17

4.3K 130 0
                                    

Yoshka's

"Anong ginagawa mo?" Lynx asked. Kanina pa kasi kami rito sa cafeteria. Lunch na eh. Yong Clara namang yon wala pa.

Chini check ko rin kasi phone ko baka may message si ma'am. Maya't maya ko kasi tinitingnan phone ko baka nauurat na si Lynx.

Wade and I both ate together last night. Siya na rin nagluto kasi sabi ko na miss ko luto niya. She seems tired pa yesterday kaya hinabol ko siya non at yinakap.

"Lynx, bakit ang tagal ni Clara? I'm hungry." pagmamaktol kong sabi.

"Aba malay ko no! Bakit ka kasi saamin sumabay? Kung pwede naman sa misis mo na." nagulat ako sa sinabi ni Lynx sa huli kaya tinakpan ko ang bibig niya gamit palad ko.

Sinamaan ko rin siya ng tingin. Ang daldal ng bruhang to.

"Ang ingay mo gago. Baka may makarinig ibibitin kita patiwarik." saad ko at inirapan rin siya.

Ngumisi naman siya. Kaya naka kunot noo ko na rin siyang tiningnan. Kukunin ko na sana ang kamay ko sa bibig niyang madaldal nang bigla niya itong dinilaan.

"Yuck! Lynx naman eh!" sigaw kong sabi. Kadiri bwisit na to.

"Serves you right. Bakit kasi hindi nalang ipaalam sa lahat eh okay lang naman kay Miss Meijer eh." she smirks and flip her hair while saying that.

"I just need time idiot. 'wag mo ako pangunahan." Seryoso kong saad at pinitik noo niya.

"Yeah. Whatever Evey." She rolled her eyes sabay hinimas ang noo niyang pinitik ko.

"yo! Wassup mga bakla-" naputol na sabi naman ng babaeng kakarating palang sabay napatingin sa amin.

"Ano nangyari sainyo? Ang seryoso niyo ata ah." Sa wakas dumating na rin.

"Hinihintay ka. Bakit ang tagal mo ha?" tanong ko na bumalik na rin sa pagkakaupo.

Nakita ko namang inirapan lang ni Lynx si Clara na ikinagulat niya. I giggled secretly because of them.

"Umupo kana. Napaka special mention mo naman at ang tagal mo." Hindi ko alam kung Galit or nangaasar tong si Lynx eh.

"Sorry naman ha? Sinabi ko bang hintayin niyo ako? Diba Hindi?. Tse." rebat ni Clara habang naghihila ng upuan para umupo.

Bakit tumaray ata si Clara ngayon? Aba aba maganda to, sakto may pagkain kami.

Walang ganang itinukod ko ang siko ko sa mesa at tiningnan lang sila. Napangisi ako nang magsalita ulit si Clara.

"Ay sige ha. Next time hindi kana namin hihintayin pakyu ka." Napaamang ang bibig na nakatitig ako kay Lynx Ganon rin si Clara namang marinig ang sinabi niya.

Kaya natatawang dumampot ako ng pagkain. Live show bardagulan. Medyo malakas rin ang boses ng dalawa kaya may ibang tao na napapatingin na sa deriksyon namin dito sa cafeteria.

Sige manood lang kayo. Once in a lifetime lang to.

Nagulat din ako don kasi first time rin niyang sabihin ang gano'ng word. Pero si Clara literal na nagulat kasi hindi makapag salita at nakatingin lang kay Lynx. Si Lynx naman sinamaan lang siya ng tingin.

Palagi silang nagbabardagulan. Tapos bilang lang siguro ang mga oras na okay sila at magkasundo. Pero hindi naman ako nagrereklamo kasi ang saya nila tingnan.

Sa huli nagkaka ayos rin naman. Sus.

Napapailing na kumakain ako habang nagbabardagulan silang dalawa. Napansin kong nagbawi na si Clara sa pagka state of shock niya at rumebat na rin.

 Annulment (GL) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now