Chapter 11

243 4 1
                                    

Author's Note: Sorry for the grammatical errors at typos ko dahil masakit ang ulo ko habang sinusulat ko ang chapter na 'to. Btw enjoy reading!

Chapter 11

Tunog ng buhos ng ulan ang nagpagising sa binata kaya nakapikit na kinuha niya ang cellphone sa gilid ng unan niya at tinignan ang oras. "I hate this goddamn rain..."

Dahan-dahan naman siya tumayo at lumapit sa nakabukas nitong sliding door dahil pumapasok ang ulan sa balkonahe sa kwarto niya. Bumalik nalang ito sa higaan at pilit na bumalik sa pagkakatulog nito kahit ipinikit na nito ang mga mata.

Tumayo nalang siya at lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig na maiinom. Nagulat naman ito nang makita ang dalaga, ganun din si Larissa para mabuga nito ang ininom na tubig.

"Susmaryosep! Bakit ba nanggugulat ka?" inis na bulong nito sa binata, habang pinupunasan ang bibig nito. Dumiretso naman si Yevhen sa ref at kinuha ang isang pitsel. "Bakit hindi ka pa bumabalik sa kwarto mo?" tanong nito sa dalaga.

Tumikhim muna si Larissa bago sumagot.

"Hindi kasi ako makatulog." tumango ang binata. Sumandal naman ito sa lamesa at pinaki-titigan ang buong katawan ng dalaga. Doon niya lang napansin ang hubog nitong katawan, dahil na rin sa suot nitong t-shirt.

Dumako naman ang tingin niya sa mga labi nito, sa mga mata nitong kulay tanso. Ngayon niya lang ito namasdan ng maayos, kahit naka-dim lang ang ilaw sa kusina.

"Woy!"

Bumalik naman sa ulirat ang binata nang marinig nito ang boses ng dalaga. "W-What?"

"Ba't ngumingiti ka diyan? Para kang sira." sambit ng dalaga para umiwas ng tingin ang binata rito. Binaling nalang ang tingin nito sa labas ng bintana. Mula sa peripheral vision nito ay kita niyang binabanlawan nito ang ginamit na baso.

"Bakit mo pa hinuhugasan?" takang tanong nito kay Larissa, lumingon naman ito sa kaniya. "Bakit, bawal ba?" halatang nalilito sa tanong niya.

"I mean, huhugasan naman n'yan mamaya ng ibang kasambahay." aniya. Ngumiwi naman si Larissa sa sinabi niya. "Mas mabuti kung huhugasan ko nalang yung mga ginamit kong baso kesa tambakin diyan sa gilid." sambit ni Larissa bago siya nito lampasan.

"Babalik na ako sa kwarto." dagdag nito saka umalis na sa kusina para maiwan naman ang binata. Lumakad naman siya pabalik sa kwarto niya at pinilit na bumalik sa pagkakatulog.

¤¤¤¤

"Larissa, gising na ba si Yevhen?" tanong ni Selim kay Larissa nang makita ito sa sala nila, agad namang umiling ang dalaga.

"Gisingin ko ba?" tanong naman ni Larissa. "Yes, please." tugon nito habang nakatingin ito sa cellphone. Agad naman pumunta ang dalaga sa loob para gisingin ang natutulog na si Yevhen.

Tumigil naman sa tapat ng kwarto ang dalaga saka kumatok ng tatlong beses. Bumukas naman ito at lumabas doon ang bagong gising na binata.

"What?" tanong nito habang nagpupungas ng mata. Halatang hindi agad nakatulog kanina.

"Pinapapunta ka ng kuya mo sa baba." tugon ni Larissa. Tumango naman ang binata saka sinenyasan na susunod nalang ito, agad naman umalis si Larissa saka dumiretso sa kusina para tulungan si Manang Josefine sa pag-ayos ng hapag-kainan.

"Hindi ka pa ba mag-aayos para sa pasok mo ngayon?" tanong sa kaniya ng matanda. Ngumiti naman siya sa ginang. "Mamaya pa pong hapon yung pasok ko." sagot nito.

Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora