39: Spend time with you

311 18 67
                                    


Sa Kaharian ng mga Bampira

"Mahal na supremo, nandito na po siya" Sabi nang kawal sa Supremo na taimtim nakaupo sa kaniyang trono

"Nandito ka na pala, ano ang balita?" Tanong nang supremo sa misteryosong babae.

"Gumagana naman iyong plano, madali lang naman pakiusapan ang bunso nilang anak" Sagot nang babae sa kaniya na kinangisi nang Supremo

"Basta kunin mo lamang ang loob nila, lalong lalo na panganay, ilang beses ko nang sinabihan ang mga ka alyado nating mga aswang hindi pa din sila natitinag" Madiin nitong sabi habang kinkuyom ang kamao nito sa galit nang kaniyang nararamdaman.

"Hangga't maari, gawin mo ang dapat gawin. Malapit na digmaan"

"Masusunod, supremo. Pero pag nakuha ko sila anong gagawin ko? Hindi ba't anak sila nang malakas na bampira t hunter? Baka naman pumalpak ang plano"

"Simple lang naman, wasakin mo lang sandatang meron sila. Pahirapan sila, duon lalabas si Ferdinand pag nakikita niyang nahihirapan ang kaniyang mga anak. "

"Sige po gagawin ko po nang maayos ang inyong pinaguutosAkmang tatalikod na ito at aalis nang magsalita pa ulit ang supremo.

"May isa pa akong utos"

"Ano po iyon?"

"Paslangin mo ang Hunter na iyon, lalo na dalawang Hunter na kanilang anak" Ngising sabi nito bago humalakhak nang mala demonyo. Walang kabuhay buhay lang siyang binigyan nang tingin nang babae bago ito tuluyang lumisan.

"Sisimulan ko na pagwarak sa kasiyahan mo, Ferdinand hangga't hindi ka bumabalik saken"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Araw nang linggo, nauna nang gumising si Imelda para mag hain nang almusal nilang pamilya sapagkat ay maaga silang magsisimba.  Pagkabangon agad naman kinuha ni Imelda ang roba nito at sinuot.

Medyo paika ika pa nga to maglakad palabas nang kanilang kuwarto sapagkat hindi pa masyadong magaling ang kaniyang ibaba.

"Bat kasi ke kalaki laki nang tigre nun jusko" Sabi pa nito habang paika ikang bumaba sa hagdan. Naabutan naman niya kapatid nitong si Alita

"Oh Ate, aga mo naman nagising" Tanong niya.

"Ikaw din ang aga mo ring nagising"  Sabi naman ni Imelda.

"Ah eh, magluluto sana ako nang almusal kaso di pala ako marunong ehehehehe" Nahihiyang sabi ni Alita, napailing na lamang si Imelda at lumakad na sa may kusina na napansing pa ika ika pa ito. Mag iisang linggo na kasing hindi maka lakad si Imelda simula nung gabing iyon.

"Ate nakailang rounds kayo ni Kuya Ferdie noon?" Bigla niyang tanong sa kapatid dahilan napalingon ito sa kaniya

"Masyado ba kaming maingay?" Nahihiya namang tumawa si Alita sa kaniya

"Hindi naman, kalabog lang naririnig ko hehehe" Tanging sagot ni Alita, tumulong na lamang ito sa pagluluto ni Imelda nang almusal para sa mga bata.

Nagluto lamang si Imelda nang Bacon, Scramble eggs at ginawang fried rice yung tirang kanin kagabi. Pagkatapos ay hinain naman ito ni Alita sa lamesa at si Imelda naman ay paika ikang umakyat sa kuwarto ng mga anak nito para gisingin.

Vampires and Hunters (FerdiMeld Au)Where stories live. Discover now