Napahinga ako ng malalim ng tumayo si Hace at nagpaalam na magbabanyo.

SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( PUBLISHED UNDER IMMAC ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon