See You In Eternal Life

531 32 0
                                    

Photo is not mine(CTTO)

************************************

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

************************************

     Nandito ako ngayon sa waiting shed upang mag antay ng masasakyang jeep, ngunit kalahating oras na ako nag-aantay ay wala paring dumadaan. Pumunta ako sa kabilang bahagi ng kanto dahil doon ang sakayan ng mga taxi, mahal man ito ay wala akong magagawa dahil walang sa sakyan na dumadaan.

"Magkano ho pa Quezon?" Tanong ko sa driver na naka tayo sa labas ng kanyang taxi.

"One hundred nalang hija." Napangiti ako sa kanyang sinabi. Dahil ang original price ng taxi pa Quezon ay One hundred fifty.

"Sa may terminal po."

Habang nasa byahe ay biglang bumuhos ang napaka lakas na ulan, ang dilim ng palibot, tila ba galit na galit ang langit. Kahit na Sarado ang buong taxi ay rinig parin ang lakas ng pagbuhos ng ulat at pag kidlat. Nagulat ako ng biglang huminto ang taxi na sinasakyan ko.

"Ano hong nangyari?"

"Titingnan ko lng." Sambit nya, lumabas sya at nagtungo sa likod ng taxi. "Na flatan ako hija." Bungad nya saakin ng bumalik sya.

"Paano ho ito manong?"

"Magtatawag muna ako ng masasakyan mo dyan sa malapit na kanto."

Lumipas ang ilang minuto at may taxi na na huminto sa tabi ng taxi na sinasakyan ko, bumaba doon si manong driver at pinasakay nya ako sa taxi ng kumpare nya daw, hindi na ako nag dalawang isip at sumakay na. Inaabotan kopa ng bayad si manong ngunit hindi nya tinanggap. Nang makarating na kami sa terminal ng Quezon ay binayaran kona itong kumpare nya daw.

Ang lakas parin ng ulan kaya naman nakisilong ako sa malapit na tindahan. Nag antay lng ako ng tricycle upang makasakay patungo sa kabilang iskinita. Ang tagal din ng pag hintay ko bago may tricycle na pumarada malapit saakin.

"MANONG!!" Agaw pansin Kong pagtawag sa driver ng tricycle.

Agad nya namang narinig ang aking pag tawag kaya naman nakasakay na ako agad.

"Sa Tatalon ho." Sambit ko ng makasakay na.

Hindi naman tumagal ay nasa harapan naako ng bahay ng bf ko.

"TITA MELAN!" Pag tawag ko sa nanay ng kasintahan ko.

"Sino yan?"

"Si Nalia ho."

Inantay ko munang lumapit si tita bago ako bumaba sa tricycle at binayaran ang driver nito. Nang makapasok ay inantay ko si tita matapos sa pagsara ng kanilang munting Gate.

"Bakit ka nagtungo rito gayung umuulan."

"Halos isang linggo na akong hindi nakakapunta rito."

"Sige na at magbanlaw kana upang masilayan mona ang totoong pinunta mo."

One Shot Stories Where stories live. Discover now