Kabanata Walo

1.8K 46 2
                                    

This chapter is dedicated to, Jaileayaaaaaah_

Shayna P.O.V

"HEY slowly, wife." Kaagad na sabi ni Lim nang makita akong hinihingal na nakalapit sa kanya dahil sa katatakbo, shit! akala ko talaga ay hindi ko na siya maabutan dito malapit sa dagat.

"Walang signal, kailangan ko 'yon." I said and raised my phone again, subrang hina talaga pero kailangan kong maghanap dahil baka hindi pa na-a-approve ang request kong magpaextend ng final interview ko biglang journalism.

"Why? don't tell me you have a fucking text mate?" I looked up as I heard what he said, seriously?! at bakit parang kasalanan ko pa?

"I am not a high school student, okay? so don't ever think of that kasi hindi ko magagawa iyon sa buong buhay ko, okay?" Hindi ko mapigilang umirap sa kanya dahilan upang mapaawang ang labi niya, duh!

Great, apat na araw pa lang simula nang maging close kami pero ito kaagad napipikon na ako at na ba-bad trip sa ilang kilos niya. Magkasulubong ang mga kilay ko habang naglalakad at pilit na itinataas ang phone ko para makakuha ng kahit na isang bar na lang ng signal, kinakabahan ako dahil hindi ko talaga expect na magtatagal kami ni Lim sa Deapoina ng isang linggo.

Panay hanap ko ng signal sa kung saan saan hanggang sa hindi ko na malayang nakalayo na ako, gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ang dumagdag na taong bar sa signal ng phone ko.

"Dito lang pala ang may signal." Ani ko't umupo sa malaking bato habang ni-re-refresh ang notification ng email ko, after a minute ay pumasok na ang ilang email sa akin hanggang sa nakita ko na ang pangalan ng kompanyang iyon.

INTERPRESS COMPANY:

Hello miss/sir we already recieved your email about extending your interview, we would like to inform you that the admin agreed since the ceo is not around for a week, just be here next monday thank you.

Halos mapatalon ako dahil sa email nila, buong akala ko talaga ay sisipain na nila ako dahil kay bago bago ay may nalalaman pa akong extend. Tumayo ako na halos sumipol habang naglalakad pabalik, ngunit napatigil ako nang makita ang buong paligid.

Shit! paano ako nakapasok dito?! puno ng kahoy at damo ang paligid na matataas, parang iyong katulad sa horror movie na palabas. Napalunok ako at dahan dahang naglakad patungo sa isang daan, hindi ko matandaan kung saan ako dumaan kasi naman ang daming daanan dito!

Namamawis na ang mga palad ko at sarili pero hindi ko parin alam ang daan pabalik sa Deapoina, ilang beses akong pumasok sa magkaibang daan pero bumabalik naman ako kung saan ako galing.

"Oo nga naman buhay, hay naku!" Hindi ko mapigilang sigaw sa paligid ngunit gano'n na lamang ang kaba ko at gulat nang marinig ang pag doble ng boses ko, it was so creepy. Hindi ko mapigilang tumakbo lalo na nang may marinig akong yapak ng kung sino, sigurado akong hindi malayo mula sa akin.

"Teka, narinig niyo ba ang boses na iyon? siguradong andito lang." Rinig kong tanong ng isang lalaki sa kasamahan niya, I stopped running and hid in the big tree.

"Babae iyon, siguro taga Deapoina na naligaw patungo rito." Kumunot ang noo ko dahil sa narinig, ibig sabihin ay hindi na Deapoina ang napuntahan ko? shit, wala naman akong nakitang sign kaninang hanggang dito lang ang Deapoina.

"Bakit ba natin hinahanap ang babaeng iyon? wala naman tayong makukuha lalo na kung bisita lang sa isla na iyan." Sa pagkakataon na iyon ay hindi na boses ng lalaki ang narinig, a woman! may babae silang kasama.

The Untold Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon