Chapter 6

323 7 0
                                    


Chapter 6

Naalipungatan naman ang binata dahil sa ingay na nagmumula sa loob ng banyo kaya dahan-dahan naman siya'ng tumayo para tignan ang loob. Nakita naman niya ang dalaga na naglilinis kaya tumikhim siya.

"Alam mo naman may natutulog dito'ng tao, ang ingay-ingay mo." inis na saad ni Yevhen kaya natigilan naman ang dalaga sa ginagawa at agad na bumaling sa kaniya. Pinagmasdan naman niya ito mula ulo hanggang paa. Nagsalubong naman ang kilay nito dahil pamilyar sa kaniya ang dalaga.

"Ikaw 'yung babaeng nasa court last week?" takang tanong niya. Humakbang naman siya pa-abante para napaatras ang dalaga.

"H-Ha?"

Tumigil naman sa paghakbang ang binata at walang pasabing binuksan ang shower para mabasa ang dalaga.

"TANGINA?!" napangisi naman si Yevhen nang makita ang gulat sa mukha ng dalaga at nanlalaking nakatingin sa kaniya.

'She's mad.'

"Ano bang problema mo?!" bulyaw nito sa kaniya para mawala ang pakangisi sa labi niya saka seryosong nakatitig sa mga mata ng dalaga. "Simple lang, I. WANT. YOU. TO. GET. OUT. OF. HERE. NOW." seryosong saad ni Yevhen dahil alam niyang personal maid niya ito at ang tatay naman niya ang may pakanan.

Napahilamos naman sa mukha ang dalaga saka humakbang papalabas ng banyo kaya lumabas naman ang binata habang nakatingin pa rin dito. Tinignan naman siya nito ng masama kaya tinuro niya ang pintuan papalabas ng kwarto niya. "Leave. Now!"

Bago pa man tumalikod ang dalaga ay malakas naman siya nito sinipa sa binti para agad niya itong hinawakan ang binting sinipa ng dalaga na papalabas ng kwarto niya.

"Ginagalit mo talaga ako?!" asik niya kaya muli siyang nilingon nito na nakangiti para inisin siya. "Kung ang ibang maid mo napapa-alis mo agad, p'wes ako hindi. At sinasabi ko sa'yo pwede kitang tadyakan diyan." saad nito sa kaniya bago isarado ang pintuan niya. Nagsisigaw naman siya dahil sa sakit kahit hinimas-himas na niya ang binti niya.

'What the hell? Tadyakan? That damn woman!'

Hinubad nalang niya ang suot niyang itim na sando at inihagis sa kung saan saka pumasok sa banyo para maligo. Mamaya na lang niya kakausapin ang ama niya sa paghired ng maid nito sa kanya. Ilang minuto lang ay lumabas na ito ng banyo ng nakatwalya lang kaya agad siya kumuha ng isang black slack na pinaresan ng nude color long sleeve na hanggang siko. Nang matapos ay bumaba na siya at dumiretso sa hapag-kainan para kumain.

"Yevhen!"

Lumingon naman ito nang may tumawag sa pangalan niya at ngumiti nang makita niya ito. "Good morning!" nakangiting bati ni Xandra sa kaniya.

"Good morning, what are you doing here?" tanong ni Yevhen saka kumuha ng isang basong tubig at ininom. "Hindi ko pa pala nasasabi sa'yo." taka naman niya ito tinignan.

"About what?"

"Today's my mother birthday and she want you to go there!" nakangiting turan ni Xandra habang nakapulupot naman ang braso sa braso ng binata.

Lumingon naman ang binata sa kaliwa niya nang makitang umupo ang ama niya. "Günaydın güzel genç bayan." nakangiting bati nito kay Xandra. Tumango naman ito sa matanda at nagpaalam para umalis muna sa hapag-kainan.

*Good morning there lovely young lady.

"Have you met your new personal maid?" napatigil naman sa pagsubo ang binata at tinignan ang kapatid nitong prenteng naka-upo sa kabilang bahagi ng lamesa.

"What?" naguguluhan siyang nakatitig dito. "Don't be mad at dad, Im the one who hired Larissa." tugon nito sa kanya saka sumimsim ng tubig sa hawak nitong baso. Bumuntong-hininga nalang si Yevhen dahil sa sagot ng kapatid niya sa kaniya. Ikinuyom naman niya ang dalawang palad niya dahil sa inis kaya hindi nalang niya tinapos ang pagkain saka umalis sa hapag-kainan at pumunta sa living room kung nasaan naghihintay sa kaniya si Xandra.

Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)Where stories live. Discover now