Chapter 42

41.3K 1.1K 111
                                    

BUSY KAMI NI Lucian namimili ng gamit para kay baby. Tinatamad nga sana akong lumabas kaso itong si Lucian ay sobrang excited mamili at excited daw itong mag decorate sa kwarto ni baby.

Isang buwan na din ang lumipas simula ng tumira kami sa Pilipinas. Nandito narin ang mga kasamahan ko, apat na blocks lang ang bahay ng mga 'to mula sa bahay namin ni Lucian.

Six months narin ang tyan ko kaya medyo nahihirapan ako lumabas dahil panay ihi ako, kulang na nga lang sa banyo ako tumira kaya madalas ayaw kong lumabas ng bahay.

Medyo nagiging ayos narin ang kalagayan ni Lucifier. Maayos ang naging theraphy niya at nakakalakad na siya ng kunti.

Pinipilit ko siyang sa bahay na namin muna ito tumira ngunit umayaw ito dahil gusto daw niya
ma-solo ang nurse niya. Muntanga lang, pilay na nga nakuha pang mangharot.

"Wife, anong gusto mo dito? This one or this one?" Lucian showed me the yellow bath towel with ducks printed on it, yung isa naman ay picachu ang print. Mas excited pa siya sakin at hindi mapakali sa bahay. Lagi kasing sunod-sunod ang order niya sa online ng mga gamit ni baby at sa ibang bansa pa ito nang gagaling. Maging ang ama ni Lucian ay pinupuno ang kwarto ng anak namin ni Lucian sa sobrang daming pinapadalang damit at gamit.

Tinuro ko ang duck dahil medyo mas cute kasi tignan. Akmang ibaba na sana ni Lucian ang picachu bath towel ng pigilan ko 'to. "Yan nalang dalawa ang bilhin mo, love." utos ko. Nakangiti naman siyang tumango.

Naglakad-lakad ako habang hawak ang tyan ko. Napansin ko na may batang babae na nasa labas ng store. Nakatingin siya sa display ng mga teddy bears.

Tinitigan ko ang mukha ng batang babae dahil familiar ang mukha niya. Palinga-linga ako sa paligid at hinahanap kong may kasama ba ang bata dahil mukang nasa three years old palang ito at baka nawawala sa magulang.

Masyadong familiar ang mukha niya halos mag ka hulma talaga, pilit ko hinahalukay ang isip ko hanggang sa nanalaki ang mata ko ng mapagtanto ko kong sino ang kamukha niya. "What the fuck!!" mahina kong sambit dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Lumabas ako ng store at nilapitan ang batang babae. "Hi, what's your name?" nakangiti kong tanong sa batang babae. Dahan-dahan naman siyang tumingin sakin at ngumiti.

"Amara po." sagot niya na medyo hindi malinaw ang pagkasabi.

Hinaplos ko ang buhok niya. "Mag-isa ka lang ba? Nasaan ang mommy mo?" tanong ko.

"Work po.. don po." sagot nito habang ang cute nitong daliri ay tinuturo kong saan ang mama niya.

Bumalik ulit ito sa pagtingin ng teddy bear. "Gusto mo ba yan?" tanong ko ulit sa batang babae. Kanina pa kasi niya pinagmamasdan ang teddy bear.

"Opo. Kasow po la po pewa si mama ko." cute niyang sabi. Napangiti ako at mahinang kinurot ang pisngi dahil sa ka cute'tan.

"Okay. Halika, bibilhin ko yan para sayo tas balik ka na doon sa Mommy mo ha!" ngumiti naman siya sakin.

Inabot ko ang kamay niya at naglakad papasok sa store. "Anong gusto mo dyan?" nakangiti kong tanong kay Amara.

"Ito pow.." sabay turo sa isang white teddy bear.  Kinuha ko naman yun agad. "Pili ka pa dali.." nakangiti kong sabi.

"Baka po maubot pewa niyo pow." natatawa akong kinurot ang pisngi niya. "It's okay, wala namang problema kong mauubos ang pera ko. Go, pumili ka pa." nagdadalawang isip siya pero pumili padin naman.

Nakapili pa siya ng isang teddy bear kinuha ko na din ang isang box na barbie saka pumunta ng counter. Kumuha nadin ako ng mga damit na sakto sakanya.

Binayaran ko ito at tinawag ang isang staff. "Pwede bang ihatid mo ang bata kong saan ang mommy niya nag tra'trabaho." utos ko.

Assassin Series 3: Ruwi Cruz (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now