chapter seven

150 23 8
                                    

vii. si edwin, si gabby, si sof, at si sav

s o f

───────────────

"Uy, isasayaw ka raw ni Edwin sa prom?"

Hindi pa ako nakakaupo sa upuan ko, 'yan na agad tinatanong sa 'kin ng mga kaklase ko. Wala ako idea kung bakit sobrang hilig ni Edwin ipagkalat mga plano niya sa buhay na naka-relate sa 'kin, e, wala naman sa ibang tao kung iimbitahin niya 'ko sa prom night o kung magiging girlfriend niya 'ko. Buti sana kung siya 'yung ginugulo ng mga kaklase ko e hindi. Sa 'kin sila puro lagi tanong.

Hindi ko pala ni-reply-an si Edwin kagabi. Sa totoo lang, nawala talaga sa isip ko. Si Sav lang talaga inisip ko buong gabi hanggang sa makatulog, tapos siya ulit agad inisip ko pagkagising. Hindi ko kasi maalis sa isip ko 'yung bigat ng tingin niya sa 'kin bago siya maglakad pauwi kagabi . . . parang gaya ko, may gusto rin siyang sabihin, hindi niya lang magawa gaya ko. 'Yan tuloy, kinulit ako agad ni Edwin pagkapasok niya sa room.

"Uy, Sof. Na-receive mo ba text ko?"

"Ha? Anong text?"

OO NA, ANG SAMA KO NA. Pero wala na akong ibang maisip na lusot bukod sa pagsisinungaling. Sobrang daming trouble 'yung maiiwasan ko kung magpanggap lang akong hindi ko natanggap 'yung mahaba niyang message. Nakakakonsensya malala, lalo na nung nagbago agad expression ng mukha niya, pero ang kulit niya rin naman kasi. Sabing hindi ko siya gusto. Sabing ayokong mag-effort siya nang mag-effort. Masyado kasi siyang naniniwala na nakukuha lahat sa sikap – pero hindi naman gano'n 'yung case sa lahat ng bagay. May mga puso kasing hindi natuturuan magmahal. Ay, wow. Joke. Saan ko ba nahugot 'yan?

"Ay . . . gano'n ba."

"Ano ba 'yun? Importante?" tanong ko. Bago pa siya makasagot, binago ko na agad topic. "Uy! Nga pala, happy birthday. May pa-lumpia ka ba?"

Bigla na lang niya ako nginitian, parang lumiwanag mukha niya. Alam mo, cute naman talaga si Edwin, e. May dimples, matangkad, may pagka-moreno, tapos kabuhok niya si Sehun ng EXO. Malas niya nga lang kasi sa 'kin siya nagkagusto (na hindi ko naman deserve).

"Salamat," sabi niya saka nahihiyang ngumiti. "Hindi lang lumpia, Sof. Maghahanda lola ko ngayon. Punta kayo ni Sav, ah."

"Kaming dalawa talaga ni Sav?" pa-joke kong sagot.

"Kung gusto mo ikaw lang. Kaso parang magkadikit na kayo; parang hindi tama 'pag magkahiwalay kayo eh. Gaya ngayon."

Speaking of, hindi kami sabay pumasok ngayon ni Sav ulit kasi hinatid na naman ako ni Papa. "Ewan ko nga nasa'n 'yun, e."

"Nakita ko siya kanina sa canteen kasama si Bry. Nga pala, Sof – 'yung sa text ko–"

"Sige, daanan ko na lang sila," putol ko sa sinabi niya. "See you mamaya sa birthday mo!"

Ang pangit talaga ng ugali ko. Dapat talaga hindi muna ako mamatay kasi baka i-take 'to sa 'kin ni San Pedro against me ta's 'di pa ako papasukin sa langit. Kailangan ko muna mag-repent.

Anyway, pumunta na 'ko sa may canteen para hanapin sina Sav saka hindi rin kasi ako mapakali dahil pagkauwi niya kagabi, wala siyang text o ano. 'Di ko alam kung gawa gawa ko lang 'tong 'tension' na nararamdaman ko sa 'ming dalawa pero gusto ko siyang makita at magpabwisit sa kanya para man lang makakalma at gumaan naman loob ko kahit kaunti. Gano'n naman si Sav. Madali gumaan lahat 'pag nandiyan siya.

Kaso nga lang, wala na siya sa canteen. Bumalik na lang ako sa room na bagsak ang balikat saka nagbasa ng John Green na libro kasi wala namang teacher, tapos nung napansin kong papalapit sa 'kin si Edwin, nagtulug-tulugan ako. Kaso nga lang ayun, natuluyan. Nakatulog akong totoo.

si sav at si sofWhere stories live. Discover now