CHAPTER 4

8.5K 97 2
                                    


ATASHA CANA DEL VERA

NAGING maayos ang takbo ng araw niya sa nakalipas na isang buwan. Unti-unti na rin nag hihilom ang sugat sa puso niya.

Ngayon ay magkikita sila ng mga kaibigan sa isang café. Nakasuot siya ng kulay black na dress na above the knee na lalong nag paputi sa kanya. Ang mga pulang marka sa katawan ay matagal ng nawala.

Ang buhok ay hinayaan niya na lang nakalugay.  Naglagay lang siya ng pulbo at liptint sa labi. Hindi niya na kailangang maglagay ng kolorete sa mukha. Natural na ang mamula-mulang pisngi at labi.

Kinuha niya ang sling bag at lumabas sa condo, pumasok sa elevator at pinindot ang P,  ng bumukas, naglakad papalapit sa kotse. 

Nag park siya sa labas ng café.  Pumasok at hinanap ang mga kaibigan. Nakita siya ng mga ito at tumayo sila, nakipag beso-beso ang tatlo sa kanya paglapit sa table kung saan nakaupo ang mga ito.

Siya na lang ang kulang.

"Ang tagal mo Atasha Cana Del Vera ha.  Kanina pa kami dito" saad ni Maxxen. Umirap ito sa kanya. Ang maldita talaga nito.

Ang tatlo niyang kaibigan kasali na si Shannel ay galing sa mayamang pamilya. Si Shannel ay kasa-kasama na niya talaga ito mula Elementary hanggang College. Ang dalawa ay nakilala nila noon nasa First year college sila ni Shannel.

"Kailangan talaga buong pangalan ko ang sabihin.. Ang traffic kasi... Sorry naman. Ang Maldita mo talaga Max e no." Umupo ako. Nag order naman si Shannel.

"Yah. Don't call me that name. Hindi bagay sa kagandahan ko. Duhh " Arte nito. Tinarayan ulit siya.

"Arte mo gaga." Natatawang aniya.

"Tumigil na nga kayo. " pagsaway sa amin ni Joanna.. Ito talaga ang mabait at mahaba ang pasensya sa amin e. Haha.

Natawa na lang kami ni Maxxen.  Baliw lang e. Haha

"So kumusta ka naman Tash." ani ni Joanna.

"Ayos naman... Kayo kumusta na" Uminom ako ng juice.

"Ayos naman din Tash.. " -Joanna

"So kumusta ang hart mo..Move on na ba.?  - Maxxen

"Ayos naman ang heart ko. Tumitibok parin.. Still moving on. "

"Hanapan na lang kita boylet Tash para makalimutan mo na ng tuluyan ang cheater na 'yon." - Maxxen

"No thank. Sakit lang sa ulo iyan. " - Me

" Ayaw mo di wag. Gwapo pa naman iyon. Kaibigan ni brother na kasosyo sa business. " - Maxxen

"Akin na lang besh." - Shan

"Ayaw, para iyon kay Tash." - Maxxen

"Damot mo. " - Shan

"Hm.. Shan.." -Maxxen

"Ano? " -Shan

"Asan kuya Shion mo?" - Maxxen.  Tumabi pa ito kay Shan.

"Nasa ibang bansa besh Xen, may inaasikaso. Umamin ka na kasi kay kuya malay mo may gusto rin yon sa'yo. " - Shan.

" Hayy... Wala akong lakas ng loob umamin e. Huhu." - Maxxen

"Bahala ka,  rinig ko may lumalapit-lapit daw kay kuya na babae. At kung tatanungin mo kung sino, hindi ko alam. " - Shan.  She sip on the milktea's straw.

"Huhuhu Hindi ko siya hahayaan na mapunta sa iba.. Magsisimula na nga akong magpapansin sa kuya mo at baka mawalan na talaga ako ng chance. " - Maxxen. Matagal na itong may gusto sa kapatid na lalaki ni Shan. Ngunit hindi maka amin dahil sa pinangungunahan ng hiya at kaba.

ONE NIGHT | (COMPLETED) ✔️  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon