Chapter 1 - The Voice

135 12 0
                                    

"Dito na ba 'yon? Kulay pula 'yong signage tapos nakasulat Club DC?" maagap kong tanong ko sa kaibigan kong si Hannah na nasa kabilang linya. Sabi niya kasi sa akin ay sa loob ng Club DC restobar na raw kami magkita. Medyo naliligaw pa ako kasi nag-iiba pala 'yong itsura ng mga establishment dito kapag gabi na.

"Oo, yan nga! Bilisan mo na at baka mapagalitan ako ng boss ko kapag nagtagal ako rito!"

May duty kasi siya ngayon sa kabilang restobar na pinagtatrabahuhan niya. Sumaglit lang siya rito sa Club DC kasi wala kaninang tanghali si Sir Christopher-iyong may-ari. Nag-apply kasi akong waitress. Wala na kasing bakante sa restobar na pinagtatrabahuhan ni Hannah, mabuti na lang at may hiring ngayon rito sa Club DC.

Sa main entrance ng restobar ako dumaan kasi hindi pa raw ako pwede roon sa may backdoor kung saan talaga dumadaan ang mga empleyado.

Pinapasok naman ako ng guard pagkatapos kong magpakilala na aplikante. Sumambulat sa akin ang madilim na paligid pagkapasok ko sa loob. Tanging 'yong stage sa gitna ang namumukod tanging maliwanag sa kabuuan ng bar. Kasalakuyan na may isang banda na nagpe-perform. Sobrang tutok ang mga tao sa isang pares ng babae at lalaking singer na kasalukuyang kumakanta.

You by the light is the greatest find

In a world full of wrong, you're the thing that's right

Finally made it through the lonely to the other side

Grabe! Ang lamig sa tainga ng boses niya! Ilang linya pa lang ang kinakanta no'ng babae ay sadyang napahanga na talaga ako. Malaki ang resemblance ng boses niya kay Katharine Mcphee 'yong orihinal na kumanta no'ng "Terrified."

You said it again, my heart's in motion

Every word feels like a shooting star

I'm at the end of my emotions

Watching the shadows burning in the dark

And I'm in love, and I'm terrified

For the first time and the last time

In my only life

Ang galing! Umugong ang masigabong palakpalakan sa apat na sulok ng restobar. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na makipalakpak din. Bukod sa magandang boses ay hindi maipagkakaila ang angking ganda no'ng babaeng kumakanta. May pagka-tsinita siya. Naka-long curls 'yong buhok niya na kulay brown. Agaw pansin din ang angkin niyang kaputian sa suot niyang sexy black backless dress. Sa tantya ko ay papasa talaga siyang maging isang recording artist o artista pa nga. Hindi ko na namamalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa maamo niyang mukha.

Nakakahanga naman kasi talaga ang angkin niyang ganda. Idagdag mo pa 'yong mala-diva niyang boses. Hindi kagaya ko na hindi na nga masyadong kagandahan tapos boses ipis pa!

Mayamaya pa ay naagaw muli ang atensyon ko nang kumanta na iyong lalaking kapares niya.

And this could be good, it's already better than that

And nothing's worse than knowing you're holding back

I could be all that you're needing if you let me try

Kung napahanga ako kanina roon sa babaeng singer ay halos malaglag naman ang panga ko sa husky na boses noong lalaking singer. Hindi magkamayaw ang mga taong nanonood sa paggawad ng masigabong palakpakan.

Napakurap-kurap ako habang walang patid ang paraan ng pagtitig ko sa kanya. Mestiso ang kutis niya, mapupula ang labi at mapupungay ang mga mata. Mayroon siyang hoop earring sa kaliwang tainga. Sobrang ganda rin talaga ng boses niya. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na makipalakpak na rin kasabay ng iba pang nanonood.

Kaya siguro sobrang jump pack ang restobar ngayong gabi dahil sobrang galing ng bandang magpe-perform. Wala kasi akong makitang ni-isang bakanteng lamesa rito sa loob. Naagaw lang ang atensyon ko nang bigla akong kalabitin ni Hannah.

"Kanina ka pa ba rito?" kuryosong tanong niya. Nakasuot siya ng itim na polo shirt na may tatak na Bottoms Up Bar at blue denim jeans. May nakabalot din na hairnet sa kanyang buhok. Kaagad ko siyang tinugon.

"Oo, nalibang lang ako sa panonood roon sa banda na nagpe-perform."

Iginiya na ako ni Hannah patungo sa loob ng opisina ni Sir Christopher. Sa tantya ko ay nasa mid-forty na ang kanyang edad. May suot siyang salamin sa mata at kasalukuyang binabasa 'yong resumé ko. Medyo rinig pa rin 'yong musika ng banda na nagpe-perform sa stage hanggang rito sa loob.

"Good evening, Sir Christopher! Siya nga po pala si Scarlet!" Pagpapakilala ni Hannah sa akin. Maagap akong tinapunan ng tingin ng kausap.

"Have a seat, Scarlet!" magalang na nilahad ni Sir Christopher 'yong isang bakanteng upuan sa harap ng kanyang lamesa. Maagap na nagpaalam sa aming dalawa si Hannah dahil baka hinahanap na raw siya sa pinagtatrabahuhuang restobar. Babalikan na lang daw niya ako mamaya pagkatapos ng duty niya.

"Sayang naman at undergrad ka pala sa kursong Business Administration. Naka-isang taon ka lang?" Kaagad akong tumango.

"Opo, na-stroke po kasi 'yong father ko kaya kailangan ko po munang huminto sa pag-aaral. Nag-aaral na din po kasi sa highschool at elementary 'yong dalawa kong kapatid." Napatango-tango si Sir Christopher pagkasabi ko noon.

"Pero balak mo pa rin bang ipagpatuloy ang pag-aaral mo?" tanong niyang muli. He crinkled his forehead due to curiosity.

"Opo! Balak ko rin po sanang mag-working student kapag may sapat na po akong ipon pang-tuition fee ko." Sir Christopher bestowed an encouraging smile after that.

"Sige hija. Wala ka pa nga lang experience sa pagiging isang waiter, pero sa tantya ko naman ay madali mo namang matutunan iyon. Nanghihinayang nga lang ako kasi naging Dean's lister ka rin pala noong kolehiyo."

Ilang minuto pa akong ininterview ni Sir Christopher.

"Iyong susi ng magiging kwarto mo daanan mo na lang dito bukas ng tanghali, ipapalinis ko pa kasi iyon bukas ng umaga. Matagal na rin kasing bakante 'yon." Pagtutukoy ni Sir Christopher sa staff house kung saan libreng pinapatira ang mga empleyado ng Club DC na pawang mga taga-probinsya.

"Maraming salamat po talaga Sir! Malaking tulong po talaga 'yong patanggap n'yo sa akin dito sa Club DC! Makakaasa po kayo na pagbubutihan ko po sa aking trabaho!" Hindi ako magkamayaw sa pagpapasalamat sa aking boss.

"Walang anuman, hija. Hihintayin mo na lang ba si Hannah dito hanggang pagka-out niya?"

"Opo, hanggang alas-diyes lang naman daw po ang duty niya ngayon."

"Ah, gano'n ba. Basta umorder ka lang d'yan, sabihin mo lang sa waiter na complimentary 'yan ni Sir Christopher!" Napaawang ang bibig ko sa narinig.

"Marami po talagang salamat, Sir! Kahit iawas n'yo na lang po sa unang sweldo ko." Nahihiya ko pang sabi.

"It's my treat, hija! Natutuwa talaga ako sa mga empleyado kong breadwinner ng pamilya. Mag-relax ka na lang muna at manood ng banda roon sa labas dahil bukas ay mag-sisimula ka na rin naman sa trabaho mo."

Sa tantya ko ay sobrang swerte ko sa aking trabaho. Bukod kasi sa may libre na akong matitirahan ay mukhang sobrang bait pa ng magiging boss ko. Pagbubutihin ko talaga nang husto sa trabaho ko para naman hindi nakakahiya kay Sir Christopher.

Pinaupo ako ng isang waiter sa isang bakanteng stool chair malapit sa bar area. Umorder lang ako ng carbonara, nachos at iced tea.

Kasalukuyang kinakanta ng babaeng singer 'yong "Where Have You Been?" by Rihanna. In fairness, maganda pa rin ang rendition niya roon sa kanta. Naging abala ako sa pagkain nang carbonara nang biglang mapadako ang mga mata ko roon sa lalaking singer na kasalukuyang umiinom ng bottled mineral water sa bandang gilid ng stage. Naaaninag 'yong biceps niya habang hawak niya 'yong bote ng mineral water. Fit din kasi sa katawan 'yong suot niyang itim na t-shirt.

Pagkainom niya nang tubig ay mataman niyang tinanaw 'yong babaeng singer na kasalukuyang nagpe-perform sa gitna ng stage. Ilang sandali pa ay napalingon sa gawi niya iyong babae. Mabilis na nagtama ang mga mata nilang dalawa pagkaraan ay kaagad siyang kinindatan noong babaeng singer.

Meant To BeWhere stories live. Discover now