Chapter 2.3 ❂ Mayari

203 41 3
                                    

Shet. Hindi ako makahinga.

As if to echo this thought, tumunog 'yung monitor sa tabi ko.

Nagulat pareho ang mga magulang ko. Ang nanay ko, in particular, napatakip ng bibig. Huminto silang pareho ng aking ama at hindi muna lumapit habang nag-asikaso ang mga nurse at doctor.

"Her SATs are dropping. Put her on oxygen," sabi ng doctor. "Your Highness, don't cry too much. Your lung's in bad shape."

"Kamahalan, 'pigilan niyo pong umiyak. Hindi pa maayos ang katawan ninyo," wika ng babae sa tabi ko.

Pinasuot nila ako ng cup-type na oxygen mask. Tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Ramdam ko ang pag-alsa ng dibdib ko habang pinipilit kong makahinga through the tears.

Humagulgol ang nanay ko habang lumalapit sa akin.

"Anak ko, salamat sa mga ninuno't hindi ka muna nila kinuha," bulong ng aking ina sa tainga ko sabay halik sa aking noo. "Bakit naman naging ganito? Bakit hinayaan ng Maylikha?"

At this point, umaagos na parang ilog ang luha ko.

Masakit ang tagiliran ko sanhi siguro ng isang injury, pero hindi ko mapigilang umiyak. At this point, I was feeling a littlelightheaded. At sanhi na rin siguro noon, may mga larawang biglang sumulpot sa utak ko. Mga alaala siguro—noong bata pa ako, hanggang sa paglaki. Pero habang pinapanood ko ang mga ito, I realized hindi ako ito, strictly speaking...kung hindi si Mayari—mga aalala ni Mayari.

Mayari. Mayari. Hindi Andreya.

Nakita ko sa mga memories na 'yun si Yumi. Iyakin man at sensitibo, siya ang pinakamasikap at masipag kong lingkod. Sumunod ang memorya ng masinsinang bilin sa 'kin ng aking ama tungkol sa isang kasal.

Kasal...kasal?

"Mayari, pasensiya ka na, anak."

Kaya lumuwas si Mayari galing hilaga at pumunta ng Maynila...kaya ako lumuwas...Well, crap.

Bumalik ako sa kasalukuyan nang maramdaman ko ang mahigpit ngunit magaang yakap ng aking ina sa 'kin. Sa amoy niya't init ay para akong nauuhaw na nakainom ng tubig. Mga hinanakit ko sa dibdib ng mga nakaraang taon...all the hurt, the anger, the sadness that I've tried to desperately bury...Wala. Bumaha lahat nang minsanan. Kung kanina lumuluha pa lang ako, ngayon humahagulgol na.

Mas lalo pang nag-alarm 'yung monitor sa tabi ko, kaya't minabuting lumayo ng aking ina. Akala niya ata naipit niya ako. Bago pa man siya lumayo, mahigpit kong hinila ang mga kamay niya.

"Tahan na, anak. Andito na si inang mo," bulong niya sa akin.

"Inang..." nangangaralgal na sagot ko.

Gusto kong sabihing sobrang humirap 'yung buhay ko nang mawala sila. How much I wanted to apologize that I'd taken their hard work for granted. Tapos pareho pa silang nawala all at once, leaving me all alone.

I was very frustrated. I suffered a lot, but somehow I couldn't bring myself to blame them for any of it. I couldn't say anything. I couldn't even get anything out because I was crying too hard.

While reliving all the sadness and grievances of those years na nawala sila sa akin...there was a wave of relief. Relief na nandito sila. They were here again.

They were here.

"Inang...Amang Hari, Inang Dayang..."

Naglaban ang mga alaala sa utak ko—mga alaala ni Mayari at mga alaala ko. Kumpleto ang recollection ko ng buhay ko bilang si Andreya, pero marami akong hindi maalala sa buhay ni Mayari.

Bakit ako ikakasal?

Higit sa lahat...kanino?

"Dayang Dayang! Nakakaalala na po ba kayo?" iyak ni Yumi.

Kumunot ang noo ng aking ama at saka siya tumingin sa doktor. "Nakakaalala? Anong ibig niyang sabihin?" tanong niya.

"Hindi po kasi makaalala ang kamahalan noong paggising niya, pero mukhang nakikilala naman po niya kayo," sagot ng nurse.

"No worries," simula ng dayuhang doktor. "We can expect she'll make a full recovery, albeit a slow one. There's a big chance she's just disoriented, and that's normal for patients with head trauma. However, we'll run some more tests just to make sure."

"Sige. Gawin niyo 'yan," sabi ng aking ama.

"Then we'll leave you to talk."

Umalis na silang tuluyan. Bago pa man lumisan ng kwarto ay yumuko silang muli nang malalim sa amin.

Ngayon alam ko na kung bakit ganun na lang ang pakikisundo nila sa 'kin. Bakit ganun na lang ang paggalang nila—pati ang pagtawag nila sa 'kin ng Dayang Dayang.

Prinsesa si Mayari.

Prinsesa ako.

Prinsesa ng Luzon, sakop ang Bicol, Ilocos, Panggasinan, at marami pang iba. Ito'y ang kabilang mundo, isang alternate universe na hindi nasakop ng Espanya ang Pilipinas. Na hindi Pilipinas ang pangalan ng bansa.

Silang.

Nasa Silang ako.

🩸 PAMPADUGO NG ILONG CORNER 🩸

(para sa mga nagsasabing obob sila pero hindi naman talaga. Stop saying "bobo ko" sis. 'Lam natin pareho it's the opposite 🙄 ).

Bago kayo malito at magtanong bakit nagre-refer ako sa Tagalog at Silangan (Filipino) in this book separately, please know that:

Filipino (national language) = in this book, Silangan.

Tagalog is still Tagalog.

Ang Filipino at Tagalog ay magkaiba.

Shock din ako nung una, mare. Imagine my face nung sinabi ng prof ko, "Sino marunong magtagalog dito?"

Me was like, duh girl?

Naturally bes, some peeps raised their hands. Until the prof said, "Talaga ba? Iba ang Filipino sa Tagalog."

And we were all 😱😱😱😨🤯🤯🤯.

So what's the difference?

Tagalog ang pinagbabasehan ng Filipino. Bitbit ng Filipino ang impluwensiyang Español, Ingles, pati na ng mga regional languages tulad ng Cebuano, Kapampangan, at Ilocano.

Kung gumagamit ka ng foreign borrowed words tulad ng driver o computer, pati locally borrowed words tulad ng manong o manang (Ilocano for oppa and unnie charot 😂), Filipino na ito't hindi Tagalog. Nagkakalituhan lamang dahil mutually intelligible (o nagkakaintindihan) ang dalawang lengguwaheng ito. Kasi nga like 60% ng Filipino ay Tagalog.

In linguistic terms, we can argue that isang dialect ang Filipino ng Tagalog. Hence the confusion. Pero, constitutionally, nire-recognize ito ng gobyerno bilang isang language.

At yes magkaiba rin ang dialect at language. Don't use them interchangeably, ha! Pero more on that later. 😘 Rest your brain na haha!

Ang librong ito, pati ang karamihang nababasa sa Wattpad, ay isinulat sa Filipino o "Filipinglish (lol)". Ang Florante't Laura pati Ibong Adarna ay ilang halimbawa ng Tagalog.

Don't worry. Mahina si manang niyo. 'Di ko kaya ganung level ni Balagtas. Dito pa nga lang sa Taglish dumugo na ilong ko. Char.

In case mali chararat ko sa taas or you would like to contribute, pakicorrect na lang sa comment section. Thank you!

Dumugo ba ilong niyo dito? That's a good sign. Damay damay tayo.

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon