chapter one

552 45 39
                                    

i. si taylor swift, si sof, at si sav

s o f

───────────────

Ako si Sof, at may gusto ako sa best friend kong si Sav.

O 'di ba – unang sentence pa lang halata nang gaga ako. Sino ba naman kasing tanga magkakagusto sa best friend niya for six years tapos ililihim niya tapos magmumukmok kasi malapit na ang prom night hindi pa rin siya nakakaamin. Pero ang mas tanga diyan, wala naman talaga siyang balak umamin. Since day one. Dahil sa gasgas at nakakaumay na rason na magkaibigan kasi kami.

It's me. I'm tanga.

Pero on second thought, ano ba'ng tanga ro'n? Anong katanga-tanga sa napaka-valid na reason na mas pahalagahan kung ano'ng meron kami kaysa sa kung ano mang kapunyetahang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya? Bukod sa best friend ko siya, at nasa closet pa 'ko, at bata pa kami, at . . . at . . . hayop, ang dami pala masyadong dahilan kung bakit ang tanga ng desisyong magustuhan ko siya.

Pero hindi ko naman kasalanan.

"Ang pangit ng lasa ng cheese stick."

Hindi ko naman kasalanang magkagusto sa babaeng 'to.

Sa mga hindi nakikita ang dahilan kung bakit gusto ko siya, ang dahilan lang nila ay either a.) straight woman sila o b.) hindi pa nila nakikilala si Sav. Naniniwala kasi ako na may dalawang tao lang sa mundo: ang mga may crush kay Sav at mga tangang hindi siya type. Sa kaso ko, ako 'yung former at ang latter ay ang the rest of the world – which works for me rin, kasi at least wala akong kaagaw. Ang kalaban ko lang dito ay ako, ang pride ko, saka 'yung cheese stick na ayaw kainin ngayon ni Sav.

"Patikim."

Sinubo sa 'kin ni Sav ang nakagatan niya nang cheesestick. Mga nakaapat na nguya ako bago ko iluwa.

"Hayop, lasang cheese," reklamo ko.

"Teh, malamang. Cheese stick nga."

"Mas gusto ko kasi 'yung cheese stick na lasang wrapper."

"Edi sana wrapper na lang binili mo."

"'Yung cheese 'yung pandagdag ng spice. Na ayokong tikman."

"Ewan ko sa 'yo." Nagpatuloy siyang kainin 'yung cheese stick na tig limampiso kada cup. Tapos nagreklamo ulit siya kasi ang pangit ng lasa. Ewan ko ba.

Nakatambay kami ngayon sa may duyan sa lot 12 ng baranggay namin. Naka-uniform pa kami parehas, amoy ko pa rin 'yung pulbo na hiningi ko kanina kay Bry, at paubos na rin 'yung iniinom kong pepsi. Nasa paanan lang namin 'yung mga bag namin kasi ang bigat na dahil sa mga patong patong na requirements na hinihingi ng mga walang awang teachers. Ayaw pa naming umuwi. Siguro magpapaabot na naman kami rito hanggang alas-siyete nang gabi na nagkukuwentuhan lang. Hindi naman ako nagrereklamo, 'no. Kahit buong gabi pa naming gawin 'to, e.

Friday na ngayon. Next Friday, prom na.

At kinakabahan ako.

"Huy, Sof." Sinipa niya paa ko.

"Ano?"

"Pinapaalala ko lang ah," sabi niya ta's tinuro pa 'ko gamit cheesestick. "Next week."

"Ulit ulit . . . oo na. Excited ka bang magkajowa ako?"

"Baka si Edwin excited maging jowa ka."

Muntik ko na sabunutan sarili ko. "Puro ka na lang Edwin, ako na nauumay para sa 'yo."

si sav at si sofWhere stories live. Discover now