09 Father's Love

120 15 0
                                    

Hanggang ngayon palaisipan parin sakin kung bakit ako pa ang gusto ipasok sa circle of friends ni Josephine, akala ko ang dami dami nyan friends yun lang pala sila Christopher at Spencer lang, dalawang araw palang kaming magkakilala I don't know how she trusts me to be her friend.

"Hi! Can you give me that juice?" Utos ng isang kaklase ni Josephine na nakahiga lang sa sunlounger at agad akong lumapit sakanya ang kinuha naman nya ang juice sa tray. 

"Hey psst! Pengeng juice!" Utos naman ni Spencer, kanina pa yan langoy nang langoy kaya siguro ginutom. "Alam mo kanina ka pa eh no, iniinis mo ba ko?" Tanong ko kasi kanina pa ko inuutusan nitong mokong na to, parang walang sariling paa't kamay.

"Hoy gampanan mo naman yung role mo dito." Asik nya at nagtawanan sila ng ibang kasama nya except kay Christopher at Josephine.

"Excuse me? Ikaw den gamitin mo yan paa't kamay mo, bahala ka sa buhay mo ikaw kumuha dito." Asik ko at umirap, narinig ko naman na pinagsabihan sya ni Josephine sa ginawa nya.

"Okay I'm sorry! Sige na can you give me the juice na?" Tanong nya at lumapit sya sa pooldeck. 

"Dali sorry na my honeybunch sugar cups!" Panunuyo nya, aba put- ayan nanaman tayo sa callsign nya saken at pinagtawanan pa ito ng mga kaibigan nya, pati si Josephine natawa.

"Here! Ang kulit mo, sa susunod wag mo kong iinsultuhin sa trabaho ko ha." Inis kong sabi at tumawa sya lalo. "Okay my honeybunch sugar cups!" Sagot nya at lumakas ang pagtawanan ng mga kaklase nya, jusko! Nakakahiya!

"Hayaan mo nalang sya Snow, ganyan talaga yan si Spencer tsaka isa pa wag ka naman pikon baka kasi mauwi pa yan sa away, kaya kung ako sayo, masanay ka nalang sakanya at makisabay ka nalang sa trip nya, okay?" Sabi ni Christopher tsaka nag thumbs up sya saken, ngumiti nalang ako kahit gusto ko syang sapakin, nung iniwan nya kami ni mama kahit kailan he never had the nerve to visit me, nor sustentuhan man lang ako or kamustahin nya lang ako, in fact, hindi nya nga alam ang itsura ko and that's true.

"O-ok, sure, basta sabihan mo nalang yang kaibigan mo to limit his jokes lalo na pag wala ako sa mood ha? Thanks." Bilin ko at umalis nalang at pumasok sa loob ng bahay to get another juices, pagdating ko sa kusina andun ang kasamahan ko at nilabas ko nalang galit ko sakanila.

"Huy alam mo ba nilalandi sya ng isa sa mga kaibigan ni Josephine." Chika ni Rita at nagtawanan silang lahat, pati dito pa ba lord aasarin parin ako?

"Tawang tawa ako kasi tinatawag syang my sugar honey butter cup." Natatawang sambit ni ate Dolores at nagtawanan silang lahat, nandidiri ako sa word na yon, ew! 

"Ano ba? Pati ba naman dito sa kusina naaasar parin ako?" Asik ko pero mas lalo silang nagtawanan. "Wala lang, hindi ka ba nagagwapuhan kay Spencer?" Tanong ni Rita, kilala pala nya si Spencer.

"No, not at all and isa pa he looks like a playboy and hindi ako napatol sa playboy, eh nung una nga kaming nagkita neto kahit hindi pa namin ganun kakilala ang isa't isa gusto na kong iuwi sakanila." Sagot ko at nagtawanan sila na mas malakas pa.

"Hindi ka pa nagpasalamat don?" Tanong ni Rita habang natatawa kaya kunot noo nalang ako sa huli. "At isa pa paano mo nakilala si Spencer?" Tanong ko.

"Ah, palagi kasi yang nag pupunta dito kasama pa yung isa nilang tropa na si Christopher, kaya silang dalawa lang ang pinaka kilala ko sa mga kaibigan ni madam Josephine." Sagot naman ni Rita.

"Totoo naman na palagi silang napunta dito kaya kilala narin namin sila, at kilala na rin nila kame, madaming kaibigan yan si madam Josephine pero pansin ko na silang dalawa lang yung palaging sinasamahan nila." Sambit ni ate Dolores, tama nga yung sabi ni Josephine sakin na madami syang kaibigan pero ang tinuturing nya na tunay na kaibigan ay si Spencer at si Christopher lang.

Memories Of The PastWhere stories live. Discover now