Chapter 11

191 31 6
                                    

Jaydee's Pov:

Last day before our sem break, heto at nagkukulong na naman ako dito sa lab.. I'm - I'm trying to avoid her, I'm trying to distance my self, putting limitations was not easy.. I know i can't control myself kapag nasa harap ko na siya, kailangan ko pa ng konting oras para pigilan ang nararamdaman ko, kailangan ko pa ng oras para kahit magkasalubong ang landas namin ay kaya ko ng tumingin sa mga mata niya, kaya ko na ulit ngumiti sa harap niya.

"The fuck!!?" gulat kong sabi.

There is amanda kicking my chair, she's laughing so hard habang nakahawak sa tiyan niya. mag pinsan nga sila ni kielle, whatever! nalaman ko lang naman ang pangalan niya dahil sa eksena sa city hall.

"What are you doing here?" I coldly asked.

Hindi siya sumagot at dumeritso sa harap kung nasaan ang projector ng prof namin, ako lang ang nandito kaya payapa ang utak ko not until pumasok ang isang 'to! nasa ibang planeta ang classroom nito,bakit kaya umabot pa dito.

"How did you know my name?" pag iiba niya ng usapan.

nakapatong ang dalawang kamay niya sa lamesa, nasa gitna kase ako kaya kitang kita niya ang pagmumukha ko.

I just rolled my eyes at niligpit ang notebook at ballpen ko, i was about to put my bag at my back when she suddenly grabbed it and pulled me closer to her.

"What's your problem, amanda?!" inis na tanong ko, inayos ko ang damit at bag ko kaya bumitaw ito agad.

"I'm asking you, wag kang tumalikod" she warned me.

bumuntong hininga ako at tiningnan siya sa mata.

"I just heard your name," saad ko.

she crossed her arms at tinaasan ako ng kilay.

"Unfair naman kung alam mo ang pangalan ko tapos hindi ko alam yung sayo," she said and shrugged.

"right?" nagulat ako nang lumapit ito sa tenga ko at bumulong.

"y-yeah," sagot ko.

bumalik siya sa puwesto niya at ngumiti sakin.

"so?" she's waiting for me to say my name...

"a-ah I'm Jaydee," mabilis kong sabi at inayos ang sarili ko.

"Nice to finally meet you, jaydee." nilahad niya ang kamay niya.

tinanggap ko ito at nakipag kamay sa kaniya, nagmamadali akong umalis kaya inayos ko agad ang upuan at akmang aalis na...

"Hindi mo man lang ba ako tutulungan?" malapit na ako sa pinto nang muli itong magsalita.

napapikit nalang ako ng mariin at humarap ulit sa kaniya, bitbit niya ang projector. kaya pala nandito siya sa lab dahil sa projector, baka inutusan siyang kunin or kailangan lang talaga nila sa classroom.

naglakad ako palapit sa kaniya at kinuha ang projector, rinig ko ang yapak niya habang nakasunod sakin palabas ng lab.

"saan mo ba 'to dadalhin?" walang gana kong tanong.

"Sumunod ka nalang sakin," saad niya at naunang maglakad pababa papuntang 3rd floor.

"te-teka, wala ka bang kakilala dito na pwedeng sumabay sayo pababa?" naiilang kong tanong, bakit kase ako pa?

umiling lang ito at nagpatuloy sa paglalakad pababa, napabuntong hininga nalang ako at sumunod sa kaniya.

Napapatingin lang ako sa mga students na nakakasalubong ko, kung saan saan dumadako ang mata ko at baka mahagip ko ang taong iniiwasan ko.

TOGETHER AT THE SEAWhere stories live. Discover now