Kabanata Dalawa

2.3K 52 1
                                    

Shayna P.O.V

SABI nila, kapag mag isa ka lang ay magagawa mo ang  lahat ng gusto mo. Kapag mag isa ka lang sa buhay ay wala kang iisipin kung hindi ang sarili mo lang, ngunit bakit sa akin ay kabaliktaran?

It was already five years, mabilis at parang kahapon lang nangyari ang lahat. But the one thing I never been imagine is that being chained of someone I even haven't seen, hindi ko inakalang aabot na punto na pinagsisihan ko ang lahat ng naging desisyon ko. I expected disappointment but not in this way, bakit kailang maging ganito?

Bumuga ako ng malalim na hininga at uminom ng kape habang nakatingin sa glass door, halos lahat din ng nasa paligid ay pareho lang sa akin.

"Mommy, I want coffee!" Napatingin ako sa isang bata na tinuturo sa mommy niya ang ang isang kape, hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa nakikita. How does it feels of having a child? 

"Just wait, Zavannah and seat there with your brothers." Turo naman ng kanyang ina, ngumuso ang bata at bumalik kung saan silang table.

"Excuse me, miss but the guy near there wanted to give this." Inabot ng isang wayter ang cake, bumaba ang tingin ko do'n at tumungin sa lalaking ngayon ay nakangiti na sa akin.

"Thanks but please give this back to him, you know and please also tell him that I am five years in marriage. Thanks." Sabi ko at sinimulang ayosin ang mga gamit ko, kaagad na sinusunod ng wayter ang sinabi ko kaya hindi na ako nagtaka nang lumabas ako at dumaan sa lalaking iyon ay naiilang siyang umiwas ng tingin.

Yes, five years in marriage with unknown man. Alam ko ang pangalan pero kahit anong hanap ko sa social media ay wala naman siya, kahit bumisita ako minsan sa kompanya niya rito at magtatanong ukol sa asawa ko ay lahat sila'y natatahimik at walang maisagot.

"This way, madam." Bungad sa akin ni Greco nang lumabas ako ng coffee shop, hindi ako sumagot at naglakad lang ng mabilis patungo sa sasakyan. Sanay na sila sa akin, sanay na sila sa pagkasuplada ko sa kanilang lahat.

Iniisip ko kasi na baka kapag napuno na sila sa akin ay aalis sila, isusumbong nila ako kay Lim at dahil do'n ay siguradong uuwi siya para makita ako. But then hindi niya naman ginagawa, pero hindi ako panhihinaan ng loob.

"Kumusta ka diyan sa Maynila, anak? kumusta ang trabaho mo?" Saka lang ako nakangiti nang marinig si nanay sa kabilang linya, iyan ang buong akala niya kaya minsan lang ako nakakauwi at may napapadalang pera kada buwan.

"Okay naman ako," pero hindi ko na yata kaya, five years is enough with me to understand him.

"Mabuti naman, nga pala ang saya ng tatay mo kasi dahil sa pinadala mong pera ay nakabili siya ng bago niyang traysikel." Aniya, kahit na gusto kong magpahinga si tatay ay wala naman akong magagawa dahil matigas ang ulo nito at gusto talagang mamasada araw-araw.

"Mabuti naman, tatawag ulit ako 'nay kasi papasok na ako at marami pa akong gagawin." Paalam ko na kaagad niyang pinayagan bago ko ibinaba ang tawag, malapit na kasi kami sa mansyon at iyon ang totoo.

"They're here again, madam." Kaagad na bungad ng isang katulong nang makita akong bumaba ng kotse, aba't hindi ba nagsasawa ang mga taong iyon?

"Don't mind them, gawin mo na lang ang trabaho mo at ako na ang bahala." Ani ko't ngumiti ng malapad bago naglakad papalapit ng main door, ang aga aga ay sisirain na kaagad ng mga kapamilya ni Lim ang araw ko.

"Why are you still here? hindi ba kayo nagsasawa na wala kayong makikitang Lim dito?" Sinadya kong palamigin ang boses ko dahil tinatamad akong makipag usap sa mga mukhang perang ito, lahat sila ay pataas ang kilay na tumingin sa akin.

The Untold Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now