Chapter 18 : Punishment

5.2K 174 1
                                    

Rue's POV

Pumunta muna ako sa restroom, I wash my hands. Napansin kong madalas absent yung dalawa kaya I decided to chat them.

TRIO BULOK

me:
@everyone nasan na kayo?

kinulang sa height:
Nasa probinsya ako ngayon, Ven.

plywood:
ako nasa California.

kinulang sa height replied to plywood:
ayy shala mo naman friend, aga ng bakasyon ha??

me:
bakit kayo nand'yan? gsgo next month pa sem break.

plywood:
may sakit si mommy e.

kinulang sa height replied to you:
business problem 'te, stress na stress na ako dito.

me:
kelan kayo uuwi? gsgo miss ko na kayo.

plywood to you:
sinungaling mo! miss mo lang kaming pagtripan e.

kinulang sa height:
I agree, b-bwisitin mo lang kami.

me:
BWHAHAHAHAHA sige na, late na ako.

Naglakad na ako papuntang room, nakita kong naglalakad na si Ma'am kaya tumakbo na ako. Halos sabay lang kaming dumating ng silid aralan ni Ma'am. Naamoy ko pa siya dahil dumaan ito sa harap ko, ang bango.

"Good morning class." bati niya sa amin, binati rin naman siya pabalik pagkatapos noon ay pumunta na ako sa silya ko.

"According to the deans, we will organize a pageant at our university, and the winner will be recognized as 'The Queen of St. Lucas University' and we need to have two representatives from each department." matamang nakikinig ang mga kaklase ko, may mga naging excited, may iba rin naman hindi interasado.

"And I have a names in mind. First, my cousin Ellie. Any objection?" Walang tumutol sa sinabi niya kaya pinagpatuloy na niya ang sinasabi.

"And last is..." her eyes locked on mine while saying that. "Miss Flovira." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, I raised my hand para tumutol sana nagtaas ito ng kilay at nginisihan ako. Lumingon ako sa iba kong kaklase mukhang hindi nila nahalata ang ginawa nito.

"Ma'am, I don't do pageants po." sabi ko sa kanya, masyado niya akong binibigla.

"Are you going to let your department lose? and also, Ellie and I will train you. So there's nothing to worry Miss Flovira." binigyan niya ako ng matamis na ngiti kaya napasinghap ako, at hindi lang pala ako kundi buong section namin.

Sobrang ganda, a goddess! Siya na talaga, I don't want to admit but may iba talaga kay Ma'am Sage.

"Any complain to those name I said?" ang lakas ng boses niya, nakalunok ata ng speaker.

"None Miss, I think Ellie and Venice are the best representatives we have" sabat nung isa naming kaklase, at kinindatan pa ako na siyang kinairap ko. Sino ba 'tong damuhong 'to.

"Alright, it's settled then. Now let's proceed to our lesson." biglang dumilim ang aura nito, ang tatalim pa ng mga pinupukol na tingin nito sakin.

Ano na naman ba ang ginawa ko?

Tapos na ang klase niya, umalis ito without saying goodbye to us. Mukhang badtrip na naman siya, bakit ba ang dalas magbago ng mood niya.

Pinuntahan ko siya sa office niya, I want to have a conversation with her about sa biglaang pagde-desisyon niya.

Hindi na ako kumatok dahil nakabukas naman ang pinto. Pagpasok ko ay mukhang hindi maipinta ang nakita ko.

"Why are you here, Miss Flovira?" she said, bakit ba ang dilim ng aura niya ngayon, parang kanina lang ay nagawa pa niyang magsmile.

"I'm here to talk about the pageant Ma'am, why is it so sudden?" hindi man lang niya kasi ako tinanong kung gusto ko ba.

"I said a while ago that you'll pay right? that's your punishment for ignoring me." titig na titig ito sakin at binibigyan ako ng matatalim na tingin.

"Ma'am don't punish me like that, ayoko pong mapahiya" that's true, I don't have any experience joining a pageant.

"My decision is final, now leave and don't flirt with someone when you're in my class." halos dumagundong ang boses niya sa apat na sulok ng opisina.

"What's with that madness Ma'am? Dapat nga ako yung naiinis ngayon e and for your information po, I'm not flirting with anyone!" nakabusangot na sabi ko, potek inirapan lang ako.

"Ma'am, I'll do anything huwag lang yung pageant" pagmamakaawa ko, ayoko kasi talaga e.

"I already gave your and Ellie's name to the Dean, I'll help you okay? Don't worry" she's assuring me pero hindi ko talaga alam kung okay na sakin.

Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya, "thank you for letting me stayed at your house last night" she said and smile at me. bipolar

"No worries ma'am but didn't I tell you that you're gonna pay for that?" kumunot naman ang noo niya.

"What are you saying Miss Flovira" sagot nita habang nakakunot pa rin ang noo.

"Payment po for letting you stay" ang inosente ko sa part na'to.

"What is it." naiinip na sabi niya.

"Actually ma'am, I'm gonna ask you lang if you had an extra heart. Mine was just stolen" nakangiting sabi ko sa kanya ngunit sumama lang ang tingin nito sakin.

"Nino naman? Nung lalaki sa room, yung kumindat sayo?" nagtaas kilay pa, lagot na.

"No po, I thought you stole it while I'm asleep." sabi ko at kinindatan ko siya.

Hindi ko alam kung nagagalit siya sakin ngayon, bigla kasing nagkulay kamatis yung maganda niyang mukha.

"Ma'am don't be mad at me, I might be madly inlove with you" ang corny ko na ata dahil lalong namula si ma'am.

"Stop it, you're doing inappropriate things." singhal niya sakin.

"I'll do inappropriate things over and over again just for you ma'am." kinindatan ko siya at nag-iwas tingin naman si ma'am.

"Stop saying nonsense, Miss Flovira." she stood up and opened the door for me.

"I like it when someone's being gentlewoman to me ma'am, stop it I might fall for you-ouch! ma'am masakit" natatawa ako sa mga sinasabi ko ngunit kinirot niya ako sa tagiliran, pota may lahi atang alimango si ma'am, ang sakit.

"See you tomorrow Ma'am, bye bye!" kumakaway pa ako sa kanya na parang pangbeauty queen.

Narinig ko ang nakakabaliw niyang tawa, shet ang sarap pakinggan, kung kanta lang iyon ay uulit-ulitin ko. Napakahinhin niya tumawa.

"Likewise." she said and closed the door.

grabe kailangan ko na atang layuan si Ma'am. She's making me crazy.

Prohibited LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora