Kabanata Labing Walo

1.4K 36 0
                                    

Shayna P.O.V

NAGISING ako sa ingay ng mga manok sa labas mismo ng kuwarto ko, hindi ko na rin nakita si Lim nang bumaling ang paningin ko sa aking tabi. At saan na naman ang lalaking iyon? napahikab na lamang ako bago tumayo upang ayosin ang sarili ko.

Hindi natulog si Lim sa kama ko kagabi nang matulog na ang lahat dahil iyon ang pinangako niya kay tatay pero ang hangal pumasok naman dito nang sumapit ang 3:30 AM!

Pagkalabas ko ng kuwarto ay hindi ko na makita ang presensya niya pero nakita ko kaagad si nanay na nilalagay ang ilang baunan sa loob ng basket, bumaling naman ito kaagad ng tingin sa akin nang marinig niya ang yabag kong lumalapit.

"Magandang umaga, anak." Bati niya at mas ngumiti ng malawak, "dalhin mo pala ang basket na ito do'n sa sakahan natin kasi hindi pa nakakapag-almusal si tatay mo at ang manliligaw mo." Tinanggap ko ang basket hanggang sa natigilan na lamang ako pagkatapos marealized ang sinabi ni nanay, ano ang ibig niyang sabihin!?

"Teka, 'wag mong sabihin na nagtatanim sila ngayon ng palay kasama si Lim?" Hindi ako makapaniwala, hindi naman ganito si tatay pero baka hindi sanay si Lim at mahimatay na lang, kami pa ang gagastos sa pang-ospital nito.

"Hay nakong bata na iyon, nang marinig niyang pupunta ang ama mo sa sakahan ay sumama kaagad kahit anong pilit ko na huwag na pero ayaw talaga e', sasama talaga." Hinugasan ni nanay ang kanyang mga kamay habang sinasabi iyon, wala naman akong nagawa kundi umalis ng bahay suot ang puting daster at banig na takip sa aking ulo.

"Ang gwapo talaga! sino ba iyan at hindi natin alam na may anak palang lalaki sina Sayna." Rinig ko ang malalakas na sabi-sabi sa paligid habang papalapit ako sa sakahan namin, mas lumalim ang kunot ng noo ko dahil sa maraming mga babae na halos nakapila na rito.

"Teka, anong mayroon?" Tanong ko sa isang babaeng dumaan sa akin, tumigil siya at tumingin kung saan ko tinuturo ang aking mga daliri bago tumango.

"Ah, iyon ba? naku, may makisig kasing lalaki na kasama ang tatay mo diyan. Nakatopless pa, ang ganda ng katawan lalo na ang braso nitong parang malalaking pandesal at basang basa pa." Tumaas ang sulok ng labi ko at halos gusto kong alisin na lamang ang mga tainga dahil sa narinig mula sa babae, mukhang kilala ko at alam ko kung sino ang tinutukoy niya 'tsaka ang rason kung bakit maraming mga babae ang pumapaligid ngayon dito.

"Ay sige, salamat." Mabilis akong tumungo sa papag at hinanda ang dala kong pagkain, pinakuluang mga itlog at kanin na may kasamang bagoong lang pala ang nasa loob ng basket.

"Andito ka na pala, anak." Kaagad na bati ni tatay nang makita ako, ngumiti ako kaagad siyang binati ng magandang araw bago ko binaling ang paningin sa lalaking nasa likuran niyang may malaking ngiti sa labi.

"Morning, babe." Sabay abot niya sa akin ng isang sunflower na halatang bagong kuha pa, narinig kong umingos si tatay bago uminom ng tubig.

"Salamat, magandang umaga rin. Sipag ka ngayon ah? anong nakain mo?" Tanong ko sabay taas ng kilay pero hindi dahil sa kanya, dahil sa mga marites na nakatingin sa amin.

Aba't ang babastos ng mga mata nila! nakasando lang kasi si Lim at basang-basa pa, kaya naman kitang-kita ang mga pandesal niya lalo na ang braso niyang nakakalaway.

Lahat sila ay nagbulong-bulungan bago umalis nang umirap ako at pinanlikahan sila ng mga mata, kahit kasi matatanda at may asawa na ay pumarito para makita lang ang asawa ko.

"Your dad told me that he'll let me pick this flower for you, bawal daw akong kumuha kapag hindi ko pinaghirapan." Halos mahulog ang aking panga dahil sa narinig, ano ba ang sinasabi niya? hindi naman sa amin ang kabilang lote na puno ng mga mirasol at puwede namang pitasin kahit kailan mo gusto.

The Untold Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now