Chapter 9

247 6 0
                                    

Chapter 9

A/N: Pagpasensyahan niyo na ang mga grammatical errors at typos ko, lutang ako sa part na 'to HAHAHA. Btw enjoy sa pagbabasa!

Kanina pa naglilibot sa loob ng convenient store ang dalaga habang tulak-tulak ang cart. Dahil siya ang inutusan ng ginang.

"Saan ba yun?" tanong niya sa sarili niya. Palinga-linga sa dinadaanan niya, hindi naman niya namalayang nakabunggo na siya ng cart. "The heck?!" sigaw ng isang lalaki.

"Sorry! Sorry!" Agad na lumapit si Larissa rito para humingi ng paumanhin. Kinakabahan naman siya dahil masama itong nakatingin sa kaniya. "Next time, miss tumingin ka sa dinaraanan mo para hindi ka makabunggo ng iba." anito. Nahihiyang tumango naman ang dalaga, tinignan niya lang na umalis ang lalaki kaya nakahinga siya ng maluwag dahil walang tao sa paligid niya.

Tinulak naman niya ang cart saka lumiko papunta sa meat section.

Matapos na siyang magbayad sa cashier ay natigilan naman siya sa entrance ng tindahan dahil sa lakas ng ulan. "Pano ako niyan uuwi? Wala pa naman ako dalang payong." inis naman siyang sumilong sa waiting shed, habang nakatingin lang siya sa langit ay may bumusina sa kaniya para agad niya itong nilingon.

"Need a ride?" pag-aanyaya nito sa kaniya. "Ikaw yung lalaking nabunggo ko?" tanong ni Larissa para mapakamot sa noo ang lalaki. Naiilang naman itong ngumiti.

"Ihatid nalang kita sa inyo!" sambit nito, agad na umiling ang dalaga saka nahihiyang nagsalita.

"Huwag na, nakakahiya sa'yo. Maghihintay nalang ako ng masasakyan." ani Larissa, hindi rin niya kilala ang lalaki kaya ayaw niyang sumakay sa kotse nito.

"May bitbit kang karne, baka masira pa 'yan. Don't worry wala akong masamang intensyon sa'yo, gusto lang kitang tulungan."

Bumuntong-hininga nalang siya dahil totoo ngang may dala siyang karne at baka masira pa ito, kaya tumango nalang siya bilang pagsang-ayon. Ilang minuto ay nasa harap na sila ng isang mansyon.

"Salamat pala!" pasasalamat ni Larissa nang makababa na sila sa kotse. "Are you sure na dito ka nakatira?" napakunot-noo naman siya  sa sinabi ng lalaki.

"Hindi! Nagta-trabaho lang ako dito, punta na ako sa loob. Ingat!" hindi naman niya agad ito hinintay magsalita at agad na pumasok sa gate saka dali-daling pumunta sa kusina. Naabutan naman niya ang binata na umiinom ng tubig.

"Hi! Hehe!" iyon lang ang nasabi niya kaya pinagtaasan naman siya ng kilay ng binata.

"You look like an idiot." ani Yevhen, saka kinuha ang plastic na bitbit ng dalaga at inilagay sa ref ang mga pinamili nito. Napansin naman niya na wala si manang josefine kaya magtatanong na sana siya nang magsalita ulit si Yevhen. "Wala dito si manang, pinasama ni dad sa lakad nila kaya tayo lang ang nandito." anito.

Tumango naman ang dalaga. "Eh, yung ibang maid?" tanong nito sa binata. "Nagpapahinga, wala namang ibang trabaho dito." walang ganang sagot naman ng binata. Napangiti naman si Larissa dahil maayos na siyang kinakausap ng binata kahit masama ang ugali nito.

"WHAT THE HELL!?"

Gulat namang napalingon ang dalawa nang may sumigaw at agad na lumapit ang dalaga rito. "Hoy! Trespassing ka!" singhal ni Larissa habang nakahawak sa braso nito at hinihila palabas ng kusina. Hirap naman siyang lumingon rito dahil sa pagpupumiglas, bumaling naman siya sa binata. "He's my friend." tugon nito para agad na bitawan ni Larissa ang braso ng katabi.

"What are you doing here?" tanong ni Yevhen sa kaharap.

"I texted you since last week but you didn't text back, so i came here." kibit-balikat itong sumagot saka nakangiting bumaling sa dalaga.

Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)Where stories live. Discover now