Left Behind

142 7 0
                                    


Habang naglalakad ako sa aming Garden ay may nakita akong bagong tanim na bulaklak. Pink rose ito at napakaganda dahil napaka lusog din nito.

"Kuya,ikaw ba ang nagtanim nito?" tanong ko sa hardinero namin.

"Ahh, hindi ho. Si Ma'am Astrid po ang nagtanim nyan kahapon." sagot ni Kuyang hardinero.

Lumayo naako dito dahil baka magalit pa si Ate Astrid pag nalaman nya na hinawakan ko nanaman ang pag mamay-ari nya.

"Ma'am Kamile, tinatawag po kayo ng inyong Mommy." bungad saakin ni Manang Sintia.

"Nasaan ho siya?"

"Nasa kanyang silid." sabi nito.

Sa likod ng bahay ako dumaan dahil mas malapit ang aming hagdan dito kaysa sa main door. Lakad takbo ang aking ginawa hanggang sa makarating ako sa harapan ng kwarto ni Mommy.

"Mom." sabi ko habang kumakatok.

"Come in, Kamile." rinig kong sagot ni Mommy.

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at pumasok na. Bumungad saakin si Mommy na naka upo sa gilid ng kanyang kama."Bakit mo po ako pinatawag?" tanong ko kay Mom at umupo sa kanyang tabi.

"Hindi pa nakaka uwi ang Ate mo, mula pa kagabi. Siguro ay nag party nanaman iyun ng walang paalam."

"Mom, malaki naman na si Ate, you don't have to worry about her. Uhmmm, actually Nagkayayaan kami ng mga friends ko na mag shopping mamaya. Can I go with them Mom?" excited kong tugon.

"Okay, mag sisend ako ng money sa bank account mo." napaka saya ko naman na nilisan ang kwarto ni Mommy.

Maya-maya pa ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko saaking bulsa, kinuha ko ito at tiningnan, nag send si Mom ng napakalaking pera. Say hi to my new bag.

Naligo na ako at nagbihis upang handa na ako sa pag alis. Sinuot ko ang Black off-shoulder knitted na tops na ibinigay saakin ng friend ko, I also wear my favorite high waisted short, meron itong 4 button, nilagyan ko iyo ng Gucci belt. Pinili ko rin ang white flat shoes ko, kinuha ko narin ang aking LV purse na binili ko lang last Saturday.

Nilagay ko saaking purse ang aking cellphone at credit card.

"Manong sa Quizen Mall po tayo." sabi ko sa aking driver.

Mabuti naman at hindi traffic ngayon. Sa Cafe kami makikita-kita ngayon. Bumaba naako sa sa sakyan bago iparada ito ng driver sa parking lot. Nagtungo naako sa paboritong Cafe naming magkakaibigan.

"HELLOOOO!!" bungad ko sakanila ng makita ko sila sa sulok ng Cafe, nagsi tingnan naman ang ibang costumer kaya na ilang ako at naglakad na pa punta sakanila.

"Mabuti at pinayagan ka ng Mom mo." saad ni Kyla.

Lumapit muna ako sa Counter at umorder bago sagutin si Kyla. "Ofcourse. Btw, Anong bibilhin nyo?"

"Balita ko there's a new bag in Gucci, I want to buy that." Kyla said.

"Some Cosmetic, My Mom already bought that Gucci bag for me." sabi naman ni Kylie.

"You're so lucky to have Tita Layla." sabi ni Kyla kay Kylie.

"Yeah, its already 2 years simula nung inampun nyako pero nahihiya parin ako pag binibigyan nya ako ng mga mamahalin na mga bagay."

Pumunta muna kami sa H&M to buy some new clothes, pumunta rin kami sa Zara dahil favorite namin ang mga damit doon, napakaganda ng tela.

"O My Gosh, Look at that Pink coat croptop. It's so Cute." sabi ko at kinuha na iyun.

One Shot Stories Where stories live. Discover now