Chapter 49

36.8K 1K 108
                                    

NAKARATING kami ni Lucian sa Pilipinas agad. Dumeritso kami sa pagmamay-aring ni Isaac na Isla. Dahil doon nila dinala ang mga anak ko.

Pagdating namin doon sa malaking bahay ay bumungad sakin ang maingay na boses ni Salem habang nakikipag talo kay Raizen at Lucifier.

Napabuga ako ng hangin ng makita ko kong anong pinag-aawayan nilang tatlo. Nagtutulukan ang mga ito mag linis ng diaper ng mga anak ko.

Ang sarap pag u'untogin. Nakamasid lang kami ni Lucian sakanila. Agad naman lumapit ang asawa ni Isaac at nag presentang siya na ang mag lilinis.

Agad ako humakbang at nagsalita. "Isusumpa ko kayong tatlo." sabi ko na ikina'lingon nila sakin.

Agad nag liwanag ang mukha ni Salem nang makita ako. "Hayst.. Thanks God, nandito na kayo." sabi niya sabay lapit sakin at akmang yayakap sakin ng mabilis na hinawakan ni Lucian ang kamay ni Salem at pinilipit iyon.

"Don't you dare touch my wife." sabi ni Lucian na madilim ang mukhang nakatingin kay Salem.

"Aray! Kingina..." reklamo ni Salem dahil pinipilipit ni Lucian ang daliri niya.

Agad ako lumapit kay Lucian at hinalikan ito sa pisngi. Lumambot naman agad ang mukha niya at binitawan ang daliri ni Salem sabay yakap sakin.

"Wengya! Apaka seloso mo boss Lucian. Nabali yata daliri ko." reklamo niyang sabi.

Agad ako lumapit kay Irish na nililinisan sila Alexios at Evreux. Ngumiti pa si Irish sakin ng makita ako.

"Hi." bati ko sakanya ng makalapit ako.

"Hello. I'm glad nagkita tayo ulit." naka ngiti niyang sagot sakin.

Ngumiti ako sakanya at sinilip ang mga anak ko sa crib dahil katatapos lang linisan ni Irish. Napangiti ako. Sawakas makakasama ko na ulit ang mga anak ko.

Naramdaman ko ang pag yakap ni Lucian sa likod ko. "I love you my wife." bulong niya sakin.

Nakangiti naman nakatingin samin ang kambal at iginagalaw ng mga ito ang kanilang kamay habang ang mga paa naman nila ay pumapadyak.

Nakuha nila ang kulay ng mata ni Lucian na amber. Napakagandang tignan ng kanilang mata.

Agad ko binuhat si Alexios. Si Lucian naman ay kinuha si Evre. Napangiti kaming dalawa ni Lucian at pinagdikit ang nuo namin habang buhat-buhat namin ang mga anak namin.

Naglakad kami papunta sa couch kung nasaan ang mga kasama namin.

"Sawakas.. hindi na ako mapupuyat." sabi ni Lucifier habang nakapikit ang mga mata nito.

Inirapan ko naman siya dahil sa narinig ko ito. "Hayaan mo.. mapupuyat ka din sa susunod kapag nagka anak ka." sabi ko sakanya. Agad naman ito nag mulat ng tingin at tumingin sakin.

"No, thanks. Mag pa-pari ako." sabi niya sabay wasiwas pa sa kamay nito sa ire.

"Baka sa labas palang ng simabahan sunog ka na." sambit ni Raizen na ikinatawa ko.

"Inggit kalang sa pangalan ko eh.." sagot naman ni Lucifier.

Napadako ang tingin ko kay Salem. Nakatulala kasi ito na parang may iniisip.

Naalala ko tuloy ang nalaman ko dati. Hindi ko alam kung alam na ba niya. Napangiti ako nang may pumasok sa isip ko. Ano kaya magiging reaction ng gagong to kapag natuklasan niya.

Kami lang kasi dalawa ni Lucian ang nakaka alam. Mas pinili namin wag maki alam dahil baka may dahilan ang babae. Kaya ayaw naming pangunahan.

Agad napadako ang tingin ko sa bagong dating na si Eros at Kier. Ngumiti sakin si Kier at agad na lumapit sakin. "Ate Ruwi." tawag niya sakin.

Assassin Series 3: Ruwi Cruz (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now