Chapter 3

434 11 0
                                    

Author's Note : Sorry for the grammatical errors. Enjoy reading!

Chapter 3

Malakas na tugtog at sigawan ang naririnig sa loob ng isang bar. Kampanteng naka-upo lang ang binata sa pabilog na sofa at hawak nito ang isang baso ng tequila habang ang mga mata nito ay nakapikit dahil sa sakit ng ulo.

"Are you okay?" tanong ng isang babae na nasa harapan niya. Dahan-dahan naman sya tumango saka tinignan ito. Nang mamuka-an ay  ngumiti lang sya.

"You want to join? Nandun din sina Elliot sumasayaw." nakangiting alok ni Xandra habang nakalahad ang kamay nito. Lugod naman tinaggap ni Yevhen ang alok nito saka kinuha ang kamay ng dalaga para pumunta sa stage floor para sumayaw. Maya-maya ay lumakad ang binata papunta sa bartender para um-order ng tequila. Ilang segundo ay binigay na ng bartender ang order nito sa binata na agad naman iyon tinaggap at inubos agad. Ngumiwi nalang ito dahil uminit ang sikmura nito sa alak.

Ngumiti naman siya sa kawalan saka isinubsob ang mukha nito sa lamesa at ipinikit ang mga mata. Naalala naman ng binata kung bakit pala siya nandun sa loob ng bar at naglasing.

Kadarating lang ng binata sa loob ng mansion at nakasalubong naman nya ang stepmother niya.

"Okay ka lang ba?" tanong nito sa kanya. As usual ay hindi niya ito pinansin at masama lang siya nakatingin. Tumawa naman ang matandang babae dahil sa itsura ng binata.

"Hanggang ngayon ay galit ka pa sa'kin." aniya.

"So?" walang ganang usal ng binata habang nakapamulsa ito at diretsong nakatingin sa kausap. "What do you want?" tanong ng binata. Nagsalin naman ng wine ang matandang babae saka lumapit sa binata at may ibinulong.

Ipinilig naman niya sariling ulo para kalimutan ang sinabi ng stepmom sa kaniya.

"Yevhen!"

Bumalik naman sa ulirat ang binata nang marinig niya na may tumatawag sa kanya. Agad ito bumaling sa kaliwa at nakita niya si Elliot, kumunot naman ang noo ni Yevhen dahil sa itsura ng kaibigan nito. Gusot ang Black T-shirt nito at magulo ang buhok. "Where have you been?" tanong ni Yevhen sa kaibigan nang maka-upo sa tabi nito."D'yan lang sa tabi-tabi." sagot ni Elliot saka tinawag ang bartender para um-order ng maiinom. Napangiwi naman ang binata dahil kilala n'ya ang kaibigan, mahilig ito makipaglaro sa mga babaeng interesado sa kaibigan niya. "Nakipag-sex ka na naman?" tanong niya, napasapo nalang ito sa noo dahil sa lumabas sa sariling bibig niya kahit alam na niya ang sagot.

'Idiot.'

"May humablot sa'kin, e." nakangising usal ni Elliot at kinuha ang isang bote ng whiskey na in-order saka pumunta ulit sa stage floor para sumayaw.

Naiwan naman mag-isa si Yevhen doon kaya um-order ulit siya ng tequila. Ilang oras na ang nakalipas ay nandon pa'rin ito, mag isa nalang dahil nauna nang umuwi ang mga kaibigan niya. Habang naka-upo ay napatitig naman siya sa isang babae na nasa pintuan na masama ang tingin sa mga bantay.

"Sabi na'ng bawal ka dito at wala ka rin I.D!" sabi ng isang bantay.

"Ser, kailangan kong pumasok. Nandyan sa loob ang mga kaibigan ko!" pagpupumilit ng dalaga sa kanila. Naningkit naman ang mga mata ni Yevhen dahil sa boses ng dalaga kaya agad naman tumayo si ito kahit hindi na maayos ang paglalakad at ininom ang hawak nito'ng tequila saka lumapit sa isang bantay na itutulak na ang dalaga palayo.

'Ano kaya ang problema ng mga 'to?'

"Hey!"

Agad na lumingon sa pwesto niya ang tatlo. Agad naman nito hinawakan ang kamay ng dalaga papalapit sa kanya saka inakbayan. "May problema ba kayo sa girlfriend ko?" tanong niya at sinadyang idiin ang salitang girlfriend. Nagulat naman ang tatlo dahil sa sinabi niya, agad naman humingi ng pasensya ang dalawa sa kanya.

"Pasensya na, ser. Hindi namin alam na syota nyo siya." usal ng bantay.

"Ngayon alam niyo na!" asik ng binata sa dalawa dahil na rin sa kalasingan nito. Bumalik naman sa loob ang binata at dahil naka-akbay ang braso nito sa dalaga na walang magawa kundi sumunod nalang.

Nang makalapit sila sa pabilog na sofa ay unang umupo ang binata at walang imik na napa-upo nalang ang dalaga sa tabi nito.

Tinignan naman ni Yevhen ang dalaga na naka-upo katabi niya, inilapit naman niya mukha niya sa tenga ng dalaga saka hinalikan iyon. Napansin naman niya na nagulat ang dalaga sa ginawa niya kaya agad siya nito tinignan ng masama. Napangiti nalang siya saka nagsalita.

"Tsk! Anong problema mo?" inis na tanong nito sa binata. Hindi naman sumagot ang binata.

"May i know your name, beautiful?" wala sa sariling tanong niya habang ang kamay niya ay nilalaro ang dulo ng mahabang itim na buhok ng dalaga. "I don't talk to strangers." malamig na tugon ng dalaga saka tumayo para lumayo sa binata. Napasinghap naman ang dalaga ng napa-upo ito sa kandungan ng binata dahil sa paghila sa kanya nito. Masama naman niya itong tinignan pero nakangiti lang ng nakakaloko ang binata.

"Then I'll call you... Beautiful."

Napatitig naman sila sa isa't-isa, may nararamdaman si Yevhen na hindi niya malaman habang ang mga titig niya ay bumaba sa mga labi ng dalaga.  May nag-uudyot na halikan niya ito kaya malumanay na hinawakan niya ang pisnge ng dalaga na nakatitig lang sa kanya.

'Damn! I want to kiss her...'

Naramdaman niyang kumuyom ang mga kamay ng dalaga na nakapatong sa magkabilang balikat niya nang unti-unti itong inilapit ang mukha sa mukha ng dalaga para halikan. Para naman itong nakaramdam ng pagkasabik nang dumampi ang mga labi nila. Madiin at banayad ang paulit-ulit pag-angkin nito sa labi ng dalaga, gamit ang isang kamay mahigpit niya itong niyakap sa bewang, at ang isang kamay naman ay nakahawak sa batok ng dalaga para pa-ilalimin ang halik. Wala naman itong pakialam kung panoorin sila ng mga tao na nand'un sa loob ng bar.

Napadaing naman ang dalaga nang kagatin ni Yevhen ang pang-ibabang labi niya. Nalasahan naman niya ang alak mula sa labi nito, hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa nangingibabaw na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Idinilat naman niya ang mga mata saka ganun nalang ang gulat niya ng magtagpo ang mga titig ng binata, may kung anong emosiyon ang nakita niya sa mga mata nito.

Unang humiwalay ang binata, malalim ang paghinga niya at ramdam niya ang tibok ng puso niya. Mabilis.

Mabilis pa sa alas-kwatro na tumayo ang dalaga mula sa pagkakaupo sa kandungan ng binata. Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha niya saka tumakbo papunta sa girls comfort room at tinignan ang sarili sa salamin. "Tangina! Anong ginagawa mo?" nanggigigil na bulong nito sa sarili saka malakas na sinampal ang sariling pisnge.

'A-Aray...'

Nang matapos ay lumabas na siya at natuwa naman siya nang makita niya ang mga kaibigan niya.

Naka-upo pa 'rin ang binata habang nakapikit ang mga mata nito at nakasandal ang likod  sa sofa. Inaalala ang magandang mukha ng babaeng kahalikan niya kanina at wala sa sariling napangiti. Hinawakan naman niya ang sariling labi gamit ang daliri.

'She's beautiful... I like her lips. I want to kiss her more.'

Natawa naman siya sa inisip niya, nang mahimasmasan ay dahan-dahan siyang tumayo saka naglakad palabas ng bar at lumapit sa kotseng ipinarada niya sa di-kalayuan.

Akma siyang sasakay nang marinig ang pamilyar na boses kaya agad siya itong bumaling at nakita niya ang dalaga na may ka-akbay na babae.

"Hey! Nashan... Na tayo?" tanong ng kaibigan nito at hindi ayos ang paglalakad dahil sa sobrang kalasingan.

"Ano ba! Wag ka ngang malikot!" inis na singhal naman nito. Pinanood lamang ng binata ang mga ito hanggang makasakay at umalis sa lugar na iyon. Tinignan naman niya ang relos saka nagmadaling sumakay sa sasakyan at binuhay ang makina saka umalis sa parking lot.

Alas-tres na nang madaling araw nakauwi ang binata at dire-diretsong umakyat saka pumasok sa sariling kwarto. Inihiga naman niya ang pagod na katawan sa kama hanggang sa makatulog na ito.

Author's Note : Grabe! Napuyat ako sa chapter na'to. By the way nag-enjoy ba kayo sa pasko kahapon? Pasensiya na ulit sa mga typos ko.

- Paki-like nalang tsaka i recommend niyo sa iba, joke lang hehe. I-like nalang ☺

Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)On viuen les histories. Descobreix ara