Chapter 18

434 9 11
                                    

Gabriel's POV


Nasilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana. I yawned.


Bwisit tong si Blue! Pinuyat ako sa paper niya hayop. Nabawasan nanaman tuloy limited brain cells ko.


Lumabas ako ng kwarto at naabutan siya sa kusina.



"Good morning babe." He greeted smiling.



I felt my heart skipping a beat.



Ano bang nangyayari sakin? Palagi naman niya akong tinatawag na babe! Kahit sila Dash.

Puyat lang to.



Tumango lang ako. Inabutan niya ako ng orange juice. He knows I don't like coffee in the morning.



I drank it.


"What do you want for breakfast? Bread? Rice?" He asked.


"Juice nalang muna, diet ako" I replied.


Ang totoo wala lang talaga akong gana.

Bwisit kasi tong Blue, kahapon pa siya weird!




"Kung ayaw mong tumaba, ako nalang kainin mo"


Nabulunan ako sa iniinom kong juice.




Agad siyang lumapit sakin at tinapik ang likod ko.



Ang sakit!!!!!!



"Are you okay? Hinay hinay lang sa pag inom." Natatawa niyang sinabi


Nang makarecover ako, agad ko siyang binatukan.


"Ang aga aga, yung mga biro mo nanaman! Bwisit ka ha!" sermon ko.

Natawa lang siya ulit.


Naupo na siya sa harapan ko at kumain ng pasta.


"Ang heavy naman ng breakfast mo" pagpuna ko.



One thing about Blue. He is a very good cook.


Nanunuot sa ilong ko ang amoy ng carbonara na niluto niya.


"Gusto mo?" He asked.


"Sige na nga, patikim ako" sagot ko



Nilapit niya sa bibig ko ang tinidor na may pasta. I tried it.




"Hmmmm. Sarap ah" I honestly commented.


Tumango tango siya.



"Alam ko. Pero mas masarap ako dyan" he replied



I glared at him. Ano bang nakain nito? Hayop.


He looked at me.


"Ayaw mo maniwala? Tikman mo ako dali." he said smirking.


I rolled my eyes.


"Kahapon ka pa Blue ha! Hindi nako natutuwa sa mga biro mo!" Reklamo ko.



I can't understand him anymore. Gusto ko na siyang patayin.



"Ganun bumanat Gabriel. " kibit balikat niyang sagot.


Bumanat?

I scoffed.

Is he... talking about Lawrence?


"So you're reading my messages now?" I asked


He just.fucking.chuckled.


Arrrggghhhh!


"Stop your jokes na ha! Jusko ka, alam mo namang hindi ako maniniwala sayo. Pinipikon mo lang ako eh!" Umiirap kong sabi.



"It's okay. I will prove it to you" mayabang niyang sagot



Natawa ako. Napakahangin nito!




"What? How will you prove to me na masarap ka? You want me to lick you?" I asked.


Kala mo ikaw lang marunong mang-asar?  Ha!



He is looking at his pasta while he is twirling it on his fork.


A playful smile slowly crept into his lips.



"You don't believe me? Wait then...." he stopped


"Wait for what?"


He looked at me.



I felt my heart raced again...








"Wait until I change your surname. Kasal muna bago tikiman babe"



Huminga ako ng malalim...



Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko sa sinabi niya.



Kilala ko si Blue. Hindi niya ako titigilan.



Tumayo ako at lumapit sa kanya.

He seemed shocked.


Pinagapang ko ang kamay ko sa braso niya.


Tanga... kalma Gabriel.




Si Blue dapat ang maaapektuhan hindi ikaw!



"Ganun? Bakit pa paaabutin sa kasal kung pwede naman kitang tikman ngayon?" I said then bit my lips.

His jaw dropped..

Hindi siya makapagsalita. Hindi niya siguro inaasahan na sasakyan ko siya.


Natawa ako sa mukha niya.

"Sige na nga, kasal muna. Dun rin naman ang punta natin pag 33 na tayo diba?" I said then winked at him



Bakit ko naman nga siya patitigilin, kung pwede ko naman siyang sakyan?




Tignan natin kung sino unang susuko...

Guilty of Unbidden PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon