Chapter 11- Rebound

42 4 0
                                    

Hanggang sa makapasok ako sa Club DC ay tila wala pa rin ako sa ulirat. I don't know why being infatuated with Kieran hits different.

Hindi ko alam kung dahil ba siya 'yong first kiss ko.

Everytime kasi na gusto ko nang kalimutan 'yong feelings ko sa kanya parati na lang magkakaroon ng mga "insidente" na kagaya ng pagte-text niya. Kaya 'yong puso kong marupok nahuhulog na naman sa kanya.

Kasalukuyan akong kumakain ng ham sandwich habang may pinapaikot na papel galing admin. Dito raw pipirma 'yong mga empleyadong siguradong sasama sa company outing. Nakita kong pumirma sina Stella at Janice.

Ilang saglit pa ay iniabot sa akin ng kasamahan naming si Leo 'yong listahan.

Alphabetical ang pagkakalista sa pangalan ng lahat ng empleyado ng Club DC. Kailangan mong pumirma sa tapat ng pangalan mo kung siguradong sasama ka sa outing. Pinasadahan ko ng tingin ang listahan. Nakapirma na rin sina Glaiza, Harvey, Kenneth at Leo.

Napatingin ako sa letrang R na apelyido.

Robles, Kieran S.

My heart skipped a bit. Ngayon ko lang kasi nalaman ang buong pangalan ni Kieran. May nakita akong pirma sa tabi ng pangalan niya. Iyong stroke ng pirma niya ay medyo komplikado pero malinis pa ring tignan.

Pinagdiin ko ang mga labi ko. Nasa malalim akong pag-iisip nang maramdaman ko ang pagtabi ni Glaiza sa akin.

"Oh, Scarlet! Sure ka na ba talaga na hindi ka sasama?" kuryoso niyang tanong sabay tingin sa papel na hawak ko. She raised an eyebrow.

"Pinag-iisipan ko pa," tipid kong tugon. Saglit kong ibinaba 'yong papel sa ibabaw ng lamesa.

"Ano ka ba? Sumama ka na! Hanggang ngayon na lang daw ang pasahan ng final list ng mga sasama," aniya.

"Hindi natin afford 'yong mga out of town trip na ganito. Kaya samantalahin na natin na libre itong ibinibigay ng employer natin."

Napakurap-kurap ako sa harapan ni Glaiza. May point naman siya sa sinabi niya. Libreng swimming at pasyal sa Morong, Bataan. Hindi naman siguro ako maa-out place roon kasi andyan naman si Glaiza.

Kinuha ko 'yong itim kong ballpen sa loob ng dala kong shoulder bag at kaagad na rin akong pumirma sa tapat ng pangalan ko.

Monteflor, Scarlet R.

***

Bago pa sumikat ang araw ay binabaybay na ng sinasakyan naming bus ang kahabaan ng EDSA.

Nasa tatlong bus kaming lahat dahil isinama rin ata nina Sir Christopher 'yong iba nilang empleyado sa grocery store business nila.

Kasalukuyan akong nakikinig sa Spotify ng mga kanta ni Moira. Si Glaiza naman ay kanina pa tulog; may nakasukbit na neck pillow sa kanyang leeg.

May pinapalabas na pelikula sa LED TV na nasa loob ng tourist bus na sinasakyan namin. Mission Impossible yata ang title no'ng movie. May mangilan-ngilan na kasama namin ang nanonood pero 'yong iba ay busy rin sa pagce-cellphone at pakikipagkwentuhan sa mga katabi.

Sa Bus No. 1 kami ni Glaiza. Sa pagkakaalam ko ay sa Bus No. 2 naman nakaupo sina Kieran at ang mga ka-bandmates niya. Though, wala naman siyang tiyak pake sa presenya ko sa company outing namin pero hindi ko kasi maalis sa sarili ko na maapektuhan knowing na makikita ko rin siya mamaya sa Morong, Bataan.

Nasa apat na oras daw ang itatagal ng byahe namin. Ilang sandali pa ay tinatahak na ng bus namin ang NLEX.

Eksatong alas onse ng umaga nang narating ng aming bus ang Coral Beach Resort. May malaking tarpaulin na nakakabit doon sa may entrance.

Meant To BeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt