55 Suspicions

21 0 0
                                    

"Carlos published na yung news article? Omg patingin ako!" Masayang sambit ko at hinablot ko ang copy ng news paper sa kamay ni Carlos at binasa ko agad yon, kumuha rin yung ibang barkada ng dyaryo para basahin iyon, ang ginawa naming news article ay sakop ng headline at front pages ng news paper at nakalagay dito ang malaking size ng picture ni Josephine at hindi namin kinalimutan na sabihin ang buong kuwento sa news paper.

"Hay salamat! Ipagkakalat nalang natin to para solve na ang problema natin, ang natitirang problema nalang natin ay si Josephine, bakit ba kasi ayaw magpakita ng gagang yon." Inis na sabi ni Allysa sabay irap.

"Let's just wish for her wellness, sana nasa safe place sana sya ngayon, and ang isa pa nating problema ay kung malalaman ng mga taong tinatago si Josephine ang kasinungalingan natin, paano kung ipagkalat nila na nagsisinungaling tayo? Edi napunta lang sa wala ang effort natin diba?" Tanong ni Bobby.

"Eh hindi nga natin alam kung may nagtatago sakanya ngayon eh, let's not just think of that now, ang importante ay nasolusyonan din natin ang problema natin okay? Dalawang buwan nang hindi bumabalik si Josephine at sana alam nya ang ginagawa natin to cover up our problems and maki cooperate naman sya satin kahit papano kung alam nya ang nangyayari nang dahil sakanya ngayon." Sambit ni Carlos at lumagok din ng alak.

"Kaya nga eh, kahit ano talagang gawin natin pumaparaan parin ang mundo para pahirapan tayo, dahil kung totoo mang may nagtatago sakanya ngayon, edi delikado parin tayo, ang importante dyan ginagawan parin natin ng paraan para matapos ang problema natin, sana magpakita na talaga si Josephine at matutunan nyang ibaba ang pride nya." Wika ni Katrina.

"Kaya nga, basta kapag may nagtanong about kay Josephine or kung nasaan na sya ang sabihin nyo nalang grinound sya ng matagal ng mga magulang nya sa paglalayas nya ng ganun katagal, basta kayo nalang ang bahala dun ha." Wika ni Carlos at lumagok ng beer.

"Oo nga guys, deserve natin makapag chill kahit papano pagkatapos ng lahat, cheers!" Wika ni Spencer at nag cheers kaming lahat sabay inom ng mga alak.

"By the way guys have anyone of you tried calling Josephine?" Tanong ni Shanaia. "I tried calling her number pero hindi sya sumasagot, pero nung isang araw tinawagan ko sya ulit at ibang tao ang sumagot, boses ng babae at ang nakakagulat pa dito, kaboses ni Yvonne, pero after non blocked na ang number ko kay Josephine at hindi na ko nakatawag ulit." Sagot ni Katrina at nagulat kaming lahat sa sinabi nya.

"Kaboses ni Yvonne? What the heck? Ayokong isipin na tinatago sya ni Yvonne ha pero kaduda duda na baka si Yvonne nga yung sumagot." Usal ni Natasha.

"Wag nating isipin yan guys mas lalo lang kayong mag ooverthink about kay Josephine, let's just say na ibang babae ang nakasagot non hindi si Yvonne, pero baka ngang nakikitira si Josephine sa bahay ng iba, pwedeng sa kaibigan nya sa department nya or sa bed spacer na nirentahan nya, let's just assume na hindi si Yvonne yon." Sambit ni Carlos.

"Eh diba ilang beses nyo na din namang tinatawagan si Josephine pero hindi nab-block ang number nyo? Eh ikaw Snow tinawagan mo ng paulit ulit si Josephine pero hindi ka naman na block, eh eto lang tong si Katrina ang nakarinig ng boses ni Yvonne blocked na, hindi ba nakakaduda yon?" Tanong ni Diego.

"No kung nakikistay man si Josephine kela Yvonne hindi nya magagawa yon no magkagalit na din naman sila kaya imposibleng makistay si Josephine don, yun pa mataas ang pride non i-head to toe mo lang yon galit na yun sayo, diba Snow?" Tanong ni Spencer.

"He's right guys, kahit maubusan pa ng mahihingan ng tulong si Josephine hinding hindi yun hihingi ng tulong sa taong kinaiinisan nya, mas pipiliin pa nya yung pride nya kesa sa kabutihan nya." Sagot ko at uminom ng beer.

"Yeah you're right lahat naman tayo dito kilala ang ugali ni Josephine eh, sa lahat ng taong kilala natin sya yung pinaka ma pride at pipiliin pang mamatay kaysa manghingi ng tulong sa taong kinaiinisan nya." Sambit ni Spencer at nagtawanan nalang kami, after all we are just trying to keep each other to be positive despite of every challenges.

Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: May 12 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

Memories Of The PastDär berättelser lever. Upptäck nu