Chapter 8

39.5K 1.1K 234
                                    

ONE YEAR HAS passed Nuroi is still in the cell, hindi ko parin siya pinapalabas do'n. Hindi ko rin siya binibisita dahil nasasaktan ako na makita siyang naka kulong. Ngunit kailangan kong gawin 'to dahil para naman sa kapakanan nilang dalawa ni Faith.

Ibinaon ko ang katana na hawak ko sa leeg ng panghuli kong kalaban. Bumagsak naman siya sa sahig habang nangingisay pa. Naliligo narin ako ng dugo na galing sa mga pinatay ko.

I attacked the building where Atticus track our enemies. Nahanap niya ang lungga ng mga 'to na agad kong binisita.

I went out of the building and took one of my ciggarettes from my pocket and a lighter. Sinindihan ko 'to at humithit sa sigarilyo saka bumuga ng usok.

Pinapakalma ko ang sarili ko sa ginawa ko kanina. Wala akong tinira maski ang babaeng nasa front desk ay pinatay ko. I blew out smoke again until the cigarette I was smoking shrunk. I threw it on the pavement and got into my car.

I went home immediately at nakasalubong ko pa si Isaac sa living room. Gulat na gulat siya nang makita niya ang hitsura ko. Nilagpasan ko lang siya at tinungo ang selda ni Nuroi.

I saw Raizen standing outside the door and opened it for me. Pumasok ako sa madilim na selda at nakita si Nuroi na nakasalampak ng upo sa sahig.

Nakatitig siya sa' kin na may halong pag-alala nang makita niya ang mukha ko na punong-puno ng dugo.

Walang emosyon ko siyang tinignan. "I will let you out of here and allow you to return in Philippines but in one condition." I said.

Tumayo siya at lumapit sa rehas nang kulungan niya. "Ano 'yun?" Tanong niya sa' kin.

"Patayin mo muna ako, and you will be free." I said. Nakita ko sa mga mata niya ang pagdadalawang isip kaya nagsalita ulit ako.

"Kapag napatay mo ako, you can go back to the Philippines. But, if you lose, you will stay here in Russia and forget about Faith."

"Get ready tomorrow, sa field tayo maglalaban." Pagkasabi ko no'n ay agad akong umalis sa harap niya at naglakad papunta sa pinto. Narinig ko pa ang pagbukas ng kulungan ni Nuroi.

"What the fuck!" Sigaw ni Raizen. Mukang sinuntok 'to ni Nuroi. I walked out and went to my room to take a shower.

Nalinis ko na ang ibang nakakaalam kay Nuroi, Lucifier is still in the Philippines and watching over Faith.

I went under the shower and watched the water at my feet turn red because of the blood.

The next day, I was wearing black leather pants and a cotton fitted longsleeve. Pinahanda ko kay Kier sa isang table ang mga katana na gagamitin namin ni Nuroi sa laban.

Gusto ko siyang papiliin sa gagamitin niyang weapon laban sa' kin.

Inaasahan ko na hindi siya sisipot sa field ngunit mukang despirado talaga siya na patayin ako para makasama lang niya si Faith.

I sadly walked through the middle of the field without choosing a single weapon. Habang si Nuroi ay pinili ang isang maliit na katana.

Pinagmamasdan ko lang siya at hinihintay na makalapit sa harap ko.

Ito ba ang nagagawa ng love? Putanginang love 'yan.. Handang ipaglaban ng patayan ni Nuroi ang babaeng mahal niya. Ganun ba ang epekto ng pagmamahal?

Hinihintay ko lang siya makarating sa harap ko. Nakahanda na siyang umatake sa' kin gamit ang katanang hawak niya. Mabilis ko namang iniwasan ang mga atake niya.

I grabbed Nuroi's hand and quickly twisted it causing him to release the katana he was holding.

Mabilis ko siyang sinuntok sa dibdib. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa natumba 'to sa damuhan. Nilapitan ko agad siya at sinipa ang mukha niya dahilan para tumalsik ang dugo niya.

Assassin Series 3: Ruwi Cruz (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon