CHAPTER 39

5.6K 80 0
                                    

Chapter 39: Jinsel's hope

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko ang masuyong paghaplos sa pisngi ko. Tila pinupunasan ako ng malambot na tela at may maligamgam na tubig.

Nararamdaman ko ang hapdi sa kanang tainga ko at maging sa braso ko. Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko kung kaya'y matagal pa bago ako nagmulat ng mga mata.

Si Xena ang unang taong bumungad sa akin. Wala mang emosyon ang mukha niya ay iba naman ang sinasabi ng kanyang mga mata. Pag-aalala...

"Thanks God. Gising ka na, dear," wika niya at paraan doon lang siya makahinga ng maluwag.

"Huwag ka munang gumalaw," sabi niya nang makitang pinipilit kong bumangon.

"Ang tigas ng ulo," sabi pa niya sa akin.

"Gusto kong umupo, Xena," nanghihinang sabi ko. Bumuntonghininga siya bago niya ako inalalayan na makaupo.

Sumandal ako sa headboard ng kama... Nasaan pala kami?

Wait...

I mentally looked at the digital clock and my eyes widened in shock.

It was already 9:22 in the morning! May... lumipas na ang oras...

"What the hell are you doing, Hersey?!" hysterical na tanong sa akin ni Xena nang sinubukan kong tumayo kahit nahihirapan pa ako.

"Kailangan kong puntahan sa hospital ang anak ko, Xena..."

"Hospital?" nalilitong tanong niya.

Shoot! Wala pala siyang alam na naospital ang anak ko! Ang aga ko namang mabuking!

"Hersey..."

"I have to go, Xena..." natatarantang sabi ko.

Hindi ako agad nakaalis sa kama nang haklitin niya ang braso ko at ibalik sa pagkakaupo ko. Ngayon ay tinitingnan niya ako ng walang emosyon.

"May nangyayari sa inyo na hindi ko alam, hindi ba? Bakit nasa hospital ang anak mo, Hersey?" malamig na tanong niya sa akin.

"Nilagnat---" mariin na napapikit ako nang humigpit ang kamay niyang nasa braso ko.

"Nawala man ako ng ilang taon, pero kilalang-kilala pa rin kita, Hersey. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling," saad niya. Hinuhuli niya talaga ako kung may mga lihim ba ako sa kanya.

"Xena, your life is complicated too. Hayaan mo na ako. Please... Kailangan ko pang pumunta sa anak ko..." wika ko at para akong maiiyak na...

Kagabi pa dapat ay wala na kami rito... Dapat nasa ibang bansa na kami. Nakatakas na sana kami ni Jinsel. Pero nang dahil sa nangyari sa amin...

"Where's Miamor? Ang assistant pala niya?" tanong ko nang maalala ko ang nangyari sa amin at tiningnan ko ang buong silid. Wala kami sa hospital.

"Nasaan tayo, Xena?" muling tanong ko.

"Nasa condo ni Senator Miamor. May usapan kayo ng anak mo na aalis? At dapat kaninang madaling araw pa." Tumango ako sa sinabi niya.

"Pero hindi natuloy kasi na-ambush tayo ng mga gagong iyon at may daplis ka sa braso at sa tainga mo," sabi niya at itinuro pa ang mga sugat ko.

Puting shirt na maluwag na lang ang suot ko at may benda sa braso ko. Natamaan din ako sa tainga at isinama na ang ulo ko na nilagyan ng benda.

"Baka... naghihintay na siya sa akin, Xena... Kailangan ko siyang puntahan..."

"Do whatever you want," sabi niya.

Hindi na niya ako pinigilan pa na lumabas ng kuwartong iyon. Malaki ang unit at halos maligaw pa ako kung nasaan ang pintuan upang makalabas na ako.

Gloom Series 4:The Forgotten Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon