Previously: Kaagad ding nahanap si Molly at noong madaling araw ay nakapag-usap sila ni Golda, hindi na maiwasan ng huli na ibahagi ang kanyang nakaraan at kung paano siya biniyayaan ng himala ng Maykapal. Subalit nanatili pa ring may pagdududa ang puso ni Molly na ngayon ay malalaman natin kung ano ang kanyang magiging susunod na hakbang.
We need to face the past in order to move forward.
But we need to let go in order to live forward.
Chapter 13: Stop Living for the Dead
[MOLLY'S POV]
YOU know that life's not done with you yet when you found yourself waking up the next morning, strangely—you just felt lighter even though you knew that you're not okay.
Hindi ko alam kung pampalubag loob ba ito o sadyang random lang ang mood ko. May mga bihirang pagkakataon kasi katulad nito na tila may humele sa pagtulog mo at nagising kang may kapayapaan na hindi mo alam kung saan galing.
Maybe . . . it's from God?
I don't know. I don't want to assume. Maybe it's a science thing, because of the medicines I've been taking? Baka kaya napasarap ang tulog ko.
Pero kung napasarap 'yung tulog ko, bakit nagising pa rin ako ng maaga kahit na mag-aalas kwatro na kong bumalik kanina sa kwarto ko? Bakit kahit halos dalawang oras lang ang muli kong tinulog ay parang napuno ulit ng enerhiya ang katawan ko? Where's this coming from?
Ayoko na lang mag-overthink pa. Siguro magpapasalamat na lang ako na may lakas pa pala ako para magising at bumangon—kahit na hindi ko na alam minsan kung para saan at para kanino ako bumabangon.
Kusang gumalaw ang katawan ko at natagpuan ko na lang 'yung sarili ko na bumaba pero wala akong nadatnan na tao. Wala sina Golda at Mima, at wala rin si Blake sa labas. Pag tingin ko sa dining table sa kusina ay nakita ko roon ang isang plato ng pritong itlog at bacon, mayroon ding isang bowl ng sinangag.
Pagkalapit ko roon ay saka ko nakita ang note mula kay Mima. Sis Molly girl! Kain ka na! Nauna na kami ni Kapitana sa barangay. Good morning! <3
I gratefully dig in. Sa pagitan ng pagkain ko'y humihinto ako't tumatanaw sa bintana para huminga nang malalim. At least, I'm here with good people. Good people? Ulit ko sa isip ko dahil naalala ko 'yung mga pinag-usapan namin ni Golda kaninang madaling araw. Hindi nga pala panaginip 'yon at totoo ang mga narinig ko sa kanya, she experienced a miracle in this island . . . perhaps . . .
Hindi ko maiwasang umasa na baka sakaling matagpuan ko rin ang akin.
Kahit na hindi ko alam kung paano.
Minsan maraming nangyayari sa buhay natin na sa sobrang komplikado ay humihiling na lang tayo ng himala. Kailangan ko nga ba ng himala? Kung ikukumpara sa iba ang problema ko, kung tutuusin ay parang napakaliit at mababaw lang ang pinagdadaanan ko kaysa sa iba na may malubhang karamdaman, baon sa utang, mga ulilang lubos, mga biktima ng karahasan, at marami pang iba.
BINABASA MO ANG
Where Dead Dreams Go
AdventureStruggling with depression and a stalled career, Molly, a once-promising writer stumbles upon a mysterious file titled 'Where Dead Dreams Go'. On a whim, she follows its lead to Damgo Island where she meets Golda, a quirky chairwoman and a cancer su...