Chapter 1 ❂ Pagtawag

406 55 46
                                    

Finally here! 🎉🎉🎉

Enjoy the first chapter, everyone!

-*-

"Maykan, Mayari. Maykan."

"Sumangpet kan, Mayari."

"Mayari, sumangpet kan. Napudot ti aldaw ket nalamiis ti rabii," patuloy na bulong sa aking tainga.

Malamig ang aking pakiramdam—para akong lumulutang sa tubig sa gitna ng dagat. Bumukas ang mga mata ko.

Madilim. Nothing but a pure stretch of darkness for miles.

Pakiramdam ko'y nabulag ako. There was this sudden loss and helplessness na hindi ko maunawaan. And, for a while, lumingon ako sa iba't ibang direksyon. Naglakad—pumarito't pumaroon. Hindi ko alam kung anong hinahanap ko, but I was sure hindi ako dapat ako nandito. It wasn't until nakita ko ang isang matandang babae...dressed in this ornate skirt with a complicated headdress. Saka lang pumanatag ang loob ko.

Hindi ko nauwaan ang emosyong biglang bumuhos sa akin. "Sino ho kayo?" tanong ko.

"Kailangan niyo kong sundan, kamahalan," sagot niya sa akin. Tumunog ang mga kuwintas na nakasabit sa buhok niya habang siya'y lumalapit. "Dahil nawawala na ang inyong kaluluwa." Ibinukas niya ang kanyang mga palad at inalok ito sa akin.

"Dali na, kamahalan," wika niyang paudyok. "Habang tumatagal, mas mahihirapan kayong makabalik."

Tinitigan ko siya. What was there to lose at this point, anyway? Kahit na ba medyo nalilito ako, tinanggap ko pa rin ang kanyang mga kamay. Mainit ang mga ito, at nang pumalibot sa mga daliri ko, may isang malakas na puwersang humila sa akin.

It was a jolt—similar to that sudden feeling of weightlessness 'pag papatulog ka na sa gabi.

Sa gulat ko, nagbukas ang aking mga mata. Kumakabog ang puso ko sa dibdib—to the point na pakiramdam ko sasabog ito.

I took a few deep breaths. In, out. Medyo literal na nagdilim ang paningin ko noong una...umiikot din nang 'onti. Thankfully, after a few seconds, naging klaro rin ito.

"Mayari! Uray Mayari!" sigaw ng isang malayong boses.

Iginalaw ko ang mga kamay ko, pero masyadong mabigat ang mga ito. Lalo na ang mga paa ko. Almost like nadaganan ako ng sasakyan—actually, mas tama 'ata kung bus.

"Mayari! Kamahalan! Naririnig niyo ba 'ko?"

Dinaig pa ang tambol ng pumipintig na sintido ko. Bakit ba may sigaw nang sigaw? Sino ba 'tong Mayari na 'to?

Napaubo ako. In that instant, unti-unting bumalik sa akin ang pakiramdam. Kasama na roon ang sakit.

Masakit.

Amoy usok.

Masakit ang pasok ng hangin sa baga ko. Sa bawat hinga, waring may mga patalim na kumakayod pababa ng lalamunan ko...at bumabaon sa bawat paglunok. It was the most uncomfortable thing I've felt so far.

Para akong nalulunod.

Litong-lito akong tumingin sa paligid. Ngayon ko nakita kung bakit mabigat ang pakiramdam ko—dahil naipit ako. May mga pira-pirasong piyesa ng sasakyan ang nakapatong sa 'kin. Naka-unan ako sa bubog. Yung iba hindi ko na mawari.

Ang alam ko lang...bes, masakit.

Noong sinabi kong para akong nadaganan ng sasakyan...shet. Talaga pa lang may sasakyang nakadagan sa 'kin.

"Tangina," bulong ko.

Sa aking paglingon sa dakong kaliwa ko, may mukha ng isang matandang babaeng duguan at walang malay. Kalahati ng katawan niya ay nakapatong sa 'kin...wari bang pinoprotektahan ako.

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon