Realization

49 1 0
                                    


     Pag bukas ko ng aking mga mata ay  bumungad sa akin ang napakaraming tao na isinisigaw ang pangalan ng isang P-pop group na nagpe-perform sa stage. VIP ako, naka VIP stand ako.

Huminga ako ng malalim at isinagaw ng napakalakas ang pangalan ng aking bias. "ASHER!" sumigaw, tumalon iwinagayway ang light stick na hawak. Napapatingin nalang sa  akin ang mga katabi ko.

Inilabas ko na ang aking cellphone ng magsimula ng tumugtog ang paborito kong kanta nila. Iplinay ko ito at winagayway sa ere, sa kanang kamay ay ang aking cellphone sa kaliwa naman ay ang aking light stick.

"Hindi mo na ba alam ang gagawin? Halina't sumama ka sa akin." pag simula ni asher sa kanta.

"Woahhhhhhhhhhh!! ASHER! UMUWI KA NA!! HINDI NA AKO GALIT!!" malakas kong sigaw ng sinimulan na ni Asher ang pag kanta.

"Kahit kailan, Kahit saan, kung tayo ang para sa isa't isa ay tayo talaga." pag kanta naman ni Lucky, leader nila.

"SABI KO NA SA'YO ASHER, EH!!" sigaw ko nang nag exchange sila ng pwesto at malapit sa akin si asher.

"KAHIT KAILAN, SAAN, OHHHH. KUNG TAYO TALAGA, KAHIT ANO PANG GAWIN NG TADHANA AY HINDI TAYO MAPAGHIHIWALAY!!"pag sabay ko sa kanta dahil line na iyun nni Asher, my bilabidabs. Sa lakas ng sigaw ko ay napatingin sa side namin si Asher. Nagtatalon ako sa saya nung kumaway siya."PARA SA'KIN YUNG SMILE NA YON!! WAHHHHHHH. CAUSE OF DEATH NGINITIAN NG ISANG ASHER!!" malakas kong sigaw.

Nang natapos na ang kanta ay pumagitna silang lahat at pumailalim ang sahig na kanilang tinatapakan.
Inilagay ko muna ang aking cellphone sa aking bag upang ayusin muna ang aking buhok. Hindi nagtagal ay nahati sa gitna ang screen na nasa atage at isa-isa silang lumabas.

"When I look at her eyes, I see the world." put a tang in a cup talaga tong leader na si Lucky, bias wrecker talaga trabaho nito sa life ko.

"The she smile."

"The she make me blush, I can't stop falling. I just can't stop falling."

"When she turn her gaze to me, I felt like I was on my dream." pagkatapos kantahin ni Kenneath ang line na iyon ay inihanda ko ng iwagayway ang aking light stick.

"The she laugh, so hard. I felt like I'm on the cloud 9."

"Get ready, because my feelings for you will never stop." si Lucky 'yun.

"OHHHHH, I CAN'T STOP MY FEELING, I CAN'T STOP MY LOVE FOR YOU, ASHEEEEERRRRR!!" literal na idinugtong ko ang pangalan ng bias ko.

Gustohin ko man na mag video pero full storage na ako...
Pero hindi ko kayang pigilan ang nangangati kong mga kamay. Kinapa ko ang aking cellphone sa aking bag at kinuha doon ang aking cellphone, ngunit hindi ko iyun ma kapa.

Inilapit ko sa aking mukha ang aking bag upang makita ko ng maigi ang loob ng bag, ngunit wala talaga. Wala na 'yung cellphone ko. Inilibot ko ang aking mata sa buong arena at doon ko napagtanto na walang ibang tao kundi kami lang na nasa vip stand.

Mula sa aking kinatatayuan ay nakita ko ang isang lalaki na tumatakbo palayo sa amin, wala na akong pakealam kung hindi ko majita si Asher basta ang importente ay makuha ko yung cellphone ko dahil nandoon ang research ko.

Pagtapak ko sa hagdan ay hindi ko namalayan nadalawang step pala ang nilaktawan ko kaya naman ay natumba ako at muntikan ng tumama ang mukha ko sa hagdan. Pumikit ako saglit at pagmulat ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang pink pa sa pink na kwarto ko.

"You change my life, I can't stop falling." napatingin ako sa aking side table nang marinig ko ang kanta na iyun, kanina pa pala naka play ang laptop ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Stories Where stories live. Discover now