Chapter 5

480 10 0
                                    

Gabriel's POV



We're on my way to my condo nang makareceive ako ng text sa mga gunggong na magpupunta raw sila. Nag-away kasi ata si Dash at Levi. Malamang pinikon niya nanaman si tatang Levi kaya napuno na sa kanya.



Kaya heto sila ngayon, nanggugulo nanaman sa condo ko.



"Nasaan na si Dashell? Siya nag-aya tapos siya yung wala?" Agad na tanong ni Benj nang mapansin niyang kulang ng isang tungaw pagdating niya.

"May binili lang sa baba" pagsagot ni Blue.

"Hoy ligpitin niyo mamaya kalat niyo ha itatapon ko kayo palabas!" Pinanlakihan ko sila ng mata.

Naupo ako sa couch sa tabi ni Levi.

Kanina pa to tahimik. Panigurado galit pa to hahaha.

Inakap ko siya.

"Galit ba yang baby na yaaaaaan" paglalambing ko kay Levi

Hindi siya kumibo. Halaaaa. Galit nga! Pero bakit parang damay ako huhuhu.

Biglang bumukas yung pinto ng condo ko. Bwiset na Dash...



"Remind me to change my passcode later BumBum. Bakit ba kasi alam niyong lahat code ng condo ko????" Pagrereklamo ko

"LEVIIIIIIIIII BATI NA TAYOOOOOO" sigaw ni Dash mula sa pinto.

"Tangina Dash yung sapatos mo papatayin ka ni Blue." Pagbulong ni Benj na narinig naman naming lahat

Agad siyang bumalik sa doorway at hinubad ang sapatos niya.

Napailing nalang si Blue.

Pinagpatuloy ang pag aayos niya sa projector. Balak kasi nila manood ng movie at dito matulog. Behave daw sila at hindi mag babar ngayon dahil malaki ang kasalanan na nagawa ni Dash na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam.



Mas matagal ang friendship namin ni Blue pero ang pagkakaibigan naming lima, nag-umpisa nung first year highschool. 15 years na rin pala kaming nagtitiis sa isa't isa.

Eew...



Kung inaakala niyo na si Levi ang parang father figure sa samahan namin dahil siya ang pinaka matino, nagkakamali kayo hahahahaha.



Si Levi ay parang panganay na kapatid lamang. Taga saway palagi, taga sermon ganon. Pinaka seryoso samin.

Si Dash naman, makalat na kapatid. Napaka landiiiiiiiiiiiii pero oo na maaasahan naman kahit papaano. Magaling rin siya magadvice. Pero mas lamang yung asar kaya no thanks nalang.

Si Blue, yaaaaaaaaaaaaaaan. Yan ang tatay namin HAHAHAHAHHAA.

Kahit papalit palit siya ng babae, siya pa rin ang pinakamaalaga samin. Maarte kasi yan sa totoo lang. Napaka high maintenance!



At si Benj. Ang aming ampon. Walang ambag sa pamilya. Pabigat.

HAHAHAHAHAHA. CHAROT.

Siya ang aming alkansya. Lagi namin nauutong manlibre.



Tinulak ako ni Dash paalis sa pwesto ko.





"Leviiiii, bati na tayo pleaseeee. Sorry naaaaa. Di ko na ilalabas mga pictures moooooo" pangungulit niya.



Hindi pa rin kumibo si Levi, tuloy lang sa pagse cellphone.Hindi niya mapipilit yan. Galit pa eh.

May inilabas si Dash mula sa likod niya.

AY PUTANGINA KAYA PALA BUMABA HAHAHAHAHAHA.

Nakita kong saglit na tumingin ang mata ni Levi. Pakipot amputa hahahha



"Tanggapin mo na Levi kunwari ka pa" natatawang sabi ni Benj habang inaayos ang mga pagkain sa coffee table.

"Yiiiieeeeee. Tatanggapin na niya yan. Bati na kamiiii" pagsundot ni Dash sa tagiliran ni Levi.



Well, si Levi maprinsipyo yan.

Kapag may pinaniniwalaan siya, hindi siya natitinag. Lalo na pag nasa tama siya o napikon talaga siya sayo.

Pero may isang bagay na nakakapagpagiba ng mga paniniwala, prinsipyo at paninindigan niya sa buhay hahaha.



"Tanggapin mo na, matutunaw na toooooooo." Pangungulit ni Dash

"Psh" reklamo ni Levi pero kinuha naman ang binibigay ni Dash

"Yehey bati naaaa!!!! Hugggssss naaaaa" Nagtawanan kaming lahat.



Niyakap ni Dash si Levi.

Agad naman akong sumunod at nakiyakap rin



"Ah group hug pala ha!" Pagsigaw si Benj.Hinila niya si Blue at dinaganan kami.

"Aray puta ang bigat niyo!" Pinipilit kami itulak ni Levi pero wala siyang nagawa dahil nakidagan na rin si Blue.







Ano ang babali sa paninindigan ni Levitticus Nase?







His undying love for ice cream.

Guilty of Unbidden PleasureDonde viven las historias. Descúbrelo ahora