Hindi ko Mawari; Paano Nga Ba?

4 0 0
                                    

Hindi mawari ang gagawin.
Hindi alam kung paano aayusin.
Hindi maintindihan ang kailangang tuparin.
Hindi maunawaan kung ano ang susuklayin.

Kailan ba matatapos ang pinag-iisipan?
Kailan nga ba tatapusin
Ang dapat sanang sinimulan?
Kailan pa, kapag tapos na?

Mag-isip-isip na at nang matapos na.
Kailan pa matatapos ang pinag-iisipan
Kung hindi tinatapos ang iniisip
Para makapagsimula na sa wakas?

Mga Tula 2 (Poems 2)Where stories live. Discover now