It's Complicated

253 17 0
                                    

Photo is not mine(CTTO)

************************************

     "Good morning Ma'am, Good morning Classmates. My Name is Kaven Felix Gordon. 16. From Nasa National High School." Pagpapakilala ko sa harapang ng bago Kong mga kaklase.

"You may find your sit." Wika ng bago Kong guro.

Umalis naako sa harapan at nagtungo sa bandang likod. Naiilang ako dahil pinapanood nila ang bawat paggalaw  ko, inayos ko ang aking mga gamit bago maupo sa aking upuan at inilabas ang isang notebook para sa subject ngayon. Kung hindi pa halata ay transfere ako rito.

"Saan school ka nga ulit nang galing iho?" Tumingin ako sakanya upang ma siguro na ako ang tinatanong nya. Nang makita na nakatingin silang lahat saakin ay tumayo na ako upang sagutin ang kanyang tanong.

"Uhmm, sa Nasa National High School po." Tinanguan nya naman ako kaya agad na akong naupo.

Recess na kaya naman ay nag simula naakong kumain, nagulat ako ng may biglang umupo sa katabi ng upuan. Tiningnan ko kung sino yun at nakitang babae iyon.

"Hi there, Mr.Handsome." Nakangiting nyang pagbati saakin habang kumakaway. Muntikan na akong mabilaukan dahil sa Mr.Handsome.

"H-huh?"Nalilito Kong pag tatanong.

" Kaven means handsome. So, Hi Mr. Handsome."

"P-paano mo nalaman?"

"Syempre, Anong silbi ni Mr. Google kung hindi gagamitin."

"Bakit kailangan mong I search?"

"Wala lng. Bakit ka dito kumakain sa room?"

"Bakit? Bawal ba?"

"Hindi naman, pero may canteen tayo." Saad nya. "Sabagay maingay sa canteen, hayss makaalis nanga parang naiingayan kana saakin eh." Sambit nya bago lumabas ng classroom.

Andito ako ngayon sa waiting shed ng school dahil uwian na at kailangan kong umuwi ng maaga. May tricycle na nakaparada medyo malayo saakin kaya lumapit ako dito.

"Manong, bumabyahe ba kayo?"

"Hin-"

"Kaven." Narinig Kong sigaw ni... Hindi ko pala kilala, basta yung talkative na girl. "Hi Pa." Bati nya sa driver ng tricycle. "Saan kaba umuuwi?" Tanong nya saakin.

"Sa Mendoza Street 5." Sagot ko.

"Magkalapit lng pala tayo eh, sakay na."

Habang nasa tricycle, hindi ko maiwasang ilayo ang aking tingin sa babae na nasa aking tabi. Talkative man sya ngunit may itinatago rin syang talino. Hindi man sya gaano mag recite ngunit sa mga short test kanina ay matataas ang kanyang nakukuha.

"Kung makatitig ka parang alam mo na pangalan ko ah." Nahihiya kong ibinaling ang paningin ko sa labas ng tricycle. "I am Avyannah Sage Dangillio, you can call me what ever you want, basta wag lng annah."

Papasok naako sa paaralan ng bigla kong nakasalubong si Sage kaya naman sabay na kaming pumasok sa classroom namin. Ngunit habang naglalakad kami sa hallway ay ang daming bumabati sakanya, tila ba sikat sya dito sa paaralan namin.

One Shot Stories Onde as histórias ganham vida. Descobre agora