CHAPTER 29

5.4K 81 7
                                    


Enjoy reading 😊

~~~~~~

"What?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko kasi narinig ng maayos ang huli niyang sinabi dahil mahina ang pagkakasambit niya.

Ngumiti ito. " Nothing. I said I love you. " inilapit niya ang mukha at hinalikan ako sa labi.

Nakatagilid ako'ng nakaupo sa hita niya. Hinawakan nito ang hita ko. Pinalalim ang halik na pinagsasaluhan sa loob ng opisina.
Isinampay ko ang braso sa leeg niya at ipinikit ang mata.

I kiss him back. At dahil naka dress ako ay madali lang niyang nahawakan ang legs ko.

Naputol ang halikan namin ng may kumatok sa pinto. Nakasimangot ang mukha ni Nixxon dahil sa pagkabitin.

"Istorbo. " tinawanan ko lang ito saka hinalikan ang labi.

Kinagat nito ang labi ng inilayo ko ang mukha sa kaniya.

"Sarap. Isa pa. "

Tinampal ko ito sa braso " Tama na 'yan. Kanina pa kumakatok ang nasa labas. " Akmang tatayo na ako nang pigilan niya ako sa pamamagitan nang paghigpit ng yakap sa baywang ko.

"Pasok. " Pagpapapasok nito sa tao na nasa labas.

"Ano ba, bitawan mo na ako. Nakakahiya."

Hindi nito ako pinansin. Nakayakap lang ang braso sa baywang ko.

Pumasok ang secretary ni Drake na lalaki.

"Sir, Nasa meeting room na po sila. Ikaw na lang ang hinihintay ng lahat."

Tumango ito. " Sige, " Tumango ang secretary bago umalis.

"Dito ka muna baby, tawagin mo na lang si Florence kung may gusto ka. "

Tumango ako sa kanya.

"Sige po. "

"Mabilis lang ako. "

Hinalikan pa ako nito sa labi at noo bago lumabas ng opisina.

Umupo ako sa swivel chair niya.

Maraming papel sa sa ibabaw ng table niya. Umusog ako ng konti sa table niya at tiningnan ang ibang nandoon.

Nabaling ang tingin ko sa baba ng may makitang nakabukas na drawer sa ibaba. Akmang isasarado ko na sana ito ng may naka agaw ng pansin ko.

Binuksan ko ang drawer at dahan-dahan kinuha ang picture ng batang lalaki at babae. Ang batang lalaki ay malaki ang ngiti na nakatingin sa camera habang naka akbay sa batang babae.

Ang batang babae ay kilalang kilala niya dahil siya at ang batang babae na nasa picture ay iisa.

"Bakit may picture ako dito? At sino ang lalaking nasa tabi ko? "

Nalilito ang mukha na nakatitig sa picture na iyon.

Pilit kong inaalala kung sino ba 'yon. Pinakatitigan ko ang mukha ng batang lalaki.

Kalaunan ay nanlaki ang mata at napatakip sa bibig. Unti-unting bumalik ang alaalang kinalimutan ng nakaraan. Sa bawat segundo ay namumuo ang luha sa mga mata.

"H-Hindi." mahinang saad ko.

Hindi pwede, hindi siya 'to. Hindi siya ang taong nangako sa akin na babalikan ako. Ang hinantay ko ng matagal ngunit hindi bumalik.

***

"AC, picture tayo. " yaya ni ND.

"Sige." Masayang sabi naman ni AC.

ONE NIGHT | (COMPLETED) ✔️  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon