Not all battles
are needed
to be fought.
For your own peace,
be wise
in choosing
your battles./9/ A Fateful Night
[GOLDA'S POV]
BAGO pa tuluyang pumutok ang ugat ko sa noo dahil sa stress, ako na ang lumabas para magtapon ng naipong basura sa kitchen. Paglabas ko sa likuran ay nangingibabaw pa rin ang ingay ng mga customers.
"'Di bale, biyaya 'to, biyaya," bulong ko na lang sa sarili ko habang hinihiwalay-hiwalay ko 'yung mga basurang nabubulok sa hindi nabubulok.
Maya-maya pa ay narinig ko bigla ang boses ni Mima sa mikropono kaya mas lalo akong na-stress. Sabi ko nandito kami para tumulong sa resto hindi para magpasarap!
"Humanda nga sa'kin 'yon." Papasok na ulit ako sa loob nang matigilan ako bigla dahil may umilaw bigla sa direksyon ko. Anak ng—
Namatay din ang ilaw ng sasakyan at sunod kong nakita ang isang pandak na babae ang naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. Kahit na nasa buhanginan ay talagang todo high heels pa rin ang suot niya't kumpleto ang burloloy na mga alahas.
"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito, Vice-Mayor?" Ako na ang unang bumati sa babaeng bagong dating. Lumabas din ang dalawa niyang bodyguards na dambuhala ang laki. Na-miss ko rin tuloy ang tatlo kong alipores.
"Good evening, Chairwoman Golda," bati nito sabay tanggal sa salamin. "Huwag kang magpapakalat ng fake news dahil hindi masama kundi presko ang hangin dito sa isla ng Damgo."
Humalukipkip ako. Ano na naman kayang trip nitong babaeng 'to sa'kin? At talagang sinadya niya ako rito ha.
Kunwari'y tumingin ako sa braso ko kahit wala naman akong suot na relos. "Uhm, kung hindi mo alam, Vice-Mayor, tapos na ang oras ng trabaho ko sa barangay."
"Sinadya kita rito hindi dahil bilang Kapitana ka ng Barangay Maligaya," mataray nitong saad sabay sumulay ang kakaibang ngiti sa labi. Parang pumitik na naman 'yung ugat ko.
"Kung gano'n wala ka bang common sense na hindi ito ang tamang entrance ng restobar ko?" pinamewangan ko siya, wala na akong pakialam kung sinong poncio pilato 'tong kaharap ko.
Humalukipkip din ang babaita at humakbang ng isa palapit sa'kin. "It's just happens na naamoy ko ang basura kaya alam kong dito kita matatagpuan, Golda."
Binigyan ko siya ng ngiting-aso at hindi ko naman siya inurungan. "Pasalamat ka, hindi ako pumapatol sa pandak." Sinadya ko siyang tingnan na parang napakaliit niya.
Halos malukot ang mukha niya dahil mukhang insecure nga ang babaeng 'to sa kinulang niyang height kaya hindi na siya bumanat pa. Ang akala ko tuluyan na siyang aatras pero hindi ko napaghandaan ang sumunod niyang sinabi.
"Huwag kang masyadong pakampante, Golda, kung inaakala mong may tyansa kang maging mayor sa susunod na election, pwes, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa'yo na lumayas ka na sa islang 'to."
BINABASA MO ANG
Where Dead Dreams Go
AdventureStruggling with depression and a stalled career, Molly, a once-promising writer stumbles upon a mysterious file titled 'Where Dead Dreams Go'. On a whim, she follows its lead to Damgo Island where she meets Golda, a quirky chairwoman and a cancer su...