CHAPTER 18

5.7K 78 1
                                    

BITBIT ni Drake ang bag at maleta namin. Nauunang naglalakad ang mga kamag-anak ni Nixxon papasok sa private plane.

Magkasabay naman naglalakad sila Nixxon at Cassandra. Humawak pa sa braso ni Nixxon si Cassandra.

Medyo nahuhuli ako dahil sumasakit ang ulo ko. Konting pagitan lang naman ang layo ko sa kanila.  Tumingin ako sa unahan. Kung tutuusin, bagay na bagay silang dalawa. Maganda at gwapo....  Maybe in the end......

Nakaramdam nanaman ako ng lungkot. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako at parang nasusuka di ata ako.

Napansin ata ni Nixxon na medyo malayo na ang pagitan namin kaya tumigil ito sa paglalakad at tiningnan ako. Tumigil din sa paglalakad si Cassandra at tumingin sa akin ng masama.

"Mauna ka na, Cassandra "

"Okey.." umirap ito sa akin bago naglakad papasok sa private plane.

Lumapit sa akin si Drake ng may pag-aalala sa mukha.

"Are you okay? Namumutla ka. " Sinipat nito ang mukha ko. Pero umiling lang ako sa kanya.

"Wala, ahm. Tara na hinihintay na nila tayo. " I said.

"Are you sure na ayos ka lang.? Masama ba pakiramdam mo? "

"No. Ayos lang ako. " nauna na akong lumakad sa kanya.

Pagpasok namin sa loob ng plane ay nandoon na silang lahat. Kami na lang ang hinihintay.  May nag assist naman kay Drake at kinuha ang gamit na bitbit niya.

Naupo ako sa may hulian. Sunod din sa akin siya. Naupo ito sa tabi ko.

Tumayo naman si Cassandra sa kinauupuan at lumapit sa amin.

"Nixxon, pwede dito ka sa tabi ko maupo. Medyo sumama kasi makiramdam ko e. Alam mo naman na nahihilo ako minsan kapag nasa plane ako kaya nga palagi akong may kasama kapag nag ta-travel ako." paawang saad ni Cassandra.

"Kay Claiden ka na lang tumabi iha." saad ng isang tita ni Nixxon na malapit sa amin. Si Claiden ay pinsan ni Nixxon.

"Pero gusto ko po si Nixxon ang katabi ko. "

"Kita mo naman iha na katabi niya ang girlfriend niya. " may halong inis na saad ng tita ni Nixxon.

"Sige na Drake,  doon ka na tumabi." i said.

Kunot-noong tumingin ito sa akin. 

"Cassandra, doon ka na lang tumabi kay Claiden."

"Pero Nixxon." wala na itong magawa ng tingnan siya ng seryoso ni Nixxon. Umirap ito sa akin bago umalis.

Sabunutan ko kaya ang babaeng 'yon.

"What's going on on you Cana? " kunot noong tanong niyang sa akin ng umirap ako sa kanya. 

"Wala. " simpleng sagot ko.

"Do we have a problem?"

"Pwede ba, tumahimik ka nga muna diyan" inirapan ko ulit ito.  Naiinis ako sa kanya. Pumikit ako ng umandar na ang eroplano.

"Taena." he murmured frustrating.

Mapamulat ako ng mata at tingnan siya ng masama.

"Minumura mo ba ako? " galit kong tanong.

"No, hindi,  hindi kita minumura."

"tss. " umirap ako sa kanya at tinalikuran siya.

"Hey,  baby" malambing na tawag nito sa akin at hinawakan ako sa braso para ipaharap sa kanya.

ONE NIGHT | (COMPLETED) ✔️  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon