CHAPTER 37

6.7K 95 4
                                    

Chapter 37: Between Mom & Dad

KUNG ibang tao lang ang magsasabi sa akin ng mga iyon ay baka hindi ako maniniwala. Dahil mahirap naman talagang paniwalaan lalo pa na narinig mismo ng dalawang tainga ko ang mga masasakit na salita na ibinato sa akin ng asawa ko. Pero hindi.

Ang anak ko mismo ang nagsasabi no'n at alam ko na kahit gaano pa niya kamahal ang Daddy niya ay hindi siya magsisinungaling sa akin.

Hindi niya pababanguhin ang pangalan ng Daddy niya...

"Ano pa...ang sinabi niya, baby?" tanong ko. Interesado akong malaman pa ang ibang sinabi niya at narinig iyon lahat ng anak namin.

"He just cried, Mom... He said he loves you, so much... But he loves me more... Kaya nasabi niya raw iyon sa 'yo... I remained silent but I'm listening to him, and all I can do is hug him..." sagot niya, nakikita ko ang pagkaaliw sa mga mata niya dahil siguro sa narinig niyang sinabi ng Daddy niya.

Na mahal ako ni Jinsen... Na mahal ako ng Daddy niya.

"Mom, ano po ba ang sinabi ni Daddy sa 'yo dahilan kung bakit sinisisi niya ang sarili niya?" curious na tanong niya sa akin.

Hindi na mahalaga iyon. Ayokong sabihin sa kanya. Baka masaktan din siya. Dahil baka hindi niya iyon kayang tanggapin.

Ayoko na pati ang sarili niya ay sisisihin niya dahil sa mga salitang binitawan ng Daddy niya.

"Wala..."

"Mommy..." pamimilit niya.

"Bakit kailangan nating balikan si Daddy?" I asked once again. Saglit siyang natulala at unti-unting may namumuong luha sa mga mata niya.

Iniba ko lang ang topic para hindi na siya magtanong pa sa akin. Ayokong malaman niya ang lahat ng iyon. Sa amin na lang ng Daddy niya. Kahit narinig iyon nina Cyan.

"H-Hindi na natin po siya babalikan? Iiwan na natin for real si Daddy, Mom? Why?" gulat na tanong niya sa akin at nabasag pa ang boses niya.

"Mommy..." nahihirapang bigkas niya.

I kissed his forehead, "Bakit pa natin babalikan si Daddy kung naging bad naman siya kay Mommy?"

Umiling siya na tila hindi siya sang-ayon sa sinabi ko.

"I told you that I want both of you by my side, Mom... Bakit kailangan nating maghiwalay na tatlo? I promise you that I will come with you, wherever you go... Wherever you go, without Daddy... But please, M-Mom... Babalik tayo... Babalik po tayo kay Daddy, babalikan po natin si Daddy... I don't want him to be hurt again... He's gonna be sad po kapag nawala ako... Mom..." nagmamakaawang sabi niya.

"You choose your Dad, Jinsel... Ako naman ang lalayo," sabi ko.

Nagulat ako sa biglaan niyang pag-iyak nang malakas dahil doon at humigpit ang yakap niya sa akin. Na para bang takot na takot siyang mawala ako.

Bumukas ang pintuan at kahit hindi ko na lingunin pa ang taong pumasok sa room ng anak ko ay alam kong si Jinsen iyon. Presensiya pa lang niya ay alam ko na kung sino...

"Jinsel..." he called his name.

"Ayoko... Ayaw ko... Ayaw ko po..." umiiling na tanggi niya. Paulit-ulit.

"I have to go," seryosong sabi ko at hinawakan ko ang maliit niyang katawan para ibalik siya sa kama niya pero hindi na niya ako pinakawalan pa. Sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko at doon umiyak nang malakas.

Sobrang lakas, ang boses niya lang ang maririnig sa loob. Parang nagkapira-piraso ang puso sa naririnig na pag-iyak niya. Basag na basag na ang boses niya.

Gloom Series 4:The Forgotten Wife (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz