"Friendship isn't about whom you have known the longest ...It's about who came, and never left your side."
Chapter 20: Agape
[Golda's POV]
"PAANO n'yo po nasabing fake news lang ang tungkol sa relasyon n'yo ni Pastor Theo, malinaw na malinaw po 'yung picture n'yo sa motel?" tanong ng isang sibilyan habang nagkikislapan ang mga hawak na camera at cellphone ng mga tao sa paligid.
"Isang malaking set up lang ang lahat para siraan ako ng mga nate-threat-en sa'kin sa politika," kalmado kong sagot pero umugong ang bulungan.
Hindi ako nag-atubiling tumanggap ng mga tao sa barangay para sagutin ang mga katungan nila tungkol sa issue. Iyon naman talaga ang agenda ko, ang humarap ng walang hiya dahil alam ko na wala akong ginagawang mali.
"Ang tigas din ng mukha n'yo, Kapitana, bibilugin mo pa ang mga utak namin eh huling-huli na kayo ng kalaguyo mo!" biglang may sumigaw mula sa likuran at sunod-sunod na nagsi-sang-ayunan ang mga punyeta.
"Boo! Ayaw namin ng lider na naninira ng pamilya ng iba!"
"Magresign ka na!"
"Magreresign na 'yan!"
Napabuntong-hininga ako. Mukhang kahit anong sabihin ko sa kanila ay hindi na sila maniniwala sa'kin. Sumenyas ako sa mga tanod at pwersahan nilang pinalabas ang mga tao sa opisina ko.
Napahilot na lang ako ng sentido dahil parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko.
"I told you it's useless to explain yourself," boses 'yon ni Blake, nakita ko siyang nakasandal sa pader 'di kalayuan at nakahalukipkip.
"Bakit nandito ka pa rin? Bakit hindi ka pa sumama kina Theo at Molly pabalik ng Maynila?" wala na talaga akong energy dahil pakiwari ko'y hinang-hina ko 'yong sinabi.
"Last night, I wasn't able to confess my true feelings." Humakbang siya palapit sa kinauupuan ko. "I know you already rejected me before because you think I'm too young—"
"Hindi ko talaga bet pumatol sa mga bata," putol ko sa kanya. "At sorry, kahit gwapo at mayaman ka wala talaga akong gusto sa'yo, Blake."
Tumawa siya. "Ouch, that kinda hurts." Muli siyang sumeryoso. "But I'll admit this to you now, Golda. I never stopped liking you."
"Blake naman, huwag ka munang dumagdag—"
"Even though I dated a lot of girls in college and med school, ikaw pa rin ang nasa isip ko. I know, it sounded pathetic. Alam ko rin na wala akong chance sa'yo, natanggap ko 'yon nang mabalitaan kong magpapakasal kayo ni Sir Gil," sabi niya. "That's why I resolved to myself that I can still love you not in a romantic way," aniya at napakunot ako. "I know, it sounded weird. I'm contented to love you from a far. And I discovered that there's that kind of love that transcends romance and sex."
YOU ARE READING
Where Dead Dreams Go
AdventureStruggling with depression and a stalled career, Molly, a once-promising writer stumbles upon a mysterious file titled 'Where Dead Dreams Go'. On a whim, she follows its lead to Damgo Island where she meets Golda, a quirky chairwoman and a cancer su...